Ten

921 Words
    Naisipan naming tatlo nila Kara, Liam at ako syempre na uminum dahil yun naman daw ang pinunta dito ni Kara ‘di lang niya ini-expect na nandito si Liam.     Sino nga naman mag e-expect na bibisitahin pa ‘ko ng ex. ko ‘di ba? Siguradong kating-kati na ‘tong si Kara na tanunging ako kung bakit nandito si Liam.     "Bakit ka nga pala bigla biglang nagyayang uminum?" Tanong ko kay Kara.     "Wala, trip ko lang." Hindi ako convince, kilala ko siya hindi siya magyayayang uminum kung walang problema dahil mas bet pa niyang makasama jowa niya kesa ang makipag inuman sa kaibigan niya. Nahihiya lang sigurong mag open dahil kasama namin si Liam at mukhang na sense naman yun ni Liam kaya tumayo siya.     "Mauna na ‘ko ah, gabi na din kasi." Pagpapaalam niya. Mabuti naman!     Tumayo din ako. "Ihahatid na kita hanggang sa pinto." I offer. Tumango lang siya.     Sabay kaming nag lakad papunta sa pinto at iniwan muna si Kara sa sala.     "Mukhang kailangan ng kausap ng kaibigan mo, kaya iwan ko na kayo." Liam said smiling chuckling a little.     I chuckled. "Mukha nga."     "Okay lang bang bisitahin pa kita, pa minsan minsan?"     "Oo naman, walang problema! Just make sure na hindi ka lasing ‘pag bigla kang bibisita ulit." I joke.     He smiles, shyly. "Y-yah, sure." Lumapit siya sa’kin at inilapat ang labi niya malapit sa labi ko, siguro talagang para sa labi yung halik na yun bigla lang niyang naisip na sa pisnge nalang.     We look at each others eye, awkwardly. "Mag iingat ka, pauwi." I said.     "Oo." He said nodding. Tumalikod na siya at nag simulang maglakad papunta sa kotse niya. Hinintay kong umalis siya bago tuluyang isinarado ang pinto ‘tsaka bumalik sa sala kung nasaan ang kaibigan ko.     "Ngayon sabihin mo na, ano ba’ng problema?" Tanong ko nang makaupo ako.     "Si Edward kasi eh..." I knew it. "..niyaya na ‘kong mag pakasal."     "Oh my God!! Really? Eh bakit naging problema yun? Mahal n’yo naman isa’t isa at kasal nalang talaga ang kulang."     "Ang problema, hindi pa ‘ko ready mahal ko siya Oo walang question dun, pero i don't think na kaya ko yung idea ng kasal."     "So, anong ginawa mo tinangihan mo yung pagyayaya niyang magpakasal?" Tanong ko.      She nods. "Kaya nga nagalit siya."     "Maski naman siguro ako magagalit."     "Ha.Ha, ‘di ka nakakatulong!" She sarcastically said making me laughed. "Ang kinakatakot ko baka dahil sa pag tangi ko, bigla nalang niya ‘kong iwan."     "Kung natatakot ka naman palang iwan niya eh bakit ‘di ka pa pumayag? Tutal mukhang yun din naman ang iniisip ni Edward kaya ka niya niyayang magpakasal, para ‘di mo na siya iwan." Tumingin siya sa’kin at tila napaisip sa sinabi ko. Maganda siguro yung nasabi ko kaya napaisip siya, minsan talaga ang galing kong mag advice.     "You're right," She agreed, sighing. "Minsan talaga ‘tong utak ko wala sa hulog!" Inis niyang sabi habang paulit ulit na binabatukan ng mahina ang sarili niya.     "I know." I agreed.     She stands. "Pupuntahan ko na siya, at aayusin ang lahat." Pursigido niyang sabi.     "Go, push mo ‘yan."     "Salamat." Niyakap niya ‘ko sa sobrang saya, tinapik ko lang yung likod niya. Bumitaw lang siya sa yakap nung makarinig kami pareho ng katok mula sa labas. Actually mukhang hindi yun basta katok, mukhang hinampas ng kung ano yung pinto ko kulang nalang sirain.     "Ano yun?" Pagtataka ni Kara.     "Ewan ko." Nag lakad kami palapit sa pinto at may naririnig kaming sumisigaw sa labas.     "Hoy bruhang, Sophie lumabas ka dyan!"     "Si Cynthia ba yun?" Kara asked. s**t!!     Dali-dali kong binuksan yung pinto at nakita ko ang lasing at galit na galit na si Cynthia kasama ang isang babae na mukhang pinipakalma yung kaibigan niyang nagwawala.     "Ano bang kailangan mo?" Inis kong sabi kahit na alam ko naman na talaga ang sagot. Ano pa nga ba dahil ‘to kay Calvin.     Bigla niya kong sinampal na ikinagulat ko, medyo. "Mangaagaw ka! Sinabi ko na nga ba eh, sa simula palang alam ko ng aagawin mo sa’kin si Calvin kaya ayaw ko siyang dumidikit sa’yo!"     "Abat bruha ‘to ah!" Kara said, aakma na sana siyang sugurin para sabunutan si Cynthia pero pinigilan ko.     "Hoy una sa lahat hindi ko inagaw si Calvin sa’yo, okay. Pangalawa, bago maging kayong dalawa mag best friend na kami kaya kung iisipin ako ang una niyang nakasama kesa sa’yo!"     "Kaya pala ikaw ang dahilan kung bakit niya ‘ko iniwan!"     "Sinabihan ko siyang balikan ka!"     She laughed sarcastically. "At tingin mo maniniwala ako?"     "Kasalanan ba ni Soph, kung mas maganda siya sa’yo?" Kara said sarcastically.     "’Wag ka ngang makialam dito!" Cynthia said glaring.     "Cynthia, ano ba tama na ‘yan." Pagpipigil nung kasama niya.     "Makinig ka sa kaibigan mo, dahil kunti nalang buburahin ko na ‘yang mukha mo!" Kara said. Ay grabe ah, mas galit pa siya sa’kin.     Tumingin nalang ulit sa’kin si Cynthia at kung nakakamatay ang tingin, patay na ‘ko panigurado.     "Sinusumpa kong hindi kayo liligaya ni Calvin!" She yelled angrily. Nag simula na silang mag lakad papunta sa dala nilang sasakyan, yung kaibigan ni Cynthia ang driver dahil dun siya pumwesto sa driver seat. Bago sumakay si Cynthia ng kotse sinamaan muna niya ‘ko ng tingin.     "Bakit ‘di mo siya ginantihan ng sampal?" Inis na sabi ni Kara.     "I deserved that, after nung nangyari sa’min ni Vin. Pero yun na ang huli pag inulit pa niyang sampalin ako, gaganti na ‘ko." I calmly said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD