"Casper! Anong nangyayari sa'yo?!" naiinis kong tanong.
Panandalian siyang natigilan. Hindi siya umimik. Para siyang nanigas sa kinalalagyan ngunit dahan-dahang umangat ang tingin niya patungo sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya na mukhang natatakot sa akin.
"M-Mayani.... bungi.." habol hininga niyang sambit na kinalaki ng mata ko. Para ring lumaki ang butas ng ilong ko sa gulat.
"ANO?!"
Tangena? Bungi?! Watdapak!
"Mayani, bungi.. bungi.. bungi! Mayani! You're bungi!" para siyang nasisiyahan sa paulit-ulit niyang bigkas ng ganoon.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya at nakaawang ang labi ko habang pinagmamaadan ang natutuwa niyang mukha. N-nang-aasar ba siya?
"Bungi! Oh f**k! It felt so familiar! Mayaniii! Bungiii!" malakas niyang sigaw na lalo kong kinabigla.
Putangenaaa!
"Ako ba Casper, inaasar mo?! Bakit mo ba pinagtitripan pangalan ko hinayupak ka! Bungi ba ako? Hah?! Mukha ba akong bungi?" kumukulo ang dugo kong bulyaw. Natigilan siya sa kinalalagyan at napalunok ng ilang beses. Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at binuka ko ng malaki ang bunganga, nilabas ko ang pantay-pantay kong ngipin.
"Muha hang hunge itoh!" ngongo at hindi klaro kong sambit buhat ng pagpapakita ko ngipin sa kaniya. Itinikom ko ang bunganga saka umayos ng tingin sa kaniya. "Ano?! May nakita ka bang bungi? Mukha bang 'kong bungi? Anong 'Mayani bungi' ka diyan?!"
Arrgh! Gigil mo si ako!
"B-but.. you are bungi.." makabuluhang sambit niya. Nakita ko ang paglunok niya at bakas din ang gulat sa mata niya. Nagpailing-iling siya ng bahagya habang nakayuko ang ulo. "M-mayani.. seems so familiar.. a-and the bungi! K-kusa lang iyong lumalabas sa bibig ko! Feels sooo comfortable!" namamangha niyang usal na parang hindi rin makapaniwala sa sinasabi niya.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay.
"At saan mo naman kasi napulot ang salitang 'yon? Nababaliw ka na ba at kung ano-ano na ang pinagsasabi mo?!" pagalit kong tanong.
Umiling-iling siya. "I don't know! H-hindi ko talaga alam.. kusa lang iyong lumabas sa mouth ko! I swear... I think I really have said that before? I just have to remember!" kumagat siya sa ibabang labi at naningkit ang mga mata na wari'y nag-iisip.
Mas nagsalubong ang kilay ko. Nababaliw na kaya si Casper? Akala ko, ako lang ang may pang mental na utak.. siya rin pala. Tsk! May tumatalo sa'kin sa kabaliwan portion ahh.
"Tama na 'yan! Wag ka ng mag isip dahil wala ka namang isip! Mahihirapan ka lang." seryosong sabi ko sa kaniya.
Napasimangot siyang bigla at sumabunot sa sariling buhok. "No! I have to remember! Something's missing! Damn it!"
Napangiwi ang labi ko nang makita ang gulong-gulo niyang mukha. Hindi ko na lang siya pinag-tuunan ng pansin. Naupo ako sa sofa saka sinandal ang likuran sa dito. Hmm.. sarap sa likod. Napagod ako sa kagagala kanina at dahil wala rin akong maayos na tulog sa bulok na presinto na iyon.
Naipikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang sarap ng pagpapahinga. Hindi ko na inalintana ang lamig na naramdaman dahil alam kong si Casper lang naman iyon.
"Bungi! Get up!"
At nagmulat ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. Kaagad na nalukot ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay seryoso ang mukha.
"Anong tinawag mo sa akin, Casper?" malumanay ngunit may diin kong tanong.
Mukhang hindi niya pinapansin ang pagiging iritado ko dahil seryoso lang ito.
"I saw something! Maya.." sambit niya at naupo sa tabi ko na kinataas naman ng mga balahibo ko. "Maya! I saw you! I saw a scene.. I saw you there in a beautiful garden.. y-you were hugging someone else.." lumungkot ang kislap sa mata niya habang matiim na nakatingin sa akin.
Nangunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo, Casper? Nagiging weird ka na ah? Siguro dahil 'yan sa kakapanood mo ng mga palabas! Tsk! Tumigil ka na sa panonood.. hindi nakabubuti sa'yo 'yun eh!"
"No!" mabilis siyang umiling. "It's not like in the movie! It really seems so real and--"
"Wag mo 'kong kausapin! Hindi kita maintindihan--"
"--may kayakap kang iba!" malakas niyang sambit na kinatigil ko. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya. Para siyang may pinaglalaban at nakikita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya.
Napalunok naman ako. "C-casper... ano b-bang nangyayari sa'yo?" para siyang ibang-iba sa harapan ko! At natatakot ako sa inaasta niya.
"I-I can even feel something inside my chest pounding so fast and it hurts! Nasasaktan ako, Mayani! Hindi ko mapigilan! Bakit mo 'yun ginawa sa akin? Bakit mo 'ko iniwan? B-bakit mo ko pinagpalit sa kaniya!? Mas n-napapasaya ka ba niya? M-mas nakahihigit ba siya?
B-bakit mo 'ko sinasaktan?.." madamdamin niyang sambit na kinaawang ng labi ko.
T-tangena.. Anong nangyayari sa kaniya?! Mukhang iiyak na siya ah!
"C-casper... hindi kita maintindihan.. bakit ang drama mo? Anong nangyayari sa'yo?" gulong tanong ko. Umiling siya at bakas ang paghihirap sa mukha niya.
Halos manigas ako sa kinalalagyan nang biglaan niyang sapuin ang magkabilang pisngi ko. Napakalamig ng mga palad niya sa mukha ko. Nakakakilabot at sobrang lakas na ng pagpintig ng puso ko. Naduduling ang mga mata ko dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.
"Mayani.. akala ko ba tayo lang? Hindi ba n-nangako ka? P-pero bakit mo ako iniwan? M-mayani.." Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin na mas kinadabog ng puso ko.
Paksheeeeett! Kyaaaaaah! Anong ginagawa niyaaaaa?!
H-hahalikan niya ba akooo?!
KYAAAAAAAAAAAAAHH---
Nanlalaki ang mga mata ko at natigilan sa kinauupuan nang biglaang bumagsak ang ulo niya sa braso ko. Sobrang nilalamig ang kalamnan ko dahil sa lapit ng katawan niya sa akin. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko at ngayon ay wala na siyang kibo.
A-anong nangyari?
Napalunok ako at hinawakan siya sa magkabilang braso saka iyon tinapik-tapik. "C-casper? Casper? Anong--"
Oh myyyy!
Wala siyang imikkk!
H-hindi kaya...
Oh paaak!
Sinilip ko ang mukha niya na nakahilig sa leeg ko at nabigla akong lalo nang makitang nakapikit ang mga mata niya na parang natutulog. Naging payapa ang kaninang gulong-gulo niyang mukha.
OOOHH! NAWALAN SIYA NG MALAY! Kyaaaah! Ano ba kasing nangyayari sa kaniyaaaa!?
"Casper.." tanging sambit ko sa pangalan niya.
Nanatili siyang walang imik dahil nga wala siyang malay. Nanatili lang ako sa kinalalagyan bagamat binabalot na ako ng ginaw. Kinakailangan ko na ng makapal na kumot dahil dinaig ko pa ang naka-air condition nito. Gusto ko tuloy siyang itulak papalayo dahil napaka hindu komportable ng pwesto namin. Naririnig ko rin ang malakas na pintig ng puso ko.
Pero ayoko naman siyang itulak. Kahit hindi komportable ay nanatili ako hanggang sa lumipas na mga minutong wala siyang malay. Ilang lunok ng laway ang ginawa ko habang sinusuklay ang buhok niya sa likuran. Paulit-ulit ko 'yong ginagawa habang nag huhuming..
