Kabanata 10

3398 Words
"Yeobo! Kamusta?" "Bakit ngayon mo lang ako binalikan? Na-busy ka ba sa kaniya, Mayani?" "Anong ibig mong sabihin? Nababaliw ka na naman no? Tsk!" "Kung nababaliw man ako.. 'yun ay dahil sa'yo. Kasalanan mo, kaya sana.. wag ka ng lumapit sa kaniya." "Yeobo naman! Nagkasama lang kami.Bakit? Selos ka?" "Oo.. kaya layuan mo na siya." "H-ha? N-nagseselos ka?" "Mayani, hindi ko gusto na kasama mo 'yung lalaking 'yon." "P-pero.. kaibigan ko siya, .." "Tsk! Dati kuya, ngayon naman, kaibigan? Ano sa susunod? Ka-ibigan? Gaya ng nangyari sa atin? Ganun ba?" "S-saan mo ba napupulot 'yang mga pinagsasabi mo? Anong nangyayari sa'yo?" "Sineseryoso ko kung anuman ang mayroon tayo. Pero ikaw? Ginagawa mo lang laro ito eh! Mayani, hindi na tayo mga bata. Hindi na ako nakikipaglaro sa'yo! Magseryoso ka naman! Seryosohin mo naman ako." .. "MAYA, stop talking to him." rinig kong mapang-utos na usal ni Casper sa tabi ko. Hindi ko siya pinapansin ngunit bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan nang hawakan niya ang kamay ko. "Maya, I'm here.. Nangako ka.. ako lang." Casper?! A-anong... Akmang lilingunin ko siya dahil sa sinabi niyang mas nagpagulo sa akin. Ngunit bigla rin namang nagsalita si Ethan at hindi nawala ang paningin ko sa kaniya. "Mayani.." sambit niya sa pangalan ko at sumeryoso ang kaniyang mukha. Napalunok ako nang agawin niya sa akin ang kamay ko na hawak ni Casper. Madali lang niya iyong nakuha dahil tumagos lang ang kamay niya kay Casper. Napatingin ako sa gawi nito at kita ko ang pagdilim ng mukha niya dahil sa ginawang pag-agaw ni Ethan sa kamay ko. Nakikita ko ang pagtiim-bagang niya na kinalunok ko naman. "Mayani, sumama ka sa'kin. May ipapakita ako sa'yo." seryosong sambit ni Ethan at dito nabaling ang tingin ko. Kaagad na bumakas sa akin ang gulat at pagtataka dahil sa sinabi niya. "Ethan? Ano bang nangyayari--" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang biglang humangin nang pagkalakas-lakas. Dumilim at lumiwanag ang paligid dahil sa pagpatay-sindi ng mga ilaw. Tumutunog ang daloy ng kuryente habang nangyayari iyon. Pabilis ng pabilis ang pagpatay-sindi ng mga ilaw na kinataas ng mga balahibo ko at nanaig sa akin ang takot na naramdaman. T-teka?! Anong nangyayari?!! Kaagad akong natigilan nang hatakin ako ni Ethan papalapit sa kaniya dahilan upang mapalabas ako mula sa loob ng aking silid. Ngunit mas natigilan ako nang mapunta ang paningin ko kay Casper na ngayon ay madilim ang mukha at kuyom na kuyom ang kamao. T-teka?..... S-siya ba... ang may gawa nito? "C-casper.." utal kong sambit sa pangalan niya at deretso ko siyang tiningnan. Hindi ko alintana si Ethan sa tabi ko o kung ano man ang magiging reaksyon niya dahil sa pangalang sinambit ko. Bigla na lang nawala ang pagpatay-sindi ng ilaw at lumiwag na ng deretso ang paligid. Deretso ang tingin namin sa isa't-isa at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Casper." ulit kong sambit sa pangalan niya na may pagkabiglang nararamdaman. "Maya, something's wrong with my chest. It's pounding so fast and it hurts." mas gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "Maya.. don't come with him. You're hurting me.." Natigilan ako at hindi nakaimik. Napatulala ako sa kaniya at nakikita ko kung gaano bumabakas ang lungkot sa mga mata niya. Ang mga mata niyang nakikiusap sa isang bagay na pilit pinagkakait sa kaniya ng langit. Kaunting tulak pa at makikita ko na ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. "Mayani.. bakit diyaan ka nakatingin?" Natauhan lamang ako nang magsalita si Ethan sa tabi ko. Napapalunok ako nang harapin ko siya at dumistansya sa kaniya ng kaunti. Pasimple ko ring inalis ang kamay kong hawak-hawak niya. "E-ethan..p-pwede bang.. ahm.." napayuko ako at hindi makatingin sa kaniya ng deretso. "Sa susunod na lang muna tayo mag-usap o magkita." tiningala ko siya. "May nagagalit eh.. pasensya na." Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Sa totoo naman ay wala akong pakialam kahit magwala pa si Casper diyan basta't sasama ako kay Ethan. Pero may parte sa akin na nagsasabing hindi ko dapat hayaang makita si Casper sa ganoong kalagayan. Naguguluhan ako sa nangyayari. Lalong-lalo na sa mga pinagsasabi nilang dalawa ngayon. Hindi klaro sa akin ito pero bakit nakikisabay rin ako? Bakit parang nagkakaintindihan kaming tatlo na mga baliw? Dala kaya ito ng quarantine kaya't umaakto kami ng ganito? "May nagagalit?" kunot noong sambit ni Ethan. Ngunit bigla na lamang nagsalubong ang kilay niya at deretsong nakatingin sa mga mata ko. "Wag mong sabihin na may boyfriend ka na, Mayani?" biglang usal niya na kinalaki ng mata ko. Mabilis naman akong umiling. "H-hindi naman sa ganon! Kasi ano.. ahm.. basta! Sa susunod na lang tayo mag-usap. Kailangan ko ng pumasok sa loob." Akmang tatalikuran ko siya at papasok na sana sa silid ko kung saan nakatayo si Casper nang bigla niya akong hatakin papabalik sa kaniya. "Pero may kailangan kang malaman." matigas niyang sambit. Napalunok naman ako. Kita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya. "Sumama ka sa'kin. May kailangan kang balikan." "B-balikan?" taka ko siyang tinitigan. "Bakit? May naiwan ba ako?" Tumango siya at seryoso ang tingin niya sa akin. "Marami kang naiwan. Kaya sumama ka sa'kin. Kailangan mo 'yung malaman." Weird. "Maya! Come inside." napalingon ako sa gawi ni Casper na siyang nagsalita. Madiin ang naging paglunok ko nang makita ang galit niyang awra. Ganoon ba talaga ang galit niya kay Ethan? Pati ako ayaw niyang palapitin dito. Ano kayang mayroon sa pagitan nila? Hindi ko alam kung bakit sumunod ako sa sinabi ni Casper. Kaagad akong duminstansya kay Ethan at humakbang papalapit sa loob ng silid ko. "Ethan. Sa susunod na lang talaga. Bye." tuluyan ko siyang tinalikuran na hindi man lang nakakatugon sa akin. Pumasok ako sa loob at sinara ang pintuan ko saka lamang nagtama ang tingin namin ni Casper. Nakasimangot na siya at nagtaas na ako ng kilay. "Napaka-bossy mo talaga, ano?" nakapamaywang akong hinarap siya. "Kailangan ikaw masusunod?" Napangiwi ang labi niya. "I told you, I'm jealous when it comes to him." "A-at talagang i-inamin mo?" utal-utal kong usal. "What's the point of denying then?" seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. "I hate that guy for no reason. But maybe because, I'm really jealous." humakbang siya papalapit sa akin na kinalunok ko ng sunod-sunod. "I don't have the right because there's no us. Like what happened in every romance movie I watched." Napaatras ako dahil sa paglapit niya sa akin. Natatakot ako sa seryoso niyang mukha. Humahakbang siya papalapit sa akin at ako naman ay parang sira na panay ang atras. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko sa kakaibang kilabot na nararamdaman. "Maya." sambit niya sa pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pag-atras nang hawakan niya ang baywang ko at hapitin iyon papalapit sa kaniya. Halos iilang pulgada na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa at naduduling na ang mga mata ko. "C-casper.. n-nababaliw ka naman no?" utal-utal kong tanong na pilit dinadaan sa pabirong usal ngunit nabigo ata ako. Seryoso ang mga mata niya at at hindi nawawala ang tingin sa akin. "Maya.. kung nababaliw man ako.. 'yun ay dahil sa'yo. Kasalanan mo kung bakit ako umaakto ng ganito. kaya sana.. bago pa ako mawala sa katinuan ko... wag ka ng lumapit sa kaniya." aniya sa mababa ngunit sinserong boses. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Sunod-sunod rin ang naging paglunok ko at mas lalong kumabog ng todo ang pagpintig ng puso ko. Pakiramdam ko at anumang oras ay bibigay ang sariling kong tuhod. Sinabayan pa ng pagsakit ng ulo ko at pandidilim ng paningin ko. Napayuko ako at mariin napapikit dahil sa sakit. May kakaibang boses ang lumabas sa sariling isip ko na hindi maklaro. 'Bakit ngayon mo lang ako binalikan? Na-busy ka ba sa kaniya, Mayani?' 'Anong ibig mong sabihin? Nababaliw ka na naman no? Tsk!' 'Kung nababaliw man ako.. 'yun ay dahil sa'yo. Kasalanan mo, kaya sana.. wag ka ng lumapit sa kaniya.' 'wag ka ng lumapit sa kaniya.' 'wag ka ng lumapit sa kaniya.' 'wag ka ng lumapit sa kaniya.' 'wag ka ng lumapit sa kaniya.' Mas pumaikot ang sakit na naramdaman ko sa aking ulo at hahawakan ko na sana iyon nang maramdaman ang kamay ni Casper sa aking likuran at hinapit iyon papalapit pa sa kaniya dahilan upang masubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nagdala iyon ng kilabot sa akin. Lalo na nang maramdaman ang dalawa niyang brasong nakapulupot sa baywang ko. Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdmaan ko ang pagyuko niya at pagbulong sa tainga ko. "Stay with me... until the quarantine ends." humahaplos ang kamay niya sa likurang buhok ko at makailang beses niya iyong ginagawa. Sa hindi malamang dahilan ay nawala ang pagsakit ng ulo ko at nakaramdam ng kaginhawaan. "After the quarantine.. you can leave me. You can come with him. But as for now... you're mine.. I am a bossy ghost.. so do as I say. Stay with me until the quarantine ends.." May kung anong kirot sa puso ko at parang pinipiga iyon sa sandaling sinasabi ni Casper ang katagang iyon. Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng presensya niya. "You're so cold, Casper." kahit ako ay napapa-ingles na rin. Napangiti na lang ako sa sarili. Kung si Casper ang lagi kong kasama, baka pagtapos ng quarantine ay inglesera na ako. "Warm me up then, Mayani." halos bulong niyang sambit. Napapangiti ako nang iginaya ko ang sarili kong braso upang yakapin siya pabalik. Mas humigpit naman ang pagyakap niya sa akin at ganoon din ako. "I wish this could lasts long." "Hmm.." Sa sandaling kayakap ko si Casper... Y-yung pwet ko.. Tumitigas sa kiligggg! KYAAAAAAAAAAAHHHH!!! Omyy omyyy omyyyy! Kailangan ko na atang maligo sa holy water para mahimasmasan! Kyaaah! Hindi sapat ang tanod! Kailangan ko ay pareeee! Kyaaaaaaaaaaah! Oh, masamang espirito ng kilig! Layuan mo ako! Multo ang kaharap ko at hindi tao! Kyaaaaaah! Kinikilabutan ako sa kilig! WHAHAHAHAHAHAHAHAHA! "Maya?" isinantabi ko ang kilig nang sambitin ni Casper ang pangalan ko. "Hmm? Bakit?" relax Maya. hehe.. "Papatunayan ko sa'yo na hindi ako bakla gaya ng nasabi mo sa'kin." Nangunot ang noo ko at tumingala sa kaniya. Pero wrong move ata ang ginawa ko dahil isang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa upang hindi magkadikit ang labi namin sa isa't isa. "H-ha? P-papatunayan mo na hindi ka bakla?" utal-utal kong sambit. Inilayo ko ng kaunti ang mukha ko ngunit nakahawak ang kamay niya sa ulo ko at hindi hinayaang makalayo sa kaniya. Nakayuko siya sa akin samantalang nakatingala ako sa kaniya. Nadadala pala ang height kahit multo ka na. "Maya... maaari ba kitang halikan?" Watttttt?! KYAAAAAAAAAAHHH!!! HINDI KO KAYANG MAG-RELAXXXX! Dahil sa kaba at pagkabiglang naramdaman ay naitulak ko siya at mabilis na umatras palayo sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya ngunit mas lumaki ang mga mata ko nang hilain niya ako pabalik at papalapit sa kaniya. Salubong na ngayon ang dalawa niyang kilay. "Tinatanong kita. 'Wag mo 'kong alisan." istriktong sambit niya. Napalunok ako at nagbaba ng tingin. Nag-iinit ang pisngi ko! Kyaaaaah! "B-bakit a-ayun ang tanong mo?" muli akong napalunok. "Sinabihan mo akong bakla. Which is I am not. Kaya gusto kong patunayan na hindi ako bakla." rinig kong seryoso niyang sambit. Napailing ako saka sinalubong ang nang-aakit niyang tingin. Hindi ako papatalo. Naningkit ang mga mata ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. "Gusto mo ba talagang patunayan na hindi ka bakla? O baka naman gusto mo lang akong mahalikan?" Nakita kong natigilan siya sa tanong ko. Dahan-dahan rin ang naging paglunok niya habang hindi naaalis sa akin ang tingin. Ngumisi ako. "Ano? Sagot." Napalunok siya. "I want to kiss your lips slowly." O-okay... hindi ko inaasahan ang sagot niya. Kyaaaaaaaaaaahh! Bakit ang honest niya masyado! Umiling-iling ako. "Ayoko nga!" Nag-iba ang mukha niya at bumagsak ang balikat niya. "Why?" simangot niyang tanong. Dumistansya ako ng kaunti dahil sa lapit naming dalawa sa isa't isa. "Ayokong maging hopeless romantic ang tema ng buhay ko no!" giit ko. Nangunot ang noo niya. "What? Psh! Damot! Even just a peck?" nagpaawa ang mga mata niya ngunit mas lalong nagtaas ang kilay ko at humakbang paatras mula sa kaniya. "Ayoko! Ano to? Hahalikan mo 'ko ng wala tayong label? No way! Porket pwede nating mahawakan ang isa't isa!? Porket gwapo ka? Porket sweet ka? No no way! Napaka pa-fall mo! Tapos ano? Kapag na-fall ako sa'yo.. mawawala ka na lang bigla? Mag gho-ghosting ka? Ganyan ba talaga kayong mga multo? Ghosting? Huh? Ghosting?" Na-iistress na naman ang bangs ko! Hmp! Kung anu-ano na nasasabi ko! "Psh.. I don't even understand a thing that you were saying. Haven't you watched romantic movies? They always kissed like there's heaven on their lips! Full of lust and desire!" nagniningning ang mga mata niya habang nagkukwento. Napangiwi naman ako. "Palabas lang iyon, Casper! Walang katotohanan! Hindi iyon totoo dahil trabaho lang ng mga artista 'yon." Nagsalubong ang kilay niya. "What do you mean? Can't you see the connection between them?" Malakas akong nagbuntong-hininga. "Bahala ka sa buhay mo! Magpaniwala ka sa mga ganyang bagay. Mga walang katotohanan." Lumungkot bigla ang mukha niya. "I wonder what it feels like to be kissed by someone you don't want to loose." tumingin siya sa akin sa mga mata nungit nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. Matunog naman ang naging paglunok ko. Nag-iwas ako ng tingin. "Mahalaga ang halik. Hindi iyon basta-basta ibinibigay sa kahit na sino." napangiwi