Maya's Pov
Bumalik ako sa ikatatlong palapag matapos makipag-kwentuhan kay manang Eldren tungkol sa kaganapan, limang taon na ang nakakaraan. Nasisiguro kong si Casper ang tinutukoy ni manang na binatilyong may hinihintay. Naka purong itim, gaya ng damit na una kong nakitang suot ni Casper dito.
Kung ganoon ay may hinihintay nga siyang dumating. Pero sino? Sino ang hinihintay niya?
FLASHBACK~
"S-sinong.. hinihintay mo?" wala sa sariling tanong ko. Gusto kong malaman habang wala siya ngayon sa sarili niya. Dahil mamaya lang, aakto na naman siyang walang nangyari.
"S-She.." tugon niya ba kinalunok ko.
She? Babae? Sino siya? Sinong she?!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ngunit patuloy lamang ang paghaplos ko sa likod niya at pagtatanong.
"K-Kanina ka pa ba.. naghihintay?"
"M-mm.." tumango-tango siya at humigpit ang pagkakayakap sa akin.
"I'll keep waiting for her here.. until she came and get me.."
Lumalakas ang pagpintig ng puso ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Sino ba talaga ang hinihintay niya? Hanggang ngayon ba ay naghihintay pa rin siya?
"P-Paano kung hindi ka niya pupuntahan dito--"
"No! N-No.." halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. "You're lying! She... s-she will come for me.. I know she will.. s-she loves me.. not him!"
"S-sinong----"
"M-mayani will come for me.. I know she will.. M-mayani.. loves me more than him.."
NAPAHINTO ako sa paglalakad sa hagdanan nang maalala ang nangyari nakaraang gabi. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi. May tiyansa ba talaga na ako ang hinihintay niya?
P-pero imposible! Hindi ko siya kaano-ano. Hindi ko siya kakilala. Hindi ko nga alam ang existence niya! So paano nangyaring ako ang hinihintay niya? At sino naman ang 'him' na tinutukoy niya?
Shet! Mas dumadami ang mga katanungan ko! Kung nakaraan ay hinahayaan ko lang ang mga pangyayaring 'yon, ngayon ay hindi na. Kailangan kong malaman. Gusto kong malaman ang lahat-lahat kay Casper--maging ang totoo niyang pangalan!
Naglalakad na ako patungong silid ko nang mapatigil ako dahil sa nakitang lalaki sa harapan ng pintuan ko. Bumilis ang pagpintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako ngayong nakikita ko siya.
Muling bumabakas sa alaala ko ang panaginip ko kung saan siya ibang-iba. Ang awra niya ay maitim na hindi ko pa nakikita sa kaniya. Wala 'yung Ethan na kapag ngumiti ay ang charming. Dahil nung nakita ko siya sa panaginip ko ay isa siyang Ethan na walang sinasanto.
Ayaw kong manghusga dahil una, panaginip lang iyon at hindi totoo. Pangalawa ay ayaw ko munang tumalon sa conclusion.. Kahit pa binalaan na ako ni Vienna na huwag dumikit sa kaniya.. Pero bakit? Ano bang alam ni Ven na hindi niya sinasabi sa akin? May tinatago ba siyang sikreto sa akin?
Kung anuman iyon ay kailangan kong malaman! Ayaw ko ng magbulag-bulagan dahil alam kong may kailangan akong masaksihan.
"Mayani!" bungad ni Ethan sa akin at sinadyang harangan ang daan ko.
Nagtaas ako ng tingin sa kaniya saka pilit na nilabanan ang mga titig niyang deretso sa akin.
"May kailangan ka?" kunot kong tanong.
Napalunok ako nang hawakan niya ang kamay ko. Mas lumakas ang kaba ko.
"Kailangan kita." matiim siyang nakatingin sa akin na parang nagsasalita rin ang mga mata niya.Kaagad ako nag-iwas ng tingin.
K-kailangan niya ako? Watdaa! Bakit niya ako kailangan? Anong gagawin niya sa akin?
"B-bakit?" utal kong tanong.
Mas dumiin ang pagkakakapit niya sa akin. "Sumama ka sa'kin. May kailangan kang malaman."
Muling pumasok sa isipin ko ang sinabi sa akin ni Vienna.
'Mayani! Makinig ka sa'kin.. lumayo ka sa lalaking 'yon, nakikiusap ako sa'yo. 'Wag na 'wag kang lalapit sa lalaking 'yon. Kung niyaya ka niyang sumama sa kaniya ay huwag! Please huwag! Nakikiusap ako sa'yo, Mayani.'
Mariin akong napapikit at pasimpleng inaalis ang pagkakakapit ni Ethan sa kamay ko ngunit hindi niya talaga iyon bibitawan.
"P-Pasensya na, Ethan.."
"Bakit ba ayaw mong sumama sa akin?" halatang napipikon na siya kaya't nakakatakot na ang awra niya.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "M-marami pa akong gagawin.. Sa susunod na lang tayo mag-usap--"
"That's bullshit! Ayaw mo lang akong makausap eh!" napapikit ako sa pagsigaw niya sa akin.
Sobrang kaba na ang nadadama ko at alam kong nababakas iyon sa mukha ko. Narinig ko ang pag buntong hininga niya na parang pinapakalma ang sarili. Napadilat ako ngunit hindi tumingin sa kaniya.
"Kung iniisip mo na may gagawin ako sa'yong masama. Pwes, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yong wala." pinisil niya ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. "Gusto lang kitang tulungan."
"T-tulungan saan?" pagtataka ko.
Nagsusumamo ang mukha niya. "Gusto kong ipaalala sa'yo lahat kahit na alam kong magagalit ka sa akin sa oras na malaman mo 'yon. Limang taon kitang hinayaan na mamuhay ng mag-isa, pero hanggang doon na lang 'yon. Dahil nandito na ako, Mayani.." humaplos ang kamay niya sa pisngi ko na ikinalunok ko.
"Magtiwala ka sa akin.. Pinagsisisihan ko na ang nangyari sa atin noon dahil sa pagkadesperado kong makuha ka. Ngayon ay itatama ko na kaya't magtiwala ka sa akin."
'Pinagsisisihan ko na ang nangyari sa atin noon dahil sa pagkadesperado kong makuha ka.'
'Pinagsisisihan ko na ang nangyari sa atin noon dahil sa pagkadesperado kong makuha ka.'
'Pinagsisisihan ko na ang nangyari sa atin noon dahil sa pagkadesperado kong makuha ka.'
Ilang beses akong napakurap dahil sa sirang plakang nagpa ulit-ulit akin na sinabi niya. Sobrang lakas na ng pagpintig ng puso ko. Para iyong inaararo sa sobra ring sakit na naramdaman sa dibdib.
"A-anong s-sinasabi mo.. hindi kita maintindihan?" habol hininga kong tanong.
Napapikit siya at huminga ng malalim. Saka napako ang tingin namin sa isa't-isa nang magmulat ang mga mata niya. Mariim siyang nakatingin sa akin na parang sinusuri ang kailaliman ng mga mata ko.
"Kung gusto mo talagang malaman, sumama ka sa akin." seryoso niyang sabi na ikinalunok ko naman.
Sasama ba ako sa kaniya? Pero binaliaan na ako ni Vienna. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Gustong-gusto kong malaman ang lahat-lahat sa akin gaya ng pagkagusto kong malaman ang lahat-lahat kay Casper. May nakalimutan ba akong pangyayari sa buhay ko na hanggang ngayon ay hindi ko maalala? Pero imposible.. sinabi lahat sa akin ni Vienna at lahat ng iyon ay naalala ko na.
Inagaw ko ang kamay ko kay Ethan na kinabigla niya. Tiningnan ko siya ng deretso.
"Pasensya na.. Hindi talaga kita maintindihan. Maayos naman ang buhay ko eh.. at wala akong nakalimutan. Hindi kita kilala sa nakaraan ko.. kaya anong sinasabi mo, Ethan?" malumanay kong tanong sa kabila ng guling-gulo kong isip.
"Nagkakamali ka, Mayani." matigas niyang sabi. "May malaki akong parte sa nakaraan mo." matiim siyang nakatingin sa akin. "Nagawa mo ng magbulag-bulagan noon.. Tapos hanggang ngayon ay dadalhin mo pa rin 'yon? Magpapaikot ka na naman sa mga laro ni Vienna!" sigaw niya na kinalaki ng mga mata ko sa gulat.
Hindi ako nagulat sa pagsigaw niya. Kundi sa sinabi at binanngit niyang pangalan.
V-Vienna?
"A-anong sinabi mo? Binanggit mo si--"
"Vienna." pagtuloy niya sa sasabihin ko. Deretso siyang nakatingin sa akin na mas lalong kinagulo ng isipan ko. "Huwag ka ng magpauto sa kaniya. Lumayo ka sa kaniya." mapang-utos niyang sabi.
Ngunot na ngunot na ang noo ko. "Ano?.. Bakit naman ako lalayo sa kaibigan ko?! At teka nga! Kilala mo ba siya? P-paano?"
Nung mabanggit ko kay Vienna ang pangalan ni Ethan. Pinalayo niya ako dito sa hindi malamang dahilan. Ni hindi ko nga natanong kung magkakilala ba silang dalawa. Ngayon namang nasa harapan ko si Ethan, ay pinapalayo niya ako kay Vienna sa hindi rin malamanh dahilan.. Pero.. Ang sabi niya ay.. Nagpapauto na naman ako?!
"Si Vienna ang nagplano ng lahat." tugon niya.
"Nagplano ng ano?" gulo kong tanong.
Marahas siyang nagpakawala ng hininga. "Hindi mabuting tao ang inaakala mong kaibigan mo, Mayani. Kasi kung oo, ay hindi niya gagawin sa inyo ang bagay na nagawa na niya."
Ngenaa!
Ano ba kasing gusto niyang sabihin?!
Wala na akong maintindihan!
Napaintag ako sa gulat nang hawakan ako sa braso ni Ethan at tiim bagang na nakatingin sa akin. Napalunok naman ako sa awra niya ngayon. Ganito ang nakikita ko sa kaniya sa panaginip ko. Ang Ethan na parang galit sa mundo.
"Nang dahil sa kaniya kaya ka nalayo sa akin." madiin niyang sabi na kinalaki ng mga mata ko.
"N-nalayo sa'yo?" utal kong tanong.
Deretso siyang nakatingin sa akin ang mga mata niya ay puno ng galit, hinanakit at pagsisisi. Panibahong tanong na naman sa aking isipan ang mga bagay na iyon. Patong-patong na ang mga katanungan ko dahil wala pang ni isa ang nasasagot.
"At kung hindi rin dahil sa lalaking 'yon, hindi hahantong sa ganito!" humigpit ang hawak niya sa braso ko dahilan upang mapadaing ako sa sakit.
"A-ah.. E-ethan, masakit!"
Ngunit parang hindi niya ako narinig at tuloy lamang sa pagsasalita habang madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Dahil sa lalaking 'yon.. Kaya nagkanda-letse-letse ang lahat! Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganito!" nakakatakot ang awra niya at bumabakas na rin ang pagkaputla sa mukha ko.
"B-bitiwan mo ako.."
"Hindi, Mayani! Kahit kailan ay hindi kita bibitawan! Kahit na ang lalaking 'yon ang pinili mo! Kahit na siya ang mahal mo!"
L-lalaking pinili at mahal ko?
Ngena! Si Justine na ex ko ba ang tinutukoy niya?!
Siya lang naman ang alam kong lalaking minahal ko sa tanang buhay ko eh. P-pero wala naman siyang kaagaw sa akin kaya't.. Anong pinili?!
Nakagat ko ang ibabang labi at sinalubong ang mga tingin ni Ethan.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Wala akong pinili kundi si Justine na ex ko--"
"I'm not refering to that guy!" malakas niyang pigil sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Edi kung hindi siya ang tinutukoy mo.. Sino?! Wala naman akong ibang nakarelasyon kundi siya lang--"
"That Semper!" putol niyang sigaw sa akin na kinatigil ko. Maging ang mundo ko ay panandaliang tumigil at wala akong ibang naririnig kundi ang pagtibok ng puso ko. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa akin ang pangalang binanggit niya.
That Semper!
That Semper!
That Semper!
Semper
Semper.
Semper.
Semper.
"Semper?"
Para akong nanigas sa kinatatayuan nang bigla na lang humangin ng malakas dahilan upang liparin ang buhok ko galing sa likuran. Maging ang reaksyon ni Ethan ay nagulat sa lakas ng hangin na iyon. Sobrang lamig ng paligid at nanlalaki ang mga mata ko nang nagpatay-sindi ang ilaw. Dumidilim at lumiliwanag ang buong paligid dito sa ikatatlong palapag.
*BOOOGGSSSHH*
Kumalabog ng malakas ang pintuan ng silid ko at doon nabaling ang tingin namin ni Ethan.
Unti-unting lumabas ang lalaki doon na may madilim ang mukha. Nagawa niyong takutin ang buong sistema ko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso at nagagawa kong habulin ang sariling hininga.
Parang slow motion na naglakad siya patungo sa aming dalawa ni Ethan at kaagad na napako ang tingin ko sa kaniya. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat na naramdaman dahil sa nakitang suga sa kaniyang mukha. Napababa ang tingin ko sa suot niyang purong itim na damit ngunit nababakas ang mga dugo na kulay pula dito at sa mga braso niya nagkalat at mayroon pang tumutulo pababa sa kamay niya.
Halos takasan ako ng lakas sa nakikita. Ang mga tuhod at kamay ko ay nanginginig sa takot. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay nakikita ko ang ibang katauhan sa kaniya. Para bang hindi ito ang Casper na nakilala ko. Para bang hindi ito ang Casper na makulit at bossy na multo. Dahil ngayon ay napagmamasdan ko ang katauhan niya na hindi ko pa nakikita.
"C-Casper.." banggit ko sa pangalan niya.
Ang kaninang madilim niyang mukha ay parang umaliwalas. Nanlalaki ang mga mata ko nang unti-unting maglaho ang mga sugat at mga dugong nagkalat sa kaniyang katawan.
Sa isang iglap ay para bang naging maayos ang lahat. Bigla na lamang umayos ang pagtakbo ng ilaw dahil sa sinserong tingin niya sa akin.
"Don't be scared, Maya.." sinsero niyang sabi at bahagyang ngumiti.
Ngunit bumaba ang tingin niya sa braso ko.. na kasalukuyang hawak ni Ethan. Muling dumilim ang mukha niya at napalunok ako.
Si Ethan ay nakatingin sa akin na para bang wala na siyang ibang nakikita. Hindi nga niya nakikita si Casper ngayon dahil hindi siya natatakot o ano. Deretso itong nakatingin sa akin. Ngunit bumaling muli ako kay Casper na tutok sa kaniya.
Sa takot na baka may gawin siya o ano ay inagaw ko ang mga braso kay Ethan. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang hindi niya ako hayaang makaalis.
"Ethan! B-bitawan mo 'ko." utal ngunit matigas kong sabi.
"Sasama ka sa akin, Mayani. Sa ayaw at sa gusto mo---"
Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw at naghari ang kadiliman sa paligid.
W-wala akong makita...
Bago ko pa mamalayan ay wala na akong kasama. Nawala si Ethan na nakahawak sa braso ko kahit anong gawing kapa ko.
Bago pa ako makapagsalita upang tawagan siya ay nakarinig na ako ng malakas na kalabog na tumama sa sahig.
*BOGSSH*
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang biglang magliwanag ang paligid. Kusa kong nasapo ang bibig gamit ang dalawang kamay sa gulat nang makita si Ethan sa sahig.
Nakahiga ito at nakapikit ang mga mata. Habang si Casper ay nakatayo sa harapan niya at pinakatitigan siya.