Kyaaaaah!
Bakit kinikilig akooo?
Tumitigas pwet ko sa kiliiiggg!
"'Wag mo a-akong iwan... p-pakiusap..."
Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil sa rinig kong sambit niya. Lumalakas na naman ang pagtibok ng puso ko dahil doon. Sinilip kong muling ang mukha niya at nakapikit pa rin naman ang mga mata niya.
Ano ba kasing nangyayari sa kaniya? Nasisiguro kong nababaliw na siya!
Malakas akong bumuntong-hininga saka pinikit ang mga mata. Nararamdaman ko na ang pagod na bumabalot sa katawan ko dahil sa wala akong tulog. Hinayaan ko lang na ipahinga ang sarili habang nakayakap kay Casper.
--
"Bungi! Halika ka dali!"
"Bakit ba bungi pa rin ang tinatawag mo sa akin? Dalaga na po ako!"
"Pfft! Kahit kumulubot pa 'yang balat mo, bungi pa rin ang itatawag ko sa'yo.."
"Nakakahiya kaya! Kapag bungi ang itatawag mo sa akin, kuya rin ang itatawag ko sa'yo!"
"Psh! Ayoko nga, hindi na tayo mga bata no!"
"Exactly! Kaya nga wag mo na akong tawaging bungi.. pero dapat kuya pa rin tawag ko sa'yo kahit na hindi nagkakalyo ang edad natin.'
"What the? Gusto mo atang ligawan kita?"
"A-ano?! B-bakit mo naman ako liligawan? Hindi ba gusto mo 'yung kalaro ko dati--"
"Ikaw 'yung gusto ko, psh! Kaso iba naman gusto mo. Pero ayos lang! Liligawan kita kahit hindi mo 'ko sagutin. Hanggang sa mawala na ako, liligawan pa rin kita at ikaw pa rin iyong gugustuhin ko."
"Acccck! Corny! Wag ka ng manligaw, busted ka na agad dahil may iba na akong sasagutin."
"Magsasapakan muna kami bago kita palayain. Kapag nanalo ako, akin ka na."
"Pweee! Paano kung matalo ka?"
"Hindi iyon mangyayari."
"Lakas ng loob ah? Hindi ka pa rin nagbabago, kuya."
"Stop calling me kuya, Mayani!"
"Bakit naman? Eh kuya kita--"
"Sige ka, hahalikan kita."
"Kuya, kuya, kuyaaaaaa!"
"Aba, gusto magpahalik!"
"Tsk! As if namang kaya mo--"
*TSUP*
NAGMULAT ang mga mata ko nang makaramdam ng panlalamig sa katawan. Nasilaw pa ang mga mata ko nang matapat ang mata sa ilaw. Iginaya ko tingin sa paligid at nasa sala pa rin ako kung saan huling pumikit ang mga mata ko.
Nahugot ko ang hininga nang maramdaman rin ang malamig na yakap ng multo sa harapan ko. Makasandal pa rin ang kaniyang ulo sa braso ko. Mukhang wala pa rin siyang malay--
"Maya? Are you awake?" at bumalik na ang malay niya. Nakatingala siya sa akin at bumaklas ang mga braso niya sa pagyayakap sa akin.
Napaintag ako sa gulat at kaagad na bumakas ang pag-aalala sa mukha ko habang nagpantay ang tingin naming dalawa.
"Casper! Anong nangyari sa'yo? Ayos ka na ba? Bakit ka biglang nawalan ng malay kanina? Saka kung ano-anong bagay ang pinagsasabi mo! Wala akong naiintidihan ni isa!"
Kunot-noo siyang tiningnan ako, nagtataka. "What are you saying?"
"A-anong 'what are you saying' ka diyan? 'wag ka ngang magmaang-maangan! Siguro gusto mo lang makaligtas sa mga pinagsasabi mo sa'kin kanina ano? Ilang beses mo akong tinawag na bungi! Tapos nakuha mo pang magdrama! Nawalan ka pa ng malay, tapos ngayon, 'what are you saying' ang itutugon mo sa akin?!" pagalit ko.
