Nakarating kami sa Club kung saan yung sinabi ni Edward na puntahan namin ni Calvin. Inabot kami halos isang oras marating lamang ito. Nag park lang muna ako ng kotse at pinatay yung engine. Naunang bumaba si Calvin habang ako nag retouch muna sa loob ng kotse ko para pretty syempre. Haha.
"Soph, tara na!" Calvin said disturbing me.
"Sandali lang naman!"
"Maganda ka na, ‘wag ka ng magpaganda!"
"Ha.Ha. manahimik ka nga dyan!" Sarkastiko kong sabi.
"Bilis, ang dami ng chicks oh!" Excited niyang sabi. Aba't loko ‘to ah! ‘Yan ba pinunta niya dito? Hindi ang celebration nung dalawa?
"Bakit kaya hindi ka nalang mauna!"
"Okay, sige mauna na ‘ko ah." Pagkasabi niya nun nag lakad na siya papasok ng Club. Abat, sineryoso nga ng mokong yung sinabi ko. Humanda siya sa’kin, tama ba namang iwan ako? Alam kong excited siya sa chicks pero… ako parin ang kasama niya ngayon tapos hahanap pa siya ng chicks. Tsk!
Nang matapos akong mag retouch bumaba na ‘ko ng kotse at pumasok ng Club, una kong hinanap yung ugok na si Calvin. Papaltukan ko kasi siya eh. I saw him with Kara and Edward, lumapit ako sakanila at tulad ng plano binatukan ko siya sa likod ng ulo niya.
"Aww Soph, para saan yun?" Pagtataka niya.
"Iniwan mo ‘ko sa parking!"
"Sabi mo kasi mauna na ‘ko eh!"
"Sumunod ka naman talaga?!!"
"Alam mo namang masunurin ako sa’yo eh, pati nga pakikipag kaibigan lang na gusto mo sinunod ko eh." Humugot pa yung loko!
"Ay, ano ‘to? L.Q?" Kara said smirking, teasingly interrupting our conversation.
"L.Q ka dyan!" Pabalang kong sabi ‘tsaka nag cross arms.
"Bagay naman kayo Vin ah, bakit ‘di nalang kayo?" Edward teasingly said.
"Shut up, Edward!!"
Bigla akong inakbayan ni Calvin. "Dude, don't push it... baka siya naman ang mafall."
Siniko ko siya sa tagiliran niya na dahilan para maalis yung pagkakaakbay niya sa’kin. "Asa ka ugok!"
"Ouch.." He said making a fake hurt face while holding on his chest. "Ang hard mo Soph, sinaktan mo na naman ang puso ko."
"Isa pang hugot mo, ‘di na naman ulit kita papansinin!" I warned.
"Teka, biro lang ‘to naman oh." Sabi niya sabay lambing.
"Okay, guys since kitang kita naman sainyong dalawa na okay na kayo, simulan na nating mag celebrate." Kara said. We nodded to her smiling, excitedly.
Like what she said, sinimulan na namin yung inuman… libre nila. Haha! Kaya sulutin na, minsan lang ‘to. Pero ayaw ko na ulit mag paka lasing ng bongga yung tipong walang ng naaalala, na trauma na ko do’n sa nangyari nung huling beses na nangyari yun. Kumbaga, wake up call ko yun na ‘wag na magpapakalasing ng bonga.
"Soph, gusto mong sumayaw?" Calvin asked.
"Nah-uh! Ikaw nalang." I said. Nagsasayaw lang ako pag medyo tinatamaan na, eh hindi pa naman ako tinatamaan kaya ayaw ko pa.
Uminum muna siya ng beer ‘tsaka tumayo at pumunta ng dance floor. I raised my right eyebrow, as i watched him walking straight to dance floor. Sasayaw talaga siya? Ano na naman bang iniisip ng ugok na ‘yon?
Nang makarating siya sa dance floor may nakasayaw naman agad siya at base sa kilos ng babaeng kasayaw mukhang type niya si Calvin. At ito namang si Calvin talagang pinapatulan ang pakikipag sayaw sa kanya nung babae. Ang harot ah!
"Sophie," Kara called making me look at her. "Jelly much?" She asked laughing.
"Ha?" Pagtataka ko.
"Alam mo ba kung ano itsura mo ngayon?"
"Bakit ano bang itsura ko?" She makes a fake disgusted face and kunot noo face. "Ganyan itsura ko?" Tanong ko.
"Oo! Alam mo kung ayaw mong makitang may kalandian sa dance floor si Vin, puntahan mo siya at makipag sayaw ka… kesa nandito ka lang at halos patayin mo na sa tingin yung girl."
"Hindi ah!"
"Yah, Yah, sabi mo eh." She said laughing and Edward joins her.
I rolled my eyes. Pinag tripan na naman nila ‘ko. Uminum nalang ulit ako ng beer ng beer at ‘di na pinansin yung sinabi nila, gustuhin ko mang pigilan ang sarili kong ‘wag tignan si Vin sa dance floor ‘di ko naman mapigilan.
I stand shockingly as i saw Calvin kissing the girl he's dancing with. What the hell? Magkasayaw lang sila ah? Ba’t may halikan na? Lumapit ako sakanila at hinawi silang dalawa na kung mag halikan akala mo wala sa public place.
"What the hell?!" The girl said, groaning angrily.
"Back off girl!" I warned.
"Sino ka ba?" Irita niyang sabi.
"I'm his... best friend."
"You're just a friend pero kung maka-arte ka para kang girlfriend!" Hinawi niya ‘ko at hinila si Calvin papalapit sa kanya at sumayaw sa harap nito na akala mo wala ako sa harapan nila.
Hinila ko ulit papalapit sa’kin si Calvin. "For your information girl, he's inlove with me! And he's just flirting with you!"
"So?" Pabalang niyang sabi.
"Okay, ladies... tama na!" Calvin calmly said. Inakabayan ako niya ‘ko bigla. "Since I’m done flirting with you, aalis na kami."
Sinimulan na naming maglakad habang nakaakbay siya sa’kin ‘tsaka siya biglang tumawa ng makalayo kami. "Gano’n ka pala mag selos, Soph?"
Tinangal ko yung pagkakaakbay niya sa’kin. "Sinong nag sabing nagseselos ako?"
"Wala! Pero kitang kita yun sa mukha mo." He teased.
Ha! Ako? Magseselos? Duh!
"Tigilan mo nga ‘ko!"
He laughed at my reaction. "Mukhang magiging masaya ‘tong gabing ‘to!"
"Para sa’yo siguro!" Hinawakan niya ‘ko sa chin at inilapit ang mukha niya sa’kin kaya na pa atras ako ng ulo.
"’Wag ka na magselos, okay? Mas maganda ka do’n at mas..." He paused looking down at my lips. "Never mind." Hinawakan niya ‘ko sa kamay at hinila papalapit sa couple. Kita mo ‘to! Mag sasalita tapos ‘di rin naman pala sasabihin. Baliw na ata talaga ‘to eh.
Magkatabi kaming umupo habang yung lovers, sweet na sweet lang... sanay na kami. Ganyan naman lagi sila eh.
Nasa sandalan ng upuan ko yung braso ni Calvin, habang umiinum kaya ‘di tuloy ako makasandal. "Bakit ayaw mong sumandal?" Calvin asked.
"Kung tinatangal mo kaya yang, braso mo edi sana nakasandal na ‘ko."
"Okay!" Sabay tangal ng kamay sa sandalan kaya nakasandal na ‘ko. Pero bigla niyang binalik ang braso niya at inakbayan ako. Tumingin ako sa kanya at napataas kilay, unti nalang iisipin kong pumaparaan ‘to!
Tumingin siya sa’kin at ibinaba yung tingin sa labi ko, na medyo nakakailang. Umiwas din naman agad siya ng tingin at uminum ng beer. "C.r lang ako." Sabi niya ‘tsaka tumayo at sinimulang maglakad papuntang c.r.
Iniisip ba niya kaninang halikan ako? Parang yun kasi ibig sabihin ng mga tingin niya eh.