Kabanata 13

2351 Words
Maya's Pov "Gusto mong malaman kung ano ka sa akin?" balik niyang tanong. Hindi ako nakaimik dahil sa paglapit ng mukha niya sa akin. Isang pulgada kamang ang layo at pumikit ang mga mata niya. "Ikaw ang lahat-lahat sa akin, Mayani.." Napigil ang hininga ko nang tuluyang dumikit ang napakalamig niyang labi sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko lalo pa nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi niya. Para akong nabingi at walang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ako nagkaroon ng tiyansang makadilat dahil kahit na humiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit naman niya ang noo naming dalawa. Mahigpit ang pagkakayakap ng isa niyang braso sa baywang ko. "M-maya.. 'wag mo akong iwan.." Maya.. 'wag mo akong iwan.. Maya.. 'wag mo akong iwan.. Maya.. 'wag mo akong iwan.. Maya.. 'wag mo akong iwan.. Naririnig ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Muli kong naramdaman ang labi niya na dumampi sa labi ko. Ngunit nang mangyari iyon.. Hindi na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko. Kundi mga boses.. Mga boses na hindi ko mawari kung saan nagmumula.. Sumakit bigla ang puso ko at napapikit nang maramdamang lumalaban din ang sakit sa ulo ko.. 'Mayani.. 'wag mo akong iwan..' 'Mayani.. maawa ka naman oh.. 'wag mo akong iwan dito mag-isa..' 'Mayani.. Nakikiusap ako.. Bumalik ka na..' Naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong tumutulo sa mga pisngi ko. Wala sa sariling tumutugon ako sa halik na nagbibigay ng sakit sa dibdib ko. Hindi iyon tumitigil hanggang sa lumalakas ang mga boses na naririnig ko. 'P-pleasee.. sumagot ka sa tawag koo! Pleasee! Pleasee... Sumagot ka..' 'At saan ka pupunta?' 'T-tan... Please paalisin mo na 'ko.. Kailangan ko siyang puntahan! B-baka mapahamak siya do'n.. please..' 'Hindi ka aalis dito. Naiintindihan mo?' 'Hindi mo pwedeng gawin sa'kin to! Wala kang karapatan kaya paalisin mo na 'ko!' 'Para ano? Makasama mo na naman ang lalaking 'yon? Hindi ako papayag. Dito ka lang kasama ko.' 'Tan! S-sasama naman ako sayo eh.. Katulad ng gusto mo mangyari.. P-pero hindi ko kakayaning may mangyari sa kaniya.. M-mahal ko siya---' 'Tumigil ka! Hindi mo siya mahal, naiintindihan mo?! Dito ka lang sa akin! Tayong dalawa ang magsasama!' 'P-please.. mapapahamak siya do'n.. Hindi ko kakayanin.. K-kahit ngayon lang.. Pupuntahan ko lang siya. Please naman oh!' 'Kahit mamatay pa siya do'n. Wala akong pakialam. Hindi na kayo magkikitang muli at hindi ka makakaalis sa akin.' 'A-ang sama mo! Wala kang kwenta! Napaka-sama mo! P-pupuntahan ko lang naman siya.. P-please.. P-please.. Gusto ko siya makita.. g-gusto ko siya mahawakan.. g-gusto ko siya makasama.. kahit sandali lang.. please..' 'Kung sa tingin mong masama ako.. Paano na lang kaya ang kaibigan mo?' 'K-kaibigan ko? A-anong i-ibig mong sabihin?' 'Bakit hindi mo alamin sa sarili mo kung ano ang tunay na nangyayari sa paligid mo? Mayani, mahirap ang maging bulag sa katotohanan. Gumising ka naman.' Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang paghiwalay ng mga labi namin ni Casper. Kasabay niyon ang pagkalma ng puso ko at pagwala ng sakit sa ulo ko. Weird. Wala akong naintindihan sa mga boses na narinig ko! Napakong agad ang mga mata namin sa isa't isa. May kinang sa mga mata niya habang humahaplos ang daliri niya sa pisngi ko na nagpapatuyo sa mga luha ko. Sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. "I can't take care of you physically, but I can be careful to your heart if you let me. I promised to take care of you emotionaly.. Just please.. Stay with me.." nangungusap ang mga mata niya. "You and me.. let's make this quarantine full of magic and fantasy." "C-casper.." Sa mga sandaling ito, napupuno ng emosyon ang damdamin ko. Nangunguna ang lungkot sa akin, ngunit sa nakikita ko sa mga mata niya, para bang gusto niya kaming maging masaya. Sa mga salitang binitawan niya, lahat iyon tumagos sa dibdib ko at baon na baon sa puso ko. Napangiti ako nang maramdaman ang labi niya na humalik sa noo ko. "Nakakailan ka na ah." ngiti at nagpailing-iling kong sambit. "I could kissed you again and again and--" "Gusto mo kotong de cobra?" putol kong sabi sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Lumabas ang masayang ngiti sa labi niya nang magtama ang mga mata namin. Ngunit muling nagungusap ang kaniyang mga mata. "Maya.. Please let me be part of your life. Please.." Huminga ako ng malalim at pinakatitigan siya. Malapit ng magtapos ang quarantine at bilang na lang ang mga araw. Nagpapasalamat ako noong mga nakaraan dahil naextend pa ito. Alam kong magiging makasarili ako kung hihilingin ko sa langit na tumagal pa ang quarantine. Nang sa ganon ay marami pang mga araw kaming makakapagsama. Dahil kung matatapos na ang mga bagay na ito gawa ng covid-19, babalik ako sa normal kong buhay. Papasok sa college, mag-aaral ng mabuti, makikipag-sabakan sa trabaho at gagawin ang lahat maka-survive lang sa mundong ito na kaunting tao lamang ang nakakaalam ng existence ko. Hindi ako mananatili sa lugar na ito dahil malayo-layo ang totoong lugar ko. Wala akong magagawa.. kundi ang iwan si Casper dito ng mag-isa balang araw. "Maya.." Nakakalungkot isipin. Kaya hindi ko na lang iisipin. Ano na naman kung multo lang si Casper? Ano naman kung hindi siya nakikita ng mga normal na tao? Ano naman kung hindi niya nahahawakan ang mga bagay-bagay? Siya lang naman ang kilala kong multong mahangin, ma-pride, bossy, seloso, malambing, at higit sa lahat, multong may puso. Alam kong weird iyon. Pero siya lang ang nakilala ko sa buong buhay ko na pinahahalagahan ang existence ko. Nakikiusap siya na manatili ako, samantalang ang mga taong nakilala ko ay pinagtatabuyan ako. Ang mga matatamis na salita at ngiti, sa kaniya ko lang nakikita habang siya ay ako lang ang pinipiling makita. Multo nga siya, pero nahihigitan niya ang totoong tao. Masaya na ako sa ideyang magkakasama kaming dalawa.. Kahit sa panandalian lang. Pinisil ko ang dulong ilong niya at pinanggigilan iyon dahilan upang mapadaing siya. "M-maya stop.. ouch!" Natatawa akong tinigil iyon at pinisil naman ang magkabilang pisngi niya. "Ikaw Casper.. Kahit amoy kandila ka, kahit napakaaa-bossy mo! Kahit tumatagos ka sa mga bagay-bagay." huminto ako at ngumiti ng matamis sa kaniya. Hinihintay niya ang kasunod kong sasabihin ngunit hindi na ako nagsalita pa. "That's it?" nguso niyang tanong. "I thought you'd say something sweet. Psh!" Napatawa ako ng mahina at mabilis na yumakap sa kaniya. Naramdaman kong natigilan siya ngunit naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. "Casper.. Wo xihuan ni." ngiti kong sambit. Alam kong hindi niya iyon maiintindihan dahil chinese iyon at 'yon lamang ang salitang alam ko dahil sa kapapanood ng chinese drama. "Really?! Yesss! Wo ye xihuan ni, Maya! f**k Yessss!" malakas at tuwang-tuwa niyang tugon na kinalaki ng mga mata ko. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na parang hindi na niya pakakawalan. [Translation: Wo xihuan ni - I like you] [Translation: Wo ye xihuan ni - I like you too] "C-casper.. hindi ako makahinga.." lumuwag bigla ang yakap niya "I'm sorry! Sorry.. Hehe.. You like meee! Yessss!.." Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Nawalan ako ng imik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siya oo, hindi ko na maitatanggi iyon. Pero g-gusto niya din ako? F-FOR REALL?!! Tangeeenaaaa! Tumitigas pwet koo! KYAAAAAAHHHHH!! WAAAAHHHHHHHH--PERO WAIT?! Wait lang! Nangulubot ang mukha ko "Totoo bang gusto mo ako? O baka friend zone lang--" "Friends don't kiss." putol niya agad sa tanong ko at mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. "I like you so much, Maya.. so much.." Oh paking sheeyytt! Klarooo na 'yon aaahh!!! Kyaaaaaaaaaahhhhhhh!!! Pwede na 'ko kiligiiiin!! WAAAAHHHHHHH!! Tigas pweeett! "Gusto din kita, Casper. Kahit amoy kandila ka." pag-amin ko na may halong panunukso. HAHAHAHAHA! "Do you really have to say that? Psh! Whatever! At least you like me. You like me, Maya! You like me-- " "Oo na! Oo na! Kailangang ulit-ulitin?" hinampas ko ang likuran niya. Napatawa naman siya. "I'm handsome that's why you like me, don't you? Yeah, I know that!" nagiging ipo-ipo na naman siya. Humiwalay siya sa yakap at sinapo ang magkabilang pisngi ko saka iyon pinanggigilan. Napasimangot naman ako habang siya ay tuwang-tuwa. "Maya, I'm so happy and contented with you.. I got a feeling that you were the--" "Please tagalog." pigil kong sabi sa kaniya. "Hindi ko lang pinapansin pero nung isang araw ka pa eh! Mas masarap pakinggan ang tagalog na matamis na salita. Ulitin mo!" "Oh! P-pasensya na.." nakagat niya ang ibabang labi at deretsong tumitig sa akin. "Maya, sobrang saya ko at kontento na kasama ka.. a-at.. Pakiramdam ko.. Ikaw 'yung matagal ng hinihintay ko." sinsero niyang sabi. Napataas naman ako ng dalawang kilay. "Ako? Bakit naman ako? Wala akong kinalaman sa pagkamatay mo ah! Inosente ako! Malinis konsensya ko--" "No.. That's not what I meant--hindi iyon ang ibig sabihin ko." Nakahinga naman ako ng maluwag. "So, anong ibig mong sabihin?" "Hindi ko alam." tanging tugon niya. Napaawang ang labi koat napaikot naman ako ng mga mata saka lumayo ng bahagya sa kaniya. "Wala kang kwenta kausap. Binabawi ko na ang sinabi kong gusto kita. Hindi na kita gusto--" "No way! Kasasabi mo lang na gusto mo ako eh! Wala ng bawian, bungi!" "B-bungi?!" Nagulat ako sa sinabi niya at siya rin ay mukhang nagulat sa sinabi niya saka nagtatakang nahawakan ang labi niya. Napapalunok itong tumingin sa akin. "D-did I just say that? W-where's that word coming from?" pagtatanong niya na parang manggagaling sa akin ang sagot. "Bakit ako tinatanong mo?! Pang ilang beses mo na akong tinawag na bungi? Akala mo nakakalimutan ko na iyon?! Hmp! Ayoko na! Naiinis na ako sa'yo! Hindi na talaga kita gusto!" bulyaw ko at tinalikuran siya. Kaagad ako naglakad patungong kwarto. "M-maya! Maya! S-sandali lang!" pinigilan niya ako sa paglalakad gamit ang kamay niyang humahawak sa kamay ko. Napanguso naman ako. "H-hindi ko iyon sinasadya.. M-may problema lang ang tongue ko!" "Nakakainis ka! Pinapakulo mo ang regla ko!" inis kong sigaw. Humarap siya sa akin na may nagpupuppy eyes na itsura. "I'm sorry.. I don't know even know that word. 'wag mo ng bawiin na gusto mo ako, Maya please?" nangungusap niyang sabi. Napaikot ako ng mga mata. "Ang creepy! Wag ka na mag puppy eyes, Tsh!" Napasimangot siyang bigla at ibinaon ang sariling mukha sa balikat ko. Pumulupot ang mga braso niya sa baywang. "Maya, sing me a song.." halos bulong niyang sabi. Napangiwi naman ako. "At bakit ko gagawin 'yon?" "I miss your angelic voice when singing.. the way you pluck the guitar and the way you close your eyes.. feeling every notes you hit.. I miss it. So sing me a song.." "Nang-aakit ka ba, Casper? Kasi sa tono ng pananalita mo, parang inaakit mo 'ko." ngunot noo kong tanong. "Naaakit ka ba?" balik niyang tanong. Naningkit ang mga mata ko at napanguso. Talo ako dun ah.. Tsh! "Umalis ka nga! Feel na feel mo namang yumakap sa akin eh no?" Imbes na umalis ay mas yumakap pa siya sa akin. "Feel na feel mo rin namang niyayakap kita." Aba! Loko 'to ah! "Gusto mong makutusan? Umalis ka nga diyan!" tinutulak ko siya ngunit hindi siya nagpapatinag. "Kapag umalis ako sa yakap na 'to, baka labi ko naman ang dumikit sa'yo." mapanukso niyang sabi na kinalaki ng mga mata ko. Tangena Casperr! Puro ka banat! Ano bang panama ko sa'yo? Pinatitigas mo pwet ko eh! "Ang harot-harot mo!" tanging sabi ko at tinatago ang kilig na namumuo sa akin. Landi ko! "Gusto kitang harutin hanggang sa ako na lang ang kasiyahan mo." muli niyang banat na kinalunok ko. Grabe! Wala na akong masabe, Casper! Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at ngusong tumitig sa akin. "Sana may label tayo. Para mahaharot kita nang naaayon sa kung ano ang meron tayo." L-label? Ay oo nga pala! Wala kaming label! WALA. Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin. A-ano bang pwede kong sabihin? "Ah.. ahm.. l-label? Ahm.." putspa, Maya! Ano bang sasabihin mo? "A-ano bang k-klaseng label ang hinihingi mo?" pagtatanong ko at hindi makatingin sa kaniya ng deretso. "I want to be your boyfriend, and you'll be my girlfriend." deretso niyang sabi na kinaawang ng labi ko. Lumungkot ang mukha niya. "But we can't." dagdag niya pa. Nakagat ko ang ibabang labi at nilakasan ang loob ko. Naririnig ko ang pagpintig ng puso ko na siya lang ang nakakagawa. "We can't have a relationship--- "Dahil tao ako at multo ka?" tuloy kong sabi. Kumislap ang lungkot sa mga mata niya at gustong-gusto ko iyon burahin. Kaya naman, iyon ang gagawin ko. "Weird nga kung iisipin ng ibang tao kung anong mayroon tayo." bumuntong hininga ako. "Pero wala sa akin 'yon, Casper. Kung anong sasabihin nila? Wala sa akin 'yon. Ano sa tingin mo kung bakit tayo nagkatagpo dito? Kaya kitang makita, mahawakan.. so bakit hindi kita pwedeng makasama?" Nagkaroon ng pag-asa ang mukha niya at matiim na tumitig sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Maya, you are my miracle and I really wanted to be with you--" "Then let's be together." putol kong sabi sa kaniya na kinatigil niya. Ngumiti ako at pinisil rin ang kamay niya. "Kahit sa sandaling panahon lang.. Gusto kita, Casper.. at gusto kitang makasama." "M-maya.." nagiging emosyonal ang mukha niya at biglaan siyang yumakap sa akin. Napangiti naman ako at yumakap sa likuran niya. "Simula ngayon, tayo ng dalawa at hindi natin papansinin kung sino ang humusga. Deal?" Humigpit ang yakap niya. "Ito na ata ang pinaka-magandang deal na narinig ko.. It's a deal, Maya. I like you sooo soo much.." "Pakiramdam ko kinaganda ko na ang pagkagusto mo sa akin." pigil kilig kong sabi. "Maganda ka, Maya.. At gwapo ako.. Bagay talaga tayo." aniya. "Tsh! Mali ka naman eh! Maganda at tao ako. Ikaw? Gwapo at multo ka. Hindi tayo bagay." tatango kong sabi. Tiningnan niya ako na may naniningkit na mga mata. "May pag-asa ba talaga ako o pinapaasa mo lang ako?" Ooppss.. "Hehe.. peace.. Pero simula ngayon, You are my ghost boyfriend at ako na ang human girlfriend mo. That's a deal." ngiti kong sabi at muling yumakap sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD