Thirteen

977 Words
    Just like what Calvin like bago kami umalis ng Apartment ko, he drives my car pauwi ng Apartment ko. Talagang pinilit niya yun, kahit na kaya ko pa namang mag drive. Hindi naman kasi talaga ako uminum ng sobra. Ni hilo nga hindi ko nararamdaman.     Nang makarating kami ng Apartment ko, sabay kaming bumaba ng kotse at nag lakad papunta tapat ng pinto. Humarap ako sa kanya para makapag paalam na.     "I enjoyed this night." He said giving me back my car key.     "Yah, you obviously enjoyed the night." I sarcastically said. I’m referring do’n sa pakikipag halikan niya sa Club.     "Was it still because of the girl I’m flirting, before?" He asked chuckling. Alam naman pala niya.     I nodded my head. "Nakawala ka lang kay Cynthia, naging wild ka na."     He laughed. "Wild talaga? ‘Di ba puwedeng ine-enjoy lang ang pagiging single ulit?"     "Na sobrahan ka sa pag e-enjoy, ugok."     "No, you're just jealous!"     "No!" Pagtatangi ko. "Bakit naman ako magseselos, aber?"     He shrugged, smiling teasingly. "I don't know, ikaw lang makakasagot niyan."     I roll my eyes. "Umuwi ka nalang, ipahinga muna ‘yan dahil baka dala lang ng alak ‘yan."     "Okay." Humakbang siya papalapit sa’kin at hinalikan ako sa pisnge. "Goodnight Soph." He whispered, sexily. I gasped, i don't know kung ano tong naramdaman ko, pero sa pag bulong lang niya nakaramdam na ko ng... ewan. What the hell? Ano ‘to?     I step back right away. "G-goodnight!" Nauutal kong sabi.     "You okay?" He asked amused.     "Y-yah!" Nauutal ako. Seriously Sophie? Ba’t mukha kang ewan ngayon?     "Eh bakit nauutal ka?"     "Inaantok lang!" Buti nalang magaling akong mag palusot.     "Ah... akala ko kasi na akit ka na sa’kin."     I forcefully laughed. "Me?" I pointed myself. "Oh c'mon, ikaw ang na akit... remember?"     He smirked, flirty. "Yah, i remembered that."     I cleared my throat, facing my door. Feeling ko kasi namumula ako kaya tumalikod na ko. Langya .tong ugok na ‘to kung ano ano pinapaalala... ay teka, ako pala nag paalala nun.     "Bakit ka tumalikod? Umiiwas ka na ba sa usapan?"     "Umuwi ka na nga!" Irita kong sabi habang inia-unlock yung pinto, pero mukha kong ewan dahil ‘di ko manlang ma-ipasok yung susi. I groan, secretly. Seriously Sophie? Anong arte yan? I scolded myself.     "Need a hand?" He asked. Naramdaman kong parang ang lapit lang niyang nakatayo sa likod ko kaya dali dali akong humarap at dahil ka level ng mata ko labi niya yun agad ang una kong nakita. He's biting his lower lip.     Kinuha niya yung susi sa kamay ko inia-unlock yung pinto para sakin. "Hindi ko naintindihan kung bakit nahirapan kang ipasok yung susi eh ang dali lang naman." He teasingly said.     "Okay, salamat… makakauwi ka na!"     He laughed. "Namumula ka!"     Napahawak ako sa pisnge ko. "Dahil lang ‘to sa alak."     "Oh, really? bakit kanina parang hindi naman."     I pushed him on his chest. "Umuwi ka na nga!" Pag kasabi ko nun humarap ako ng pinto ‘tsaka pumasok at bago ko ito isara nag salita siya..     "Goodnight, Soph."     "Goodnight!!" I said slaming the door. Ano bang nangyayari sa’yo Sophie? Para kang ewan kung kumilos!! I scolded myself.     Dumiretso ako sa kwarto ko at sinimulang hubarin ang lahat ng suot ko hanggang sa matira nalang ay ang underwear ko, pumasok ako ng bathroom at sinimulang mag half bath.     Kailangan ko lang sigurong i-freshen up ‘tong katawan ko baka sakaling mawala na ‘tong... teka ano nga ba ‘tong nararamdaman ko? Yung pakiramdam na ‘to parang ito yung, ito yung pakiramdam noong may nangyari sa’min. Shocks!! Ibig bang sabihin tama si Calvin na naakit ako sakanya?     Pambihira! Nababaliw na nga talaga ako!     Hindi ko dapat ‘to maramdaman sa best friend ko, pero teka lang... bakit siya nakaakit din naman sa’kin ah? Nauna pa nga siya! So, bakit ako hindi puwede?     Uh... siguro dahil ako babae, siya lalake?     Urgh! Mababaliw na ‘ko!     Nang matapos akong mag half bath nag bihis lang din naman agad ako ‘tsaka ibinagsak ang katawan sa kama ko. Ipinikit ko na lang yung mga mata ko at unti unti kong naramdaman ang antok.     Nagising ako sa pag tulog at ang una kong naramdaman ay sakit ng ulo ko. Lasing man pala o hindi, talagang sasakit padin ulo ko dahil sa alak.     Bumangon ako ng kama at lumabas ng kwarto, papunta palang ako ng kusina para sana uminum ng tubig pero narinig ko agad na may nag doorbell mula sa labas. Pinuntahan ko muna yun para pag buksan yung kumatok at laking pagtataka ko na makita si Calvin na may bitbit na base sa amoy ay ang favorite ko... ano pa nga ba? Fried chicken.     "Wala ka bang pasok?" Tanong ko.     He shakes his head, smiling. "Wala."     "Oh eh anong ginagawa mo dito?"     "Binibisita ka."     "Mag kasama palang tayo kagabi, kaya bakit binibisita mo ‘ko agad?"     "Sinisigurado ko lang na babalik tayo sa dati kaya dinadalasan kong bumisita."     I raised my right eyebrow, not convinced. "Sabi mo eh. Sige, pasok ka."     Dumiretso kaming dalawa sa kusina, ako kumuha ng tubig, siya naman umupo lang. "Pagsaluhan na natin ‘to." Sabi niya sabay lagay sa lamesa nung fried chicken.     Tinitigan ko lang yung bitbit niya habang umiinum ng tubig. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo kumuha ng mangkok at do’n ito nilagay. Bigla akong natakam sa nakita ko.     Umupo ulit siya at sinimulang kumain ng hindi manlang ako hinintay. Grabe siya! Umupo ako sa tabi niya at sinimulang sabayan siyang kumain at nagtakaw na naman.     "Hay, ang takaw talaga!" Pagaangal niya sabay punas ng labi ko gamit ang thumb niya kaya ‘di ko na namang maiwasang maramdaman yung naramdaman ko kagabi. Shocks! Affected pa din ako nun? Oh my Gosh! Hinawi ko agad agad yung kamay niya dahil sa ilang.     "Kaya ko na yan!" Sabi ko sabay punas ng labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD