Maya's Pov
Umalis si Ethan pagkatapos akong painumin ng gamot. Hindi ko nagawang tanungin sa kaniya kung paano niya nalaman ang kalagayan ko ngayon. Wala siyang sinabi na kahit ano nang maputol ang mangyayari sana kanina. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko kung magkitapa kaming dalawa. Napaka-awkward niyon at wala kaming naging imik.
Ngunit nababahala ako pagdating kay Casper. Pagkatapos niyang bitawan ang salitang 'Don't, please' ay bigla na lang siyang naglaho na parang isang bula. Ano ba ang tinutukoy niya ng sabihin niya iyon? Ang matutuloy sanang halikan namin ni Ethan? Hayst. Kailangan ko siyang makausap.
Kaya lang hindi pa ako makaalis sa kwarto ko dahil hinihintay ko pa ang paghupa ng sakit ng puson ko. Kaya naman naisipan ko na lang tumugtog ng gitara kahit nanghihina ang mga daliri ko.
Hindi Tayo Pwede
The Juans
Naipikit ko ang mga mata habang tinutugtog ang gitara kasabay ng pagkanta. Parang may mga imahe at boses na lumalabas sa isipan ko habang ginagawa iyon.
"Pilit nating iniwasan..
Ganitong mga tanungan..
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan.."
'Mayani? B-bakit ngayon mo lang nasagot ang tawag ko? N-nasaan ka?'
'Umalis ako sa ampunan na hindi ko nasasabi sa'yo.. Pasensya na..'
"Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo..."
'M-mayani.. 'wag ka namang ganiyan oh! Pati ba naman ikaw, iiwan ako?'
'Hindi kita iiwan. Wala akong sinasabi.'
'P-pero bakit wala ka ngayon? Mayani, gusto kitang makita.'
'Okay sige.. Magkita tayo.. Mahal kita, hintayin mo ako.'
"Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala...."
'Shet! Nasaan ka?! Sabihin mo 'kung nasaan ka ngayon?!'
'M-mayani... Nandito ako sa l-lumang bahay ng--'
'Bakit ka pumunta diyan?! Delikado diyan! Mapapahamak ka!'
'P-pero.. Tinext mo ako.. sabi mo dito tayo magkikita 'di ba, Mayani?'
'A-ano?! Wala akong tinetext sa'yo! Argh shet! H-hintayin mo ako diyan!'
'H-hihintayin kita..'
"Hindi tayo pwede...
Pinagtagpo pero 'di tinadhana...
Hindi na posible...
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan...
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede..."
*BOGGGSSSHH*
Napahinto ako sa pagtugtog at napamulat ang mga mata ko nang dahil sa kalabog na narinig ko. Inialis ko ang gitarang hawak saka ang kumot upang umalis sa kama.
Kalabog iyon ng kawali na nahulog mula sa sahig. Galing sa kusina kaya't kahit nanghihina ay bumangon ako. Naglakad ako papalabas ng kwarto at bumungad sa akin ang sala na tahimik. Nakapatay ang tv at walang Casper na nanonood doon.
Ngunit natigilan ako nang marinig ang boses niya mula sa kusina. Masaya na parang naiirita.
"Urgh! Damn it! I just touched it!"
Anong kababalaghan ang ginagawa niya?
Dahil sa kyuriyosidad ay naglakad ako patungong kusina. Sumilip ako doon sa loob at napaintag ako sa gulat nang makita si Casper na pilit hinahawakan ang kawali na nahulog sa sahig. Iritang-irita ang mukha niya dahil paulit-ulit lang naman na tumatagos ang kamay niya rito. Madilim ang mukha niya at nababakas ang pagka desperado niyang mahawakan ang kawali.
"Damn! Pleasee.. please cooperate! I need to touch you for pete sake!" pagkausap niya pa rito. Sinubukan niya ulit na mahawakan ito, ngunit gaya kanina ay tumagos lang ang kamay niya.
Bumagsak ang balikat niya at sumalampak ng upo sa sahig. Saka sinabunutan ang sariling buhok niya na parang nanggigigil.
"Oh Angels.. help me out here. I want to touch things.. pleasee.. pleasee.." nangungusap niyang sambit.
May kumurot sa puso ko dahil sa pakiusap niya. Bumalot sa akin ang awa at lungkot para sa kaniya. Desperado siyang mahawakan ang mga bagay-bagay ngunit hindi naipagkaloob sa kaniya. Habang pinagmamasdan ko siya ay lalong may kumukurot sa puso ko.
Nagbaba ako ng tingin at tumalikod doon sa kusina dahil ayaw kong makita siya sa ganoong kalagayan. Akmang ihahakbang ko na sana ang paa ko upang umalis nang matigilan ako dahil nagsalita siyang muli.
"I really want to be a human.. I want to be with M-maya.. I-if I turned out to be a human.. She would s-stay with me.. I'm useless for being a ghost! Damn me! f**k me for being dead! f**k! Damn it! Damn! Useless f*****g ghost!"
C-casper...
Nasapo ko ang sariling dibdib. Halos kumawala na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok. Ilang beses akong napakurap at sunod-sunod ang naging paglunok ko.
Gusto niyang maging tao...
At..
G-gusto niya ring makasama ako?
Huwaaaaaahh!
Caspeeeerrrr!
Bago pa bumagsak ang nangingilid kong mga luha ay pumasok na ako sa loob ng kusina. Napasinghot ako nang maabutan si Casper na nakayuko at nakayakap ang mga braso niya sa sariling tuhod habang nakasubsob ang mukha niya rito.
"I want to be a human.. please.."
Narinig ko ang paghikbi niyang iyon. Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa sariling tuhod at nasa harapan niya ang kawali na kaninang hinahawakan. May kumurot na naman sa puso ko at masakit iyon.
Nangilid ang mga luha ko at walang tunog na lumapit sa kaniya. Hindi niya naman ako napansin. Lumuhod ako sa likuran niya at walang anu-ano'y niyakap siya.
"Casper.." bulong ko sa kaniya at humigpit ang yakap ko
Naramdaman kong nanigas siya sa kinauupuan ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at niyakap lang siya mula sa likuran. Ang lamig-lamig niya.
"M-maya.."
Napapikit ako nang sambitin niya ang pangalan ko. Humawak siya sa mga braso kong nakapulupot na sa leeg niya at mas iniyakap pa iyon sa kaniya. Naririnig ko ang paghikbi niya.
"M-maya.. I-I'm sorry.. I can't cook for you.. I-I can't get you anything you needed.. I e-envy that Ethan.." nababasag ang boses na aniya. "H-he can took a good care of you while I can't do anything but to watch you.. He can be y-your guy.. and I envy him... because no matter how hard I try.. I can't be your guy.."
Ilang beses siyang napahikbi. Umiiyak siya. Bigla namang nanginig ang mga labi ko kasabay ng pagpatak ng naiipong mga luha ko. Isiniksik ko ang mukha sa balikat niya mula sa likuran. Umiling-iling ako.
"C-casper.. h-hindi mo naman kailangang gawin 'yon.. P-pasensya na dahil napagsalitaan kita kanina.. P-pasensya na.."
"M-maya..." tumagilid ang katawan niya ngunit hindi humarap sa akin. Ang mukha niya ay nakasubsob na sa aking leeg habang sinasandalan ng ulo niya ang balikat ko. Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko at mahigpit ang yakap niya habang ako ay nakaluhod at nakayakap sa leeg niya.
Patuloy ang paghikbi niya at hindi rin natatapos ang pagbagsak ng luha ko sa mababaw na dahilan pero mabigat naman sa aking nararamdaman.
"B-bakit ka umiiyak ng ganiyan Cas?" tanong ko na parang hindi rin umiiyak ngayon.
Mas sumiksik ang mukha niya sa leeg ko. "B-because.. I know.. my w-wishes will never came true.. I can't be a human.. and I can't be with you."
Hinampas ko siya sa likod niya. "Eh bakit ka ba kasi humihiling ng ganiyan?" pinapaiyak mo rin ako eh.
"H-hindi ko kaya.." humigpit lalo ang yakap niya. "Hindi ko kayang makita ka kasama siya.."
Nasinghot ko ang sipon na nagtangkang tumulo mula sa ilong ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at hindi na ako magtataka kung maririnig iyon ni Casper.
Muling nanginig ang mga labi ko at mabilis na nangilid ang mga luha ko. Hindi ko man alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito para mapaiyak ako. Tumatagos sa puso ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Ang sakit-sakit..
Ipinikit ko lamang ang mga mata ko at hinayaan na kami'y magyakapan habang umaagos sa mga mata namin ang sakit na hindi kailanman mababatid.
MAAGA akong nagising mula sa himbing ng pagkakatulog. Laking pasasalamat ko nang humupa na ang sakit sa puson ko. Tumalab ang gamot na ibinigay sa akin ni Ethan.
Mabilis akong umalis sa kama at naglakad upang buksan ang pintuan. Ngunit natigilan ako doon nang tumambad sa akin si Casper na nakaupo sa harapan ng pintuan ko. Nagulat din siya habang nakatingala sa akin at dali-daling tumayo.
Tumitig ito sa akin ngunit halatang nahihiya siya. "Y-you wake up so early.."
Tinakpan ko ang bibig ko bago magsalita. "Ahh.. Oo. Aalis kasi ako." baka maamoy niya ang mabaho kong hininga. Hindi pa ako nagto-toothbrush.
Napataas ang dalawa niyang kilay. "Aalis ka? Y-you're leaving--"
"Pupunta ako sa Mercado. Sandali lang ako doon." putol kong sabi sa kaniya.
"Ohh.." nakahinga siya ng maluwag na kinangiti ko naman.
Nilagpasan ko siya at dali-daling pumasok sa banyo saka naghilamos at nagsepilyo. Hindi ako pwedeng maligo ngayon. Bukas na lang.
Pagkatapos ng maraming seremonyas ay pumasok akong muli sa kwarto upang kuhain ang quarantine pass ko. Nagtali ako ng buhok at bangs lang ang laglag sa noo ko. Nagsuot rin ako ng preskong damit. Blooming..
Kumindat pa ako sa harapan ng salamin at nagpa-cute bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Casper na nakaupo sa sofa at nang makita ako ay mabilis siyang tumayo saka pinakatitigan ako.
"Y-you're beautiful, Maya.." bakas ang paghanga sa boses niya.
Nag-init ang pisngi ko at lihim na napangiti. Kyaaah! I know right!
"Nag myra kasi ako. hehe.." nahihiyang sambit ko.
Kinuha ko ang face mask na nakahanda sa ibabaw ng tv at sinuot iyon. Kasama ng jacket at cap sa ulo ko.
Binalingan ko ng tingin si Casper na nakatingin lang sa akin at nakasimamgit ang mukha nito. Napangiti ako saka ibinaba ang face masks ko.
"Magpalit ka ng damit, Cas." utos ko sa kaniya.
Halatang nagulat siya at ilang beses na napakurap sa akin. "W-why?"
"Tsk! Suotin mo 'yung kulay violet na t-shirt. Hihintayin kita sa labas."
Tinalikuran ko siya pagkatapos sabihin iyon. Nangingiti ako nang lumabas sa pintuan. Ilang segundo pa lamang akong nakakatayo doon nang tumagos na siya mula doon at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
Lumaki ang ngiti ko nang makita ang suot niyang kulay violet na t-shirt. Lahat ata ng damit ay babagay sa kaniya eh.
"M-maya.. W-why do--"
"Malungkot kasi kapag maglakad mag-isa. Kaya samahan mo ako sa mercado." ngusong sambit ko na kinalaki ng mga mata niya. Hindi siya umimik kaya't napasimangot ako. "Ayaw mo ba?" tanong ko.
Nakabawi siya sa pagkabigla at mabilis na umiling. "I would like to! B-but c-can I go? U-umm.. hindi pa ako lumalabas sa room na ito for ten year--"
"Five years." pagtama ko sa kaniya.
"Y-yeah.." bumakas ang pag-aalala sa mga mata niya. "Can I go out?"
Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "Bakit naman hindi? Marami kang dapat makita sa labas na hindi mo nakikita dito sa loob. Sumama ka sa'kin. Ipapakita ko lahat ng nandoon." inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.
Nakita ko ang sunod-sunod na paglunok niya at bumaba ang tingin sa kamay ko. Nanginginig pa ang kamay niya na nagtaas ng kamay upang tanggapin ang kamay ko.
Hinawakan ko siya ng mahigpit. "Tara na?"
Sa wakas ay nakita ko ang malaking ngiti niya. Pati na rin ang pagkislap ng mga mata niya at mabilis siyang tumango.
"Let's go, Maya." ngiti niyang tugon.
Napatawa ako at nagsimula na kaming bumaba ng hagdanan habang magkahawak-kamay. May napadaang tao at halatang nagtataka sa posisyon ng kamay ko ngunit nilagpasan lang namin siya at hindi ko pinagtuunan ng pansin. Wala naman akong paki dahil hindi ko sila kilala at hindi rin nila ako kilala.
Nakalabas kami ng apartment at hindi naghihiwalay ang kamay naming dalawa. Sinusulyapan ko si Casper na nagmamasid-masid sa paligid. Hindi maipaliwanag ang mukha niya. Masaya siya na parang nabibigla at gulong-gulo. Weird.
"Maya! What's that!?" malakas niyang tanong na parang nasa kabilang bundok ako.
Napangiwi ako nang tumuro siya sa isang halaman na may bulaklak. Nilingon ko siya.
"Halaman na may bulaklak na gumamela. Ayos na?" walang gana kong sagot.
Napatango-tango siya saka ngumuso. "Can I get it?"
Bumuntong hininga naman ako. "Dali. Kunin mo na."
Malaki ang ngiti niya ng bumitaw sa akin at lumapit sa halaman saka akmang pipitasin ang bulaklak nang tumagos ang kamay niya doon. Nanlaki ang mga mata ko at napatawa.
"Pfft!"
"Fuck." walang buhay niyang mura saka bumalik sa akin ng may malaking simangot. "Nevermind."
Kinagat ko ang labi ko upang hindi matawa. Napailing-iling ako na lumapit sa halaman at pinitas ang bulaklak. Sinabit ko iyon sa itaas ng tainga ko saka matamis na ngiting bumalik sa kaniya.
"Life is so unfair. But I don't have life because I'm dead." simangot na aniya.
Napatawa naman ako. "Wag mong dibdibin. May likod ka pa... wala nga lang laman. HAHA!"
"Psh!" singhal niya saka nagpaunang maglakad. Ngingiti akong sumunod.
Nakarating kami sa mercado at mas lalo siyang naaliw. Lalo na ng makita niya ang iba't-ibang klase ng mga damit. Ako naman ay napangiwi nang magpabili siya ng mickey mouse na damit, kulay itim.
"Maya pleaseee! Buy me that shirt! I promised, I'll be a good good ghost! Buy meee pleaseee--"
"Oo na! Oo na!" pagsuko ko.
"Yess! Thank you!" malakas niyang sigaw at akmang yayakapin ako ng pinagtabuyan ko siya.
"Dun ka muna!"
"Psh!" ngumuso siya saka tinalikuran ako. Nakita ko siyang pumwesto sa ibang mga damit.
Bagsak ang balikat ko na humarap sa tindera. "Bibilin ko po."
Matanda ang tindera at malaki ang ngiti nitong ibinalot ang damit saka ko inabot ang bayad.
"Iha, bagay na bagay iyan sa kasama mo.. Anong pangalan niya?" malumanay na tanong nito na kinalaki ng mga mata ko.
"H-ho? E-eh w-wala naman po akong kasama.." pagtanggi ko. Omy! Nakikita rin ba niya si Casper?!
Ngumiti ito sa akin. "Naalala ko noong kabataan ko.. Ako lang rin ang nakakakita sa lalaking kasintahan ko." kuwento niya na kinaawang ng labi ko. "Masaya kami.... subalit hindi nagtagal.. kailangan na naming maghiwalay.."
"A-ano pong s-sinasabi niyo?" utal-utal kong tanong.
Nabigla ako nang hawakan ako ng matanda sa kamay saka matamis ang ngiti sa akin.
"Payo lang, iha.. kung hindi ka lilingon sa pinanggalingan.. Pareho kayong hindi makakarating sa paroroonan." aniya saka inalis ang kamay sa akin.
Hindi pa rin nawawala ang pagkabigla ko habang hawak-hawak ang nabili kong damit.
"Paparating na siya." dagdag niya pa. Akmang magsasalita ako nang maramdaman ang presensya ni Casper sa likuran ko.
"Maya! Let's go! I saw many eggs there! Your favourite!" masaya nitong sigaw nang makarating sa gilid ko.
Kaagad akong napangiwi. "Hindi ko paborito 'yon! At wala ako rito para bumili ng itlog! Uwi na tayo. Baka maubos pera ko sa'yo."
Ngumuso siya. "But I don't want to go home.."
Napailing-iling ako sa inaakto niya. Parang preso na nakawala sa kulungan. Humarap akong muli sa matanda na hindi nawawala anng ngiti.
"Hindi ko po kayo maintindihan.. Pero.." tumingin ako kay Casper saka bumaling muli sa kaniya. "Pangalan po niya ay Casper." ngiti kong sabi na hindi niya makikita dahil naka-face mask ako.
Mas lumaki ang ngiti ng matanda. "Casper.. Friendly ghost.."
"Ah..hehe.. Opo.."
"What the?! M-maya.. W-what is this?.." rinig kong gulo at utal na sambit ni Casper.
"Aalis na po kami. Salamat." paalam ko sa matanda saka humawak sa kamay ni Casper at nilisan ang lugar.
Habang naglalakad ay panay ang tanong ni Casper at panay ang pisil sa kamay ko.
"Mayaa! Tell me! Pinag-usapan niyo ba ako? What did you tell her? That I'm handsome? Did you tell her that I'm a good ghost? You should have told her that I'm good-looking ghost and--"
"Tama na! Ang daldal mo!!" napalakas ata ang sigaw ko dahilan upang magtinginan sa akin ang mga taong nakapalibot.
Kaunti lamang ang mga tao ngayon at ang iba ay nasa akin ang tingin. Siguro ay iniisip na nila na isa akong baliw, takas mental at nasisiraan ang ulo dahil sa quarantine.
Napasimangot na lang ako at inirapan sila isa-isa. Tinuloy ko ang paglalakad kasama si Casper. Naramdaman kong bibitaw siya sa paghawak-kamay namin ngunit hindi ko hinayaan. Mas hinawakan ko siya ng mahigpit.
"M-maya.. p-people are looking at you.. Stop holding my hand.. They might think you're crazy.. because they didn't see me.. I-I'm sorry--"
"Tsh! Hayaan mo sila. Hindi nila ako marerecognise dahil naka-face mask ako.. Tara na.. Sa iba tayo." hinatak ko siya sa ibang parte ng lugar.
Bumili muna ako ng petchay nang may masulyapan ako doon habang nasa tabi ko si Casper. Iniabot sa akin ng tindera ang binili saka lumisan kami sa lugar.
"Maya? Are you famous?" pagtatanong ni Casper sa gitna ng paglalakad namin.
Kunot-noo ko siyang nilingon. "Hindi ah! Kaunting tao nga lang ang nakakaalam ng existence ko eh! bakit mo natanong?"
Napangiwi siya at huminto, dahilan upang mapahinto rin ako.
"Then.." tumuro siya sa isang poste at doon nabaling ang tingin ko. "Your face are everywhere."
A-anak ng??!
Mabilis akong tumakbo papalapit sa poste tangay-tangay si Casper. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang makita ang mukha kong nakadikit sa poste. Klarong-klaro ang bangs ko rito at malaki ang simangot ko.
TANGEEENAAA!
May nakalagay doon na
#Gala_Pa_More
E-eto yung....
Pinicturan ako nung mahuli ako ng tanoddd!
Shettt! Pinakalat talaga nilaaa?!!
"Huhuhuhu! Casperrr! Ang pangit ko ritoo!" pagngawa ko habang hawak-hawak ang papel na may litrato ko.
"Pfftt! Naah! You are beautiful in person. No need to be upset with." may pagmamalaking aniya.
Mangiyak-ngiyak ko siyang binalingan ng tingin. "Nakakahiyaa! Nagsisisi na akong gumala nung gabi! Aiishh! Tangena naman--"
"Mayanii!"
Natigilan ako sa kinalalagyan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. At kung hindi pa ako nabibingi ay alam kong galing kay Ethan iyon.
Hindi ako nagkamali nang makita ko siyang tumatakbo paplapit sa akin. Napalunok ako nang nasa harapan ko na siya. Binalingan ko ng tingin si Casper at nandilim agad ang mukha niya.
"Mayani! Ayos na ba ang pakiramdam mo?" pagtatanong ni Ethan at nilingon ko siya.
"Hmm.. Salamat sa gamot na binigay mo.. S-saka sa pagkain.." nahihiya kong tugon. Muling bumakas sa alaala ko ang muntikan na naming paghahalikan..
Nakagat ko ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
"Tapos ka na bang mamili?" tanong niya.
"A-ahm.. Mm.. Tapos na. Ikaw ba?"
Ngumiti siya na nagpasingkit sa mga mata niya. "Tapos na rin.. Sabay na tayong umuwi?"
Natigilan ako sa alok niya. Hindi ko alam ang isasagot ko gayong kasama ko si Casper. Magagalit siya at alam kong nagseselos siya kay Ethan. Ilang beses niya na iyong sinabi sa akin. Kinumpara niya pa nga ang sarili kay Ethan eh.
Bumaling ako ng tingin kay Casper. Nakababa na ang ulo niya ngunit nag angat ito ng tingin sa akin. Malungkot na ngiti ang binigay niya.
"Go with him.. I'll see you at the apartment."
Hindi pa ako nakakatugon nang maglaho siya kaagad. Mariin akong napapikit at napayuko.
Ganito ba talaga siya, nagseselos kay Ethan?
Ayaw ko sanang isiping dahil lang sa pagkakaibigan namin kung bakit siya nagseselos ng ganito. Dahil ibang-iba ang dating sa akin ng pagseselos niya. Noong kagabi na hilingin niyang makasama ako, alam kong may iba pa siyang ibig iparating sa akin. At gusto kong sabihin niya sa akin ng deretso ang gusto niyang sabihin.
Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Ethan. Naging tahimik lang naman ang paglalakad namin papuntang apartment dahil hindi ako nagbubukas ng topic. Nagtatanong siya ngunit tango at iling lang ang sagot ko. Ang nasa isip ko ay si Casper, na iniwan ako bigla-bigla.
Hanggang sa mapunta na kami sa apartment magmamadali akong pumasok sa silid ko. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Ethan.
Isinarado ko ang pintuan at kaagad na hinanap ng mata ko si Casper na ngayon ay nakatayo at nakatingin rin sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit mo ako iniwan doon? Bigla-bigla ka na lang naglaho! Nakakainis ka, alam mo 'yon?" umaatake ang init ng ulo ko.
Nagbaba siya ng tingin. "It's better to see you with someone who can be with you in reality."
"A-ano?!"
Nag-angat siya ng tingin at malungkot na ngiti ang binigay sa akin.
"You look better with him. I can't deny it. You both are humans. And I am not."
Mariin akong napapikit at deretsong tumingin sa kaniya. "Ano naman kung multo ka?" iritado kong tanong.
Mapakla siyang natawa. "Means I can't be with you. Tao ka at buhay pa. Ako? Multo na at patay na."
"At sino ba kasing nagsabi sa'yo na hindi mo ako pwedeng makasama?! Nandito nga ako 'di ba? Magkasama tayo! Nahahawakan kita at nakakausap! Bakit kinukumpara mo ang sarili mo sa kaniya?!" inis kong pasigaw na tanong.
Kumislap ang lungkot sa mga mata niya. "He can live with you forever. Naiinggit ako sa kaniya. Kasi ako? Hanggang quarantine lang na kasama mo."
"Bakit ba big deal sa iyo 'yon?! Bakit nagseselos ka sa kaniya ng ganon?! Para saan ba na gusto mong maging tao ulit at makasama ako?! Bakit? Ano ba ako sa'yo?" hindi ko mapigilang tanong.
Malungkot ang ngiti niya habamg deretso ang tingin sa akin. Napaatras ako nang walang imik na naglakad siya papalapit sa akin.
Kumakabog ng malakas ang puso ko dahil sa presensya niya. Bago pa man ako mahakbang patalikod at humawak na ang isa niyang kamay sa baywang ko at mabilis na hinapit ako papalapit sa kaniya. Napalunok ako nang hawakan niya ang isang pisngi ko. Titig na titig ang mga mata niya sa mga mata ko. Muli akong napalunok nang bumaba ang tingin niya sa labi ko.
"Gusto mong malaman kung ano ka sa akin?" balik niyang tanong.
Hindi ako nakaimik dahil sa paglapit ng mukha niya sa akin. Isang pulgada kamang ang layo at pumikit ang mga mata niya.
"Ikaw ang lahat-lahat sa akin, Mayani.."
Napigil ang hininga ko nang tuluyang dumikit ang napakalamig niyang labi sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko lalo pa nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi niya. Para akong nabingi at walang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Hindi ako nagkaroon ng tiyansang makadilat dahil kahit na humiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit naman niya ang noo naming dalawa. Mahigpit ang pagkakayakap ng isa niyang braso sa baywang ko.
"M-maya.. 'wag mo akong iwan.."