ako. Nagsisisi ako na ibinigay ko ang first kiss ko sa maling lalaki. Noong bumalik ako sa katinuan ko at nagmulat ako sa mundong ito ay si Vienna na ang nag-iisang kakilala ko na hindi ako iniwang mag-isa. Sa hindi malamang dahilan ay may ipinakilala siya sa aking lalaki na talaga namang sobrang bait at maaalahanin. Ngunit sa umpisa lang pala siya magaling. Hindi nagtagal ay ginusto niyang gumawa kami ng himala. Pagkatapos niyang makuha ang labi ko ng ilang beses ay gusto naman niyang gumawa ng himala sa kama. Syempre, kahit gaano ko siya kamahal, hindi ako pumayag. Mabuti na lang at nandoon si Vienna para tulungan akong mag move on. Ganoon ang nangyari sa una kong pag-ibig. Kaya ayoko ng maulit ang nangyari. Kung si Casper ang hihiling ng halik, baka sa susunod mag ghosting na talaga siya. Ayokong mangyari iyon. Isa pa, multo siya at hindi tao! Napaka-weird niyon! "Have you ever kissed someone?" bumalik ako sa reyalidad nang tanungin iyon ni Casper. Napasimangot ako kaagad. "Ayoko ng pag-usapan pa iyon. Tsh!" Naging seryoso ang mukha niya. "So you really kissed someone? Who is he? Tell me." lumapit siya ng bahagya sa akin at kita ko ang pagtiim bagang niya at pagdidilim ng awra niya. "Tell me. Who?" Napaatras ako. "N-nakakatakot ka.." wala sa sariling naiusal ko. Nakita kong natigilan siya at nahinto sa kinatatayuan. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "I'm s-sorry.. I didn't mean to scare you." Napataas ako ng isang kilay. "Bakit ang weird mo? Sa bawat araw na tumatagal, mas lalo kang nakakakilabot." Nakita kong natigilan siya panandalian at napayuko ang ulo. "Don't be afraid of me. I'm not goin' to hurt you." "Tsh! Nakakakilabot ka at nakakatakot. Bawas-bawasan mo iyon. Baka magulat ka na lang, wala na ko dito at nilayasan ka na." biro ko lang iyon ngunit parang seneryoso niya iyon. Mas yumuko ang ulo niya at nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya. "I know I am scary.." kumislap ang lungkot sa mga mata niya nang mag-angat siya ng ulo at magtama ang tingin namin. "I am afraid of myself either. But I am more afraid to see that you are afraid of me." Ilang beses akong napakurap at sunod-sunod ang naging paglunok ko nang sabihin niya ang katagang iyon. "C-casper.. nagbibiro--" "Don't leave." putol niyang sambit sa akin. Natigilan ako ngunit napakamot sa batok pagkakuan. "Biro lang iyon. Hindi naman ako aalis." "I got a feeling that you'd leave me before the quarantine ends." seryoso niyang sabi. Mabilis akong umiling. "Hindi no! Saan naman ako pupunta? Tsh! Dito lang ako." Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha niya. Humakbang siya upang mas lumapit pa sa akin. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Napakalamig ng kamay niya. "Is that a promise? Do you promised to be with me the whole quarantine?" masigla niyang tanong. Napangiti naman ako saka tumango."Hmm.. dito lang ako sa'yo." Kung maaari nga lang ay kahit dito na ako hanggang sa susunod pa na mga buwan. Hanggang sa dumating ang pasko at bagong taon kasama siya. Maaari kaya? Hmm... bakit naman hindi? HINDI ako makatulog nang sumapit ang malalim na kadiliman. Kaya naman naisipan ko na lamang na mag laptop at tumigin ng mga larawan habang nakadapa ng higa sa kama. May larawan doon na nasa hospital ako. Nakangiti pa ako rito kahit mukha akong bruha. Mayroon pang takip ang noo ko buhat malaking sugat. Tsh! "What happened to you?" Napalunok ako sa nagsalia. Nagtaas ako ng tingin sa kisame at malakas na napatili. "Kyaaaaaaaaah! Tangena Caspeeerrr! Bakit ka nakalutang diyan?!!" gulantang bigkas ko. Nasa taas ko siya sa kisame at nakatingin rin sa laptop ko. Nagulat din siya sa posisyon niya at biglang bumagsak ang sarili sa kama ko dahilan upang mapadapa siya ng higa katabi ko. "I'm sorry for that. Huwag kang matakot." agad niyang sabi sa akin. Nagsalubong ang kilay ko at hinampas siya sa braso. "Kung ayaw mo kong matakot, wag kang manakot!" Nag-iwas siya ng tingin at nabaling muli sa laptop ko. "But what happened to you?" pagtukoy niya sa mukha ko sa larawan. "Tsh! Wala. Nasa hospital ako niyan dahil sa pagkabagok ng ulo ko. Alam mo na? Katangahan." nakangiwing usal ko. "Bad thing, nabuhay ka pa." seryosong sambit niya na kinalaki ng mata ko. "Ngena? Gusto mo ba ako tuluyang matigok niyan?!" gulat kong tanong sa kaniya. Sumimamgot siya. "Who knows?" "Anong who knows ka diyan!? Tsh! Dun ka nga!" tinulak ko siya papalayo ngunit hindi naman siya nagpaurong. "Anong nangyari? Bakit ka minalas diyan?" pagtatanong niya ulit habang nakatingin sa laptop kung nasaan ang larawan ko. Napaikot ako ng mga mata. "Hindi ko na maalala. Basta tumama ang ulo ko sa kung saan! Tapos nagising ako sa hospital. Kasama ang kaibigan ko na nag asikaso sa akin. 5 years ago na nangyari iyan." Tumango-tango lang siya. Napa-isip naman ako nang may pumasok na tanong sa isip ko. "Hmm? Ikaw, Cas? Anong taon ka na-deads?" pagtatanong ko. Malaki ang naging simangot niya. "I don't know the exact year of when I died. But I woke up being a ghost here at the year 2015." "2015? B-bakit? Paano mo nalaman?" gulat kong tanong. "I saw a calendar on the wall.. and the news tv shows." Nagsalubong ang kilay ko. "Ang akala ko ba ay ten years ka na rito? Niloloko mo ba 'ko?" Nangulubot ang noo niya. "Yeah that's right. I was stucked here for almost ten years--" "Bobo! Kung 2015 ka nandito, edi five years ka pa lang rito! Hindi ka ba marunong magbilang? Anong ten years ka diyan? Na-doble?" giit ko. "Psh!" singhal niya. "I don't do math solving or whatever!" Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Humarap ako sa laptop at nilipat ko sa ibang larawan ang kanina. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mahinto ako sa larawan namin ng ex ko at malakas na kumabog ang dibdib ko. Pipinindot ko na sana ang keyboard para lumipat sa ibang picture ngunit napaintag ako sa gulat nang hawakan ni Casper ang kamay ko para pigilan ako sa gagawin. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya na may seryosong mukha ngayon habang nakatingin ng deretso sa screen ng laptop ko. "His hand was place in your waist." may diin niyang sambit na kinalunok ko. "You both look happy. Your smile.. I never see you smile like that when you're with me." malungkot ang mga mata niyang tumingin sa akin. "You looked good with him." "I wish I was him." sambit niya na mas kinalunok ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napako ang tingin ko sa nalulungkot niyang mga mata na wari'y humihiling ng isang bagay na hindi maibibigay sa kaniya. Ngunit natigilan ako sa kinapupwestuhan nang inihilig niya ang kaniyang ulo sa balikat ko habang nakahiga kaming dalawa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinatanungan niya pa ng isang kamay. "Casper.." "Maya... I want to be a human too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD