Nasa byahe na ‘ko pauwi ng Apartment ko mula sa trabaho. Pag dating na pag dating ko ng Apartment napansin ko agad yung taong nakaupo sa tapat ng pinto ko. Bumusina ako na dahilan para tumingin sa direksyon yung lalake at ang nakita ko ay si Calvin.
Npabuntong hinga ako. Ano na naman kayang kailangan niya? Tungkol kaya “to sa pagpunta ni Cynthia sa nahay ko? Alam naman kaya niya ang tungkol do’n?
Pinatay ko ang makina ng kotse ko at bumaba ng kotse para maharap na siya.
Tumayo siya ng makita ako at nagpagpag ng pants niya mula sa pagkakaupo. "What are you doing here?" I irritatingly asked.
"Nalaman kong ginulo ka dito ni Cynthia at sinaktan. I'm sorry about that." So tungkol nga talaga kay Cynthia.
"I deserved that, may nangyari sa’tin habang kayo kaya sasaluhin ko yun. Yun lang ba ang sasabihin mo?"
"Hindi parin niya dapat ginawa yun, ako ang may kasalanan at hindi ikaw."
"Umalis ka na nga lang!" Pagtataray ko.
He sighed heavily. "Please enough pushing me away, i really want us to be okay again. Kung pagiging mag kaibigan lang ang kaya mong ibigay sige yun nalang hindi ko na ipipilit, magkaayos lang tayo ulit." He looks helpless. Parang bigla tuloy akong na konsensya na ewan, gumagawa siya ng effort na mag kaayos kami samantalang ako walang ginagawa kundi ang ipagtulakan siya at tarayan.
Hindi ko lang kasi talaga alam kung anong dapat gawin after nang confession niya.
Huminga ako ng malalim. "Okay, I’m sorry too."
He smiles widely. "Okay, you mean okay na tayo?!"
I rolled my eyes. "Oo na!" Bigla niya ‘kong niyakap ng mahigpit dahil sa sobrang saya. Niyakap ko lang din siya at ngayon, naramdaman kong namiss ko pala ang ugok na ‘to.
"Umayos ka na ngayon, ugok ha!" I warned.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at sumaludo pa. "Makakaasa ka, bata." He said making me smile.
His cellphone ring... kinuha niya yun sa bulsa niya at sinagot..
"Dude, bakit? Ngayon na? I'm actually with her… yah, okay na kami.... Okay, I'll tell her." He ended the call.
"Si Edward yung tumawag, nagyaya silang uminum para daw mag celebrate bilang engaged couple na sila ni Kara. Sasama ka daw ba?"
So… finally nag yes na sa kanya si Kara. Sinunod pala talaga niya yung advice ko. Good for her. Saying naman kasi kung maghihiwalay sila. Siguradong ma bo-broken ako kapag nag hiwalay sila. Haha!
"May choice ba ‘ko? Siguradong tatalakan ako ni Kara ‘pag ‘di ako pumunta."
He laughed. "Tama ka."
"Mag bibihis lang ako."
"Okay, puwede ba ‘kong pumasok or hahayaan mo lang na naman akong mag mukhang gusgusin dito sa labas?" Pagpapaawa niya na may kasamang pangungunsensya.
"Ang arte, sige na pasok ka." Ngumiti na naman siya ng sobrang laki, edi siya na masaya!
Kinuha ko nalang yung susi ko sa bag at binuksan yung Apartment ‘tsaka kami pumasok dalawa. Ako dumiretso sa kwarto siya naman dumiretso ng kusina ko kasi na uuhaw daw siya.
Nag hanap na ‘ko ng puwedeng ma-suot, dahil club ang susuotin ko baka mag dress nalang ako. Pumasok na ‘ko ng bathroom para makapag shower muna. Buti nalang ngayon sila nagyaya dahil saktong OFF ko bukas sa trabaho.
Nang matapos akong mag shower nag bihis na agad ako at sinuot na ang black backless dress ko, then make up. Gora na!
Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Calvin na busy lang sa cellphone niya habang nag hihintay. May ka-text siguro ang ugok.
"Alis na tayo?" Tanong ko na dahilan para tumingin siya sa’kin.
Tinitigan niya ako ng malagkit mula ulo hanggang paa na dahilan para medyo ika-ilang ko. Ito kasi ang unang beses na titigan niya ako ng ganito. Or puwedeng tinititigan na niya ako ng ganito noon hindi ko lang napapansin dahil hindi ko pa noon alam na may gusto siya sa akin. Jeez! Kailangan gano’n niya ‘ko tignan? "You look wow!" He admiringly said.
"Wala kong pera, tigilan mo ‘ko!" Pabalang kong sabi.
He laughed. "Di ka talaga marunong tumangap ng compliment."
"Aalis ba tayo o tatawa ka lang dyan?"
"Aalis na po, baka magalit ka na naman eh."
"Buti alam mo!" Tumayo na siya sa couch at inilagay ang cellphone sa bulsa niya. Inabot niya sa’kin yung kamay niya kaya ‘di ko maiwasang mag taka.
"Para saan ‘yan?" Tanong ko sabay turo ng kamay niya gamit ang labi ko.
"Magpapaka feeling gentleman ako, aalalayan ko ang isang magandang binibi."
I slapped it. "Thanks, but don't bother i can walk on my own."
He pouts. "Dati naman pumapayag ka."
"Dati yun noong wala ka pang ginagawa."
"Akala ko ba nagkaayos na tayo?"
I take a deep breath. "I know, I’m sorry. Nag a-adjust pa ‘ko." ‘Tsaka tingin ba niya madali lang kalimutan yung angyarai sa amin? First time ko kaya ‘yon.
"Okay, lead the way." Just like what he said, i lead the way. Una kong lumabas habang nakasunod lang siya sa’kin. Dumiretso ako sa kotse at binuksan ang pinto nito sa driver seat habang si Calvin binuksan ang pinto sa passenger seat.
"Hindi mo gagamitin kotse mo?" Pagtataka ko.
"Ayokong mag maneho ka pauwi mamaya ng mag isa kaya isang kotse na ang gamitin natin."
"Ang sabihin mo nag titipid ka ng gas."
He chuckled. "Yah, maybe that one too."