Nangulubot lalo ang noo niya. "What are you talking--"
"Isa!" saway ko at biglang nag iba ang lenggwahe niya.
"Hindi kita maintindihan, Maya! Anong sinasabi mo?" maang niyang tanong na kinaawang ng labi ko ngunit nagsalubong ang mga kilay ko.
"Ako ba pinagtitripan mo, Casper? Sinasabi ko sa'yo, kapag ako nagalit, baka mapatay kita ulit kahit patay ka na." pagbabanta ko.
Nangiwi ang labi niya saka umiling. "Hindi kita maintindihan, Maya.. And by the way! Thank you for this shirt.." ngiti at kumikislap ang mata niya habang tumuon sa damit. "Our names were written on this, salamat talaga! Casper heart Mayani.." malaking ngiti na tumingin siya sa akin. 'Yung mga ngiti na talagang nakakahaplos ng puso.
Pero hindi ko pa rin maiwasang mapatanga sa inaakto niya. Kanina lang ay tinawag niya akong bungi habang binibigkas ang pangalan ko. Tapos bigla rin siyang nagdadrama. Tapos nahimatay pa! At ngayon? Umaakto siya na walang alam, na parang walang nangyari?
Siguro nantitrip lang siya? Hmmp! Pwes! Hindi ako magpapadala! Huh!
Umayos ako sa pagkakaupo sa sofa habang nasa gilid ko siya at harap-harap ko. Naniningkit ang mga mata kong tiningnan siya.
"Sabihin mo sa'kin ang totoo.. bakit mo ako tinawag na bungi kanina? At bakit ka nagdrama?" tanong ko at lumapit ng bahagya sa kaniya.
"Did I say and do that?" inosente niyang tanong at lalong kinasingkit ng mga mata ko.
Nilapit ko ang sariling mukha sa mukha niya saka nagsalita. "Magsabi ka ng totoo. Ayoko sa lahat eh 'yung pinagtitripan lang ako!"
Bahagya siyang umatras, mukhang naiilang sa paglapit ko. Lihim akong napangiti dahil do'n.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo--" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang itulak ko ang braso niya ng malakas dahilan upang mapahiga siya sa sofa. Nanlalaki ang mga mata niya ng kinaubabawan ko siya. Inilagay ko ang dalawang braso sa magkabilang glid niya.
Ngisi kong sinalubong ang gulat niyang mata. "Magsasabi ka ng totoo.. o hahalikan kita?.. hindi ako nagbibiro." mapangbanta, mapang-akit kong usal pero..
Kyaaaah! Hutaa! Syempre nagbibiro lang akoo!
Kitang-kita ko ang sunod-sunod na naging paglunok niya. Ngunit ako naman ang napalunok nang biglang mapalitan ng ngisi ang gulat niyang mukha.
"Kiss me then, Maya.. kiss me now." mas nakaka-akit niyang sambit na kinalaki ng mga mata ko. Nanigas ako sa pagkakaubabaw sa kaniya nang kumapit ang isa niyang braso sa baywang ko at ang isa naman ay sapo-sapo ang pisngi ko. Mapang-akit niya ang tiningnan. "Come on, kiss me.."
"C-casper.. n-na..nagbi-bibiro lang naman ako--"
"No, you're not." halos bulong niyang sambit at nararamdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. Ilang beses akong napalunok habang tinatambol ng paulit-ulit ang puso ko.
Ang kamay niyang nasa pisngi ko ay ginagamit niya upang ilapit ang mukha ko sa kaniya at masyado akong marupok para mawalan ng lakas na tanggihan iyon.
KYAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!
WAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!
OH PAKING SHETT!
TANGENAAAAAA!
Lumalapit pa ang mukha niya sa akin.
Kaunti na lang...
Magdidikit na ang mga labi namin..
Isa pang lapit..
Kaunti pa...
Nakapikit na siyaaaa!
Pipikit na rin akooo..
