Maya's Pov
"Yeobo.. saan mo gusto ikasal?"
Nangulubot ang noo ko nang makarinig ng boses ng isang lalaki. Nagpalinga-linga ako ng tingin upang hanapin ang boses at natigilan ako nang makita ang lalaking nakaupo sa mga damo habang nakahilig ang ulo sa isang babae. Mga likod lang nila ang nakikita ko at mas lalong nangulubot ang mukha ko dahil gusto ko silang makita.
"Hm? Ahm.. Syempre sa simbahan. Gusto kong magpasalamat kay God sa lahat-lahat habang kinakasal tayo." ani ng babae.
"Masarap sa pandinig.. Tapos iimbitahan natin lahat ng tao dito sa bahay ampunan.. Mga madre, mga kusinera--"
"Pero malayo pa. Tsh! 18 ka pa lang at 16 pa lang ako no! Excited ka masyado." putol ng babae sa pagpapantasya ng lalaki. Napatawa naman ako. Mga bata pa nga sila para ikasal.
"Psh!" singhal ng lalaki. "Basta ikakasal tayo at hindi tayo maghihiwalay.. sa anong edad naman tayo magpaplano ng kasalan?"
Natawa ang babae saka yumakap sa lalaki. "Kapag pareho na tayong may trabaho. Mahirap magpalaki ng mga anak kung pareho tayong nadala ng kalandian."
"Awieee! Mga anak? Ibig-sabihin, marami tayong magiging anak? Gusto ko isang dosena--"
"Ayoko nga! Mahirap manganak no! Tapos pagbayo lang ambag mo! Tigilan mo 'ko." halatang ayaw ng babae ang ideyang nasabi ng lalaki. Mas lumaki ang ngiti ko. Ang sweet nilang tingnan.
"Pfft! Ilan ba gusto ng asawa ko? Willing akong magbigay ng benteng sperm para sa magiging pamilya natin. Sampung lalaki at sampung babae. Lahat gwapo at magaganda dahil nagmana sa'ting dalawa." puno ng pagpapantsya ng lalaki at parang may humaplos sa puso ko.
"Kung sana ikaw manganganak sa sampung lalaki ay ayos lang. Tsh! May ipapakain ba tayo sa kanila?"
"Marami! Bubusugin natin sila ng pagmamahal. Tataba ang mga puso nila dahil do'n." tugon ng lalaki na ikinatawa ko. Abno pala ito eh.
Napailing-iling ang babae at itinulak ang lalaki. "Mukhang magsisisi akong ikaw ang papakasalan ko. Dun ka na nga sa kalaro ko! Kayong dalawa ang magpakasal tutal may gusto ka sa ngipin niya dati!" pangtataboy ng babae.
Muli namang yumakap ang lalaki sa kaniya. "Wag mo naman akong ipamigay. Ikaw kaya ang mahal ko. Mahal na mahal kita at masasaktan ako kung sa iba ako mapupunta."
"Tsh!" suminghal ang babae saka bumuntong hininga. "Pero.. paano kaya kung hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa?"
Natigilan ako sa tanong ng babae at ganun din ang lalaki. Kaya naman mas pinagsiksikan pa nito ang sarili sa kaniya.
"Hindi ako papayag. Hindi ko kakayaning makita ka kasama ng iba. Lalong-lalo na ng lalaking iyon. Hindi ka naman sasama sa lalaking 'yon 'di ba? Mas gwapo ako kaysa sa singkit na 'yon!" ani ng lalaki na parang may gusto patunayan.
Akmang magsasalita ang ang babae nang matigilan ito, pati na rin ako sa pagsulpot ng isa pang babae na nakatalikod din sa akin kaya't hindi ko nakita ang mukha.
"Ano pang ginagawa mo dito?" pagtatanong ng isang babae sa lalaki. Mukhang hindi niya tinuunan ng pansin ang babaeng kayakap nito. "Paalis na ang sasakyan niyo. Hinahanap ka na ng mga kasama mo dahil aalis na kayo." dagdag pa nito.
Nawalan sila ng imik lalo na ang babae na hindi na nagsalita at binaklas na lamang ang mga braso ng lalaking nakapulupot sa baywang niya.
Bad trip naman ang isang babaeng iyon! Nangangarap pa silang dalawa eh!
"P-pwede bang magpalipas ng gabi dito sa bahay ampunan?" tanong ng lalaki at hindi pumayag na baklasin ang pagkakayakap sa babae.
"Ano ka ba? May bahay ka naman at magtataka ang magulang mo pag hindi ka umuwi. Sige na, magkita na lang tayo sa susunod na araw." pinisil ng babae ang pisngi nito.
Umiling naman ang lalaki. "Gusto pa kitang makasama ngayon. Saka--"
"Hindi pwedeng magpalipas ng gabi dito sa ampunan." pagputol ng isang babae sa kaniya at dito nabaling ang tingin nila. "Umuwi ka na." matigas nitong sabi.
Naningkit ang mga mata ko. I smell something fishy! Mukhang may something sa isang babaeng ito na parang ayaw niyang bigyan ng oras ang magkasintahan na magkasama pa.
Walang imik ang babae na tumayo sa kinauupuan niya at ganun din ang lalaki na kaagad humawak sa kamay nito. Mukhang ayaw pa ng lalaki na umalis. Gustong-gusto ko makita ang mga mukha nila dahil pamilyar ang mga likod nila.
Maglalakad sana ako papalapit sa kanila nang manigas ako sa kinatatayuan dahil sa pagsulpot ni Ethan. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako pwedeng magkamali sa mukha niya. Mas bata ang mukha niya ngunit siya talaga iyon. Ang singkit niyang mga mata. Hindi ako pwedeng magkamali.
Anong ginagawa niya dito? T-teka.. Nasaan ba ako?
"Mayani! Halika na, oras na ng pagkain." sabi ni Ethan na kinalaki ng mga mata ko.
M-mayani? T-tinatawag niya ako?! P-pero bakit sa babae siya nakatingin?
"T-tan.." utal na sambit ng babae na halatang may takot sa kaniya.
Sunod-sunod naman ang naging paglunok ko habang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Anong nangyayari?
Nakita ko ang paghigpit ng hawak ng kamay ng lalaki sa kasintahan nito na napansin agad ng babae.
"Bitawan mo na siya." matigas na sabi ng Ethan sa lalaki na kinalunok ko. Muli itong bumaling sa babae. "Halika na. Bumalik na tayo sa loob."
"A-ahm.. S-sandali l-lang--"
"Akin siya." putol ng lalaki sa sasabihin ng babae. Mas lalong naningkit ang mga mata ni Ethan.
Gustong-gusto kong makita ang reaksyon ng lalaki ngayon! Pati na rin ang mukha ng babae na tinawag ni Ethan sa pangalan ko! Saka ng isa pang babae kanina na ngayon ay walang imik.
"'Wag na wag kang magkakamali na hawakan ang sa akin." dagdag pa ng lalaki habang na kay Ethan ang baling.
Napalunok ako nang magdilim ang mukha ni Ethan. Hindi siya ang kilala kong Ethan. Ibang-iba sa magandang ngiti nito tuwing nagkikita kaming dalawa.
"Tama na 'yan!" pag-awat agad ng isang babae bago pa man may maganap na gulo. Humarap ito sa lalaki dahilan upang makita kong mukha nito. "Mabuti pa.. umuwi ka na."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang mapagmasdan ang isang babae na nakaharap sa lalaki. Kitang-kita ko ang mukha at klarong-klaro ang mga iyon. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Vienna.
A-ano ring ginagawa niya dito? Nasaan ba kami?!
"Anong gagawin mo.." nagsalita si Ethan. "Kung hahawakan ko ang sa'yo?" tanong nito at tumingin sa babaeng hawak ng lalaki.
Watdapak, Ethan!!?
Nagbaba ang ulo ng babae at kaagad na hinapit ng lalaki papalapit sa kaniya ang babae na parang sinasabing pagmamay-ari niya ito.
"'Wag mo 'kong subukan. Hindi kita aatrasan." maangas nitong sabi kay Ethan na ngayon ay ngumisi.
Nakagat ko ang ibabang labi at akmang lalapit sa kanila nang bigla na lang akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
"A-ahh.." pagdaing ko habang pinupwersa na igalaw ang mga binti ko. Hinawakan ko iyon at hinampas gamit ang kamay ngunit wala akong naramdamang sakit.
Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting namamatay ang mga damuhan. Nagiging itim ito na kanina'y kulay berde. Muli akong bumaling ng tingin sa mga kabataan ngunit unti-unti rin silang naglalaho.
S-shet! Anong nangyayari?!
Tumingin ako kay Vienna na ngayon ay parang tinatangay lang ng hangin at ganoon din si Ethan pati na rin ang dalawa pa na walang mukha.
Arrgh! Shet!
"S-sandali lang! Sandali!" pigil ko sa kanila na umaasang hindi sila maglalaho. Pilit kong ginagalaw ang mga binti ko. "Sandali lang! S-sandali langg---"
*RIIINNNGGG*RIIIINNGG*
"Oohh!" napabalikwas ako ng bangon at dere-deretsong napaupo sa kama ko.
Napalunok ako nang maramdamang nanunuyo ang lalamunan ko saka nasapo ko ang noo. Pinagpapawisan ako at nararamdaman ko ang init ng paligid.
"Aah.. P-panaginip lang." pinakalma ko ang puso ko dahil sa lakas ng pagtibok nito. Muli akong napalunok at bumuga ng hangin.
Hooooo..
Panaginip lang iyon..
Kalma lang, Maya.
*RINNNGGG*RINNGGG*
Napaayos ang ngupo at nabaling ang tingin sa maingay kong cellphone. Nangunot ang noo ko ng kunin iyon sa ilalim ng unan at pinakatitigan kung sino ang tumawag.
Vienna.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang maalala siya sa panaginip ko. Napailing naman agad ako. Panaginip lang 'yon.
"Vienna!" ngiting bungad ko ng sagutin ang tawag. "Hating gabi na ah? Napatawag ka?"
"P-pasensya na.. Na-miss lang kita, Maya." aniya sa mababang boses.
Para namang may humaplos sa puso ko. Kahit papaano pala ay naalala niya pa ako.
"Ang akala ko ay kinalimutan mo na ako eh." kunwari'y nagtatampo kong sabi at umayos ng upo.
"Paano naman kita makakalimutan.. Pati nga sa panaginip ko ay dinadalaw mo ako." sabi niya na kinatigil ko.
"N-napapanaginipan mo ako? Kaya ka ba tumawag? Tungkol naman saan?" pagtatanong ko. Na-curious bigla!
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Hm? Sabihin na lang natin na may kasama kang lalaki sa panaginip ko. Yun lang."
"Lalaki? Sino naman iyon?" muli kong tanong.
"Basta." tipid niyang sagot. Napaikot naman ako ng mga mata.
"Ang damot mo naman. Parang sasabihin lang kung sino eh."
"Madamot talaga ako. Kapag sa'kin sa akin lang. Hindi ko ibibigay sa'yo. Iba na lang." aniya sa seryosong boses. Nangulubot bigla ang noo ko.
"H-ha? May gusto ka bang iparating--- "
"Um! I mean.. um.. don't get me wrong.. don't mind me.." halos utal niyang sabi at napabuntong hininga ako.
"Kamusta na ba 'yang inaalagaan mo diyan sa hospital?" hindi ko alam kung bakit ko iyon natanong. Well, kung hindi kasi mapakali si Ven ay dahil iyon sa boyfriend niya.
"B-bakit mo natanong?" utal niyang tanong.
"Wala lang, tsh!"
"Ayos lang naman siya. Ikaw ba diyan?"
Bumalik ako sa pagkakahiga. "Ayos lang rin. Masaya ako kasama ng boyfriend ko."
Hehe! Akala mo ikaw lang may boyfriend ah!
"B-boyfriend? May boyfriend ka na?!" batid kong nagulat siya. "Kailan pa? Paano nangyari? Mahal mo na ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Pinigilan ko ang kilig na namumuo sa akin saka tumagilid ng higa.
"Gusto ko siya." kahit multo siya. "Pero hindi pa naman mahal. Ahm, siguro hanggang gusto lang dahil mahirap na kapag minahal ko siya."
Nalungkot akong bigla. Hayst! Gusto ko si Casper. Pero hanggang doon lang talaga iyon. Pipigilan ko ang nararamdaman ko sa kaniya dahil hindi rin magtatagal ay magpapaalam na kami sa isa't-isa.
"Mahalin mo na siya, dali!" nagulat ako sa sinabing iyon ni Ven.
"G-grabe ka naman? Bakit ko naman siya mamahalin--"
"Boyfriend mo na siya 'di ba? Natural lang na mahalin mo na siya! At para tuluyan mo ng makalimutan si----"
"H-ha? Sino?" nabitin ako sa sasabihin niya. "Hello, Ven? Nandiyan ka pa ba?"
Ilang segundong walang tumugon sa linya ngunit batid kong nandiyaan pa siya dahil hindi pa namamatay ang tawag.
"Um.. N-Nandito pa ako.. Sorry.."
"Tsh! Sino ba 'yang tinutukoy mo?" muli kong tanong.
"W-Wala.. Wala naman.. Umm.. Yung ex mo lang.. um--"
"Ah! Si Justine ba?" doon ako naliwanagan.
"Oo! Si Justine nga.. P-Para makalimutan mo na siya."
Napatawa naman ako. "Move on na ako sa kaniya, no! Matagal na pero hindi ko naman siya kakalimutan."
"Hm? Baka magselos boyfriend mo niyan."
Napaka seloso nga nun ehh! HAHAHAHA!
"Pfft! Naku! Seloso siya!" pinipigilan ko ang kilig. "Minsan nha nag-away pa kami dahil sa pagiging seloso niya kay Ethan eh! --yung guy next door HAHAHA!"
Naghahalo ang tuwa at kilig ko ngunit nawala iyon nang walang naging imik si Ven sa kabilang linya. Para lang akong kumausap sa hangin. Ano ba 'yan!
"Ven? Nandiyan ka pa ba?" muli kong tawag sa atensyon niya.
Ilang segundong walang imik ngunit bumalik naman ang boses niya.
"E-Ethan? S-Sinong Ethan?" halos mautal-utal niyang tanong na ikinakunot ng noo ko. Muli akong napaupo sa kama.
"Si Ethan, hindi mo siya kilala panigurado. Katabi ko lang ng silid dito." napangiwi ako ng maalala ang kamuntikan ng paghahalikan namin. Tapos sumulpot si Casper na may nagungusap na mukha. Hayst!
"Anong apelyido niya?" pagtatanong muli ni Ven. Interesado ba siya kay Ethan? May boyfriend na siya ih! Naku, hindi na pwede.
"Hindi ko alam kung ano. Hindi ko natanong dahil hindi naman ako ganun ka-interesado." sagot ko.
"Ganoon ba?.. Umm.. Pwede mo bang ilarawan man lang?"
Kahit naiilang ay inilarawan ko pa rin kay Ven. "Sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami o baka mas matanda siya ng kaunti na sa akin. Tapos, hinahangaan ko ang singkit niyang mga mata lalo na kapag tawa o ngumiti siya! Sobrang cute niya at---"
"Lumayo ka sa kaniya!" malakas niyang sigaw na nagawa kong ilayo ang cellphone sa tainga ko.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil do'n at kaagad na nangulubot ang mukha nang ibalik ko ang cellphone sa tainga.
"Mayani! Makinig ka sa'kin.. lumayo ka sa lalaking 'yon, nakikiusap ako sa'yo. 'Wag na 'wag kang lalapit sa lalaking 'yon. Kung niyaya ka niyang sumama sa kaniya ay huwag! Please huwag! Nakikiusap ako sa'yo, Mayani--"
"Ano bang pinagsasabi mo, Ven? Ayos ka lang ba?" puno ng pagtataka kong tanong.
Narinig ko ang pagpapakalma niya sa sarili. "Lumayo ka sa lalaking 'yon hanggat maaari." may pagbabalala sa tono ng boses niya.
Maa lalo naman akong nagtaka at naguluhan. "Bakit naman? Kilala mo ba siya? Mabait naman si Ethan eh--"
"Hindi mo siya naaalala--I mean.. hindi mo siya ganun kakilala. Please, lumayo ka sa kaniya." madiin niyang sabi.
Lumakas ang pagpintig ng puso ko at nasapo ko ang dibdib ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Mabait siya, Ven. 'Wag ka agad mag judge sa isang tao." pagkumbinsi ko rito. Si Ethan nga ang nag-alaga sa akin nung may regla ako ih. Tsh!
"Hindi mo siya kilala." matigas nitong sabi.
Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit? Ikaw ba kilala mo?" balik kong tanong at nawalan siya ng imik.
Napabuntong hininga akong muli. "Siguro may hindi lang kami pagkakaunawaan tungkol sa mga bagay-bagay. Alam mo ba na napanaginipan ko siya at ibang-iba ang awra niya doon na parang hindi siya ang Ethan na kilala ko?" pagkukwento ko. "Nandoon ka rin sa panaginip ko at--"
"Tungkol saan ang panaginip mo?" bakas sa tono niya ang pagka-curious.
Napanguso naman ako. "Tungkol sa dalawang magkasintahan. Babae at lalaki na nakaupo sa damuhan na sabay na nangangarap." napangiti ako nang maalala ang panaginip ko. "Ang sweet nila doon. Sabi nila, pagpapakasal daw sila balang araw at magkakaroon ng mga anak. Kaya lang biglang mag umepal na babae at pinauuwi na ang lalaki. Hahaha! Guess what? Ikaw 'yung babae na 'yon! Hahaha!" hindi ko mapigilang matawa dahil sa epicna scene na iyon. Nainis pa ako sa isang babae, 'yun pala ay si Vienma lang.
"A-ako yung babae? S-sigurado ka?" utal niyang tanong at tumango-tango ako na parang makikita niya.
"Mm. Ikaw 'yun. Pinauuwi mo 'yung lalaki kasi maiiwan na daw ng sasakyan. Haha! Tapos ayaw pang pumayag nung lalaki at naglalambing sa babaeng ka-holding hands niya--"
"Wait! S-sandali lang.. N-nakita mo ba ang itsura n-nung l-lalaki?" halos magkanda-bulol niyang tanong.
Napangiwi ako at umiling. "Hindi. Sayang nga eh! Saka hindi ko rin nakita 'yung itsura nung babae. Pero alam mo? Sa tingin ko ay parang ako 'yung babae. Haha! Dahil dumating din si Ethan at tinawag iyong 'Mayani' which is pangalan ko." ngiti kong kwento.
Nawalan muli ng imik si Ven at napanguso na lang ako.
"Ven? Mamaya na lang o sa susunod na lang tayo mag-usap. Mukhang wala ka sa sarili eh. Tsh! Byebye!"
Kahit nagpaalam na ako ay hindi ko binaba ang tawag. Hinihintay ko na siya ang gumawa at pinatay nga niya ang tawag ng walang paalam. Tsh!
Mukha talaga siyang wala sa wisyo. Siguro ay dahil 'yon sa pagbabantay niya sa boyfriend niya na mahal na mahal niya kaya hindi niya magawang iwanan sa hospital. Hindi kaya siya mahawa ng covid niyan? Hmm.. Sabagay, nasa private room siya ng hospital. Hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sinong doctor lang. May sarili silang doctor.
Mayaman si Vienna. Sa katunayan ay mga doctor din ang mga magulang ba umampon sa kaniya. Ang suwerte niya at masuwerte rin akong naging kaibigan siya. Hindi niya ako pinabayaan at sagot niya lahat ng kalokohan ko.
HINDI ako nagpaalam kay Casper na pupunta kina Manang Eldren. Basta-basta na lang akong umalis nang hindi nagsasabi sa kaniya. Busy kasi siya sa panood ng palabas at hindi ako kinakausap. Hmp! Dapat lang na mag-walk out ako. Mukhang mas gusto naman niya si Kim so hyun kaysa sa akin eh.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad agad ni manang.
Matamis akong ngumiti sa kaniya at walang sabi-sabing pumasok sa loob mg silid niya.
Namangha agad ako sa ganda ng desenyo nito na parang hindi aakma sa nakatira. Hindi ko alam na may talento pala siya pagdating sa desenyo. Hindi kasi halata sa mukha niya eh.
Naupo ako sa couch at pinagmasdan si manang na pumunga ng kusina. Saka ko lang naalala ang pakay ko dito. Alam kong matagal ng nandidito si manang dahil parang lahat ay alam niya dito. Saka, siya rin ang nagmamay-ari sa pagkakatanda ko.
Naalala ko pa ang sinabi niya noong una sa akin. Noong una kong nakita si Casper sa silid ko at nagsumbong ako sa kaniya, pero pinatahimik niya lang ako tungkol doon. Kaya naman, alam kong may maibibigay na sagot si manang sa mga nakahandang tanong ko.
Lumabas siya ng kusina na may dala-dalang tinapay at juice. Napangiti naman ako. Sakto, nagugutom na rin ako. Naupo siya sa katabi kong upuan at inilapag sa lamesita ang mga baso at plato.
"Anong sadya mo dito, ineng?" may pagkamasungit na aniya.
Kinuha ko ang isang baso ng juice at uminom saka nagsalita. "Gusto kitang makausap tungkol sa silid na inuupahan ko."
Bahagya siyang nagulat ngunit napalitan ng pangiwi.
"May problema ba do'n? Maayos naman ang kwarto na 'yon ah--"
"Tungkol sa lalaking multo na napag-usapan na natin dati." deretso kong sabi. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa.
Muli siyang nagulat at namutla. "H-hindi pa ba siha umaalis doon? Sigurado k-ka bang nandoon pa siya?"
"Nandoon siya at hindi siya aalis doon." seryoso kong sabi. "Gusto ko lang malaman kung bakit ba siya nandoon at bakit doon siya napunta sa kwartong 'yon? Marami akong katanungan at gusto ko ng kasagutan." nakagat ko ang ibabang labi.
Nag-iwas siya ng tingin saka bumuntong hininga. "Ayaw ko sanang sabihin ito sa kahit na sino.." tumingin siya sa akin. "Pero ikaw lang ang kauna-unahang nagtanong sa akin tungkol sa kaluluwang iyon kaya't ikukwento ko sa'yo ang nangyari."
Seryoso si manang at handang-handa na akong makinig. Tumungga siya ng juice at kumain ng tinapay bago tumingin sa akin ng deretso at nagkwento.
"Limang taon na ang nakalilipas.." panimula niya. "Bago maging apartment ang lugar na ito ay kilala na ito na nakakakilabot na lugar. Bukod sa luma itong bahay dati.. Marami ng kasong may pinapatay dito ng mga kalalakihan.."
Kinikilabutan kaagad ako. Hindi ako umimik at nakinig lamang sa kwento ni manang.
"Delikado 'to pero marami pa ring pumupunta dito para magkita. Gaya na lang ng mga kabataan na nagpasyang dito magkita para gumala, pero hindi na natutuloy dahil sa mga pangyayari."
"Nahuli na ng mga pulis ang mga nakadroga na pumapatay tuwing gabi sa kung sinuman ang mapagtripan nila, limang taon na ang nakakaraan." bumuntong hininga siya. "Dati, 25 years old pa lang ako niyon.. Kakauwi ko lang galing trabaho. Sa kasamaang palad, ang mga magulang ko kasi ang tagapagbantay ng lumang bahay na ito kaya't natural lang na madadaan ko ito bago umuwi sa bahay."
"May nakasalubong akong isang binatilyong lalaki.." nakagat ni manang ang ibabang labi. Napapikit siya at nasapo ang dibdib niya. Napalunok naman ako.
B-binatiltong lalaki?
May tiyansang si Capser iyon!
Tiningnan ko ng deretso si manang. "Ano pong nangyari sa kaniya? Kilala niyo ba kung sino siya?" sunod kong tanong.
Napatingin siya sa akin. "Hindi ko siya kilala.. Pero nung makasalubong ko siya ay halatang hindi siya mapakali sa kinalalgyan. Panay ang paglinga-linga niya ng tingin na parang may hinahanap ang mga mata. Nakasuot ng purong itim na animo'y may masamang binabalak. Ngunit hindi ako nakaramdaman ng takot dahil nararamdaman kog may hinahanap lang siya.. o baka naman may hinihintay.."
Napalunok ako. "A-ano pong sunod na nangyari?"
Nag-iwas ng tingin si manang. "Umalis ako sa pwestong iyon sa takot na baka madamay sa kung anong ginagawa ng binatilyo. Mabilis akong umuwi ng bahay at doon nagpahinga.."
"Po?! A-ayun na 'yon?! Anong nangyari sa binatilyo noong umalis kayo?!" napataas ang boses ko dahil sa pagkabitin sa kwento niya.
Nagpakawala ng hininga si manang. "Kinabukasan.. pinagkakaguluhan ang mga nagkalat na dugo sa semento na sahig. Maraming mga pulis at soco ang nandoon. Sobrang ingay at sa sobra ring takot ko ay hindi ko nagawang makapagbigay ng impormasyon sa mga pulis tungkol doon sa binatilyong natagpuan daw na walang buhay noong gabi."
Para akong tinakasan ng lakas. Nanginig bigla ang mga tuhod at mga daliri ko. Lumalabas sa isipan ko ang larawan kung saan doon nakahiga si Casper na walang buhay.
Nasapo ko ang sariling dibdib dahil sa pananakit nito. Mariin akong napapikit saka pilit na ipinapakalma ang sarili.
"Hanggang sa lumipas ang limang taon.. Hindi umaalis dito ang kaluluwa ng binatilyong iyon. Sa katunayan ay pinabasbasan na ang lugar na 'to bago gawing apartment. Pero hindi pa rin umaalis ang kaluluwa no'n. Tuwing alas dose ng gabi dati maririnig ang mga yapak ng paa sa kwartong iyon na pabalik-balik na parang hindi mapakali."
Mas lalong kumabog dibdib ko sa narinig at mas humigpit ang pagkakakapit ko sa dibdib ko.
A-ang sakit..
"Ineng? A-ayos ka lang ba?" rinig kong tanomg ni manang at umiling ako.
"M-masakit.." hinahampas ko ang dibdib ko dahil hindi na ako makahinga sa bilis ng pagpintig ng puso ko.
"M-maya? Ineng! Anong nangyayari sa'yo?!"
H-hindi ko alam..