Heto naaaa
Kyaaaaaaaaaahh-----
*KNOCK*KNOCK*KNOCK*
Napamulat kami ng mga mata at nanlalaki ang mga mata na nagkatitigan kasabay nang ilang beses na pagkatok mula sa pintuan. Hindi ko namalayan ang malakas na pagtulak sa akin ni Casper dahilan upang mahulog ako mula sa sofa at masubsob ang mukha ko sa sahig.
"A-aray.." pagdaing ko matapos humambalos ang dede ko sa sahig.
Ouch.. Napuruhan na naman ang hinaharap ko...
"Oh f**k! Sorry Maya! I d-din't mean to p-pushed you.. I-I.. I-I someone k-knocked.." rinig kong utal-utal na pagdepensa niya.
Nanghihina kong itinulak papatayo ang sarili ko at naupo sa sahig. Salubong na salubomg ang kilay ko na tinitigan siya.
"Bakla!" malakas kong bulyaw sa kaniya saka tumayo. Nagulat siya sa sinabi ko ngunit inirapan ko lang siya.
Hahalik-halik pang nalalaman, tapos manunulak lang naman!
Kung pilipitin ko kaya ang leeg niya para mamatay siya sa pangalawang beses! Hmp! Nakakairita! Gusto kong imudmod ang maputla niyang labi sa pintuan hanggang sa mapula! Gigil mo si ako, Casper!
"M-maya.. let me help you.." tumayo siya upang tulungan sana akong tumayo ngunit inirapan ko lang siya saka tumayo mag-isa. Galit ko siyang tiningnan.
"Kaya ko tumayo mag-isa! Saka, 'di ko kailangan ng tulong mula sa bakla! Hmmp!" tinalikuran ko siya pagkatapos magsungit saka lumapit sa pintuan.
"Hey! I'm not bakla!" paghabol niya sa akin.
Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dahil naiirita ako sa kaniya! Umasa akong hahalikan niya tapos bigla-bigla manunulak! Argh! Saka, patuloy rin ang katok na nagmumula sa labas ng silid ko, nakakarindi lalo sa pandinig.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang pinipihit ang door knob. Ngunit halos magliwanag ang buong paligid, na parang may anghel na dumating sa buhay ko nang makita si Ethan sa labas ng silid ko.
M-mr. singkit...
Ayiiieeuut!
"E-ethan!" masigla, ngunit utal kong sambit sa pangalan niya.
Nakangiti niya ng malaki dahilan upang mas sumingkit ang mga mata niya. "Maya! Salamat, nandito ka na.. nag-alala ako sa'yo dahil kagabi ka pa wala.."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. "T-talaga? Nag-alala ka?"
Tumango-tango siya. "'Wag mo ng uulitin 'yon.. paano kung anong gawin ng mga tanod sa'yo?" nangulubot ang noo niya at nahahalata sa maya niya ang pag-aalala.
"Bakit ka naman mag-aalala sa akin?" 'di ko mapigilang tanong.
Nakita ko namang natigilan siya at kaagad na nag-iwas ng tingin. "Lagi naman akong nag-aalala sa'yo kahit nung bungi ka pa." aniya sa mababang boses.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Para rin akong nanigas sa kinalalagyan at naririnig ko ang pintig ng puso ko.
"P-paki-ulit nga nung.. nung sinabi mo.." utal at napapalunok kong bigkas.
Tumingin siya sa akin ng mayroong malungkot na ngiti. "Sana.. maalala mo na ako.. miss na miss na kasi kita."
Watdapak?!
"E-ethan.. a-anong.. anong sinasabi mo?" utal-utal kong tanong at hinahabol ko ang sariling hininga dahil sa lakas ng pagpintig ng puso ko.
Ngumiti siya ng malaki at sumingkit lalo ang kaniyang mga mata. Pinatong niya ang sariling kamay sa ulo ko at ginulo-gulo ang buhol ko.
"Wala.. ang sabi ko lang.. gusto sana kita ipasan sa likod ko." hindi nawawala ang ngiti niya na mas nagpakabog sa puso ko. Kahit na inalis na niya ang kamay sa buhok ko ay nararamdaman ko pa rin iyon.
Oh my paking shet!
"Walang ibang papasan kay Maya, kundi ako lang."
Tumigil bigla ang mundo ko. Pati ang puso ko ay panandaliang huminto sa pagtibok dahil sa sinabi ni Casper sa gilid ko. Alam kong hindi iyon narinig at napansin ni Ethan. Pero ako naman ang siyang natigilan sa sinabi niya. Nanlalamig ang paligid namin ngayon. Hindi ko nilingon si Casper dahil nararamdaman ko naman ang presensya niya. Nakatuon lang rin ako kay Ethan ng may pagtataka. Hindi ko pa rin naintindihan ang sinasabi niya. Parehas silang malabong dalawa para sa akin ngayon.
"Mayani.. bumalik ka na sa'kin." naging seryoso ang mukha ni Ethan sa sandaling sinabi niya iyon ng deretso sa akin.
Ilang beses akong napalunok habang nilalabanan ang tingin niya. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko maalintana kung ano.
"E-ethan, paano mo nalaman ang pangalan ko?--" hindi ko sinabi sa kaniya ang buo kong pangalan sa pagkakatanda ko!
"Maya, stop talking to him." rinig kong mapang-utos na usal ni Casper sa tabi ko. Hindi ko siya pinapansin ngunit bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan nang hawakan niya ang kamay ko. "Maya, I'm here.. Nangako ka.. ako lang."
Casper?! A-anong...
Akmang lilingunin ko siya dahil sa sinabi niyang mas nagpagulo sa akin. Ngunit bigla rin namang nagsalita si Ethan at hindi nawala ang paningin ko sa kaniya.
"Mayani.." sambit niya sa pangalan ko at sumeryoso ang kaniyang mukha. Napalunok ako nang agawin niya sa akin ang kamay ko na hawak ni Casper. Madali lang niya iyong nakuha dahil tumagos lang ang kamay niya kay Casper.
Napatingin ako sa gawi nito at kita ko ang pagdilim ng mukha niya dahil sa ginawang pag-agaw ni Ethan sa kamay ko. Nakikita ko ang pagtiim-bagang niya na kinalunok ko naman.
"Mayani, sumama ka sa'kin. May ipapakita ako sa'yo." seryosong sambit ni Ethan at dito nabaling ang tingin ko. Kaagad na bumakas sa akin ang gulat at pagtataka dahil sa sinabi niya.
"Ethan? Ano bang nangyayari--"
Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang biglang humangin nang pagkalakas-lakas. Dumilim at lumiwanag ang paligid dahil sa pagpatay-sindi ng mga ilaw. Tumutunog ang daloy ng kuryente habang nangyayari iyon. Pabilis ng pabilis ang pagpatay-sindi ng mga ilaw na kinataas ng mga balahibo ko at nanaig sa akin ang takot na naramdaman.
T-teka?! Anong nangyayari?!!
Kaagad akong natigilan nang hatakin ako ni Ethan papalapit sa kaniya dahilan upang mapalabas ako mula sa loob ng aking silid. Ngunit mas natigilan ako nang mapunta ang paningin ko kay Casper na ngayon ay madilim ang mukha at kuyom na kuyom ang kamao.
T-teka?.....
S-siya ba... ang may gawa nito?
"C-casper.." utal kong sambit sa pangalan niya at deretso ko siyang tiningnan. Hindi ko alintana si Etham sa tabi ko o kung ano man ang magiging reaksyon niya dahil sa pangalang sinambit ko.
Bigla na lang nawala ang pagpatay-sindi ng ilaw at lumiwag na ng deretso ang paligid. Deretso ang tingin namin sa isa't-isa at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Casper." ulit kong sambit sa pangalan niya na may pagkabiglang nararamdaman.
"Maya, something's wrong with my chest. It's pounding so fast and it hurts." mas gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "Maya.. don't come with him. You're hurting me "
P-pwede bang...
Magpahuli ulit sa mga tanod?...
Kailangan ko ulit mahimasmasan.