Kabanata 16

2715 Words
Maya's Pov Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang biglang magliwanag ang paligid. Kusa kong nasapo ang bibig gamit ang dalawang kamay sa gulat nang makita si Ethan sa sahig. Nakahiga ito at nakapikit ang mga mata. Habang si Casper ay nakatayo sa harapan niya at pinakatitigan siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngunit kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya. "Casper..." ngunit mukhang hindi niya narinig at nakatuon lamang ang tingin niya kay Ethan. Napagtanto kong walang malay si Ethan sa sahig dala nang malakas na paghambalos niya mula rito.Nakapikit ang mga mata niya ngunit nakatitig sa kaniya si Casper na parang inuusisa ang lahat-lahat sa kaniya. "Casper!" muli kong tawag sa kaniya dahilan upang maagaw ang atensyon niya at mapatingin sa gawi ko. Bumalik sa normal ang mukha niya at hindi ang nakakatakot na siya. Ngunit ang suot niya ay iyong itim na ayaw kong makita. Inosente naman siyang tumingin sa akin. "What? I didn't do anything. He suddenly passed out, maybe after he felt my presence?" kaagad niyang sabi. Nangunot ang noo ko at napaayos ng tayo. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko ngunit hindi ko pinakita sa kaniya. Bumaba ang tingin ko kay Ethan. "S-sigurado ka bang wala kang ginawa sa kaniya?" bumaling ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay nakangiwi ang mga labi. "Magsabi ka nga ng totoo! Anong ginawa mo sa kaniya!?" napataas ako ng boses. Nagkibit-balikat siya ngunit nagbaba ng tingin. "I don't know but.. I can feel my madness towards him.." "Ganiyan ba talaga ang galit mo sa kaniya?" Humarap siya sa akin at bahagyang lumapit nang nakatungo. Nagsitaguan ang mga balahibo ko nang hawakan niya ang kamay ko. Ibang-iba ang lamig niya kumpara dati.. Ngayon ay mas lalong nakakaginaw at lumalakas ang presensya niya. "I heard something earlier that makes me feel unease.." nag-angat siya sa akin ng tingin. "I suddenly feel bloody.." Napalunok ako sa sinabi niya. Nangungusap ang mga mata niyang tumitig sa mga mata ko. A-ano naman kaya ang narinig niya? "Maya, can you promise me one thing?" bigla niyang ani. "A-ahm.. ano?" "No matter how I turned out or what I could have done.. Please don't be scared at me.. please don't show me the scary look of yours.. It would leave a scar in my empty chest.." sinsero niyang sabi. Muli naman akong napalunok at nag-iwas ng tingin. "Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa itsura mo kanina.. May mga sugat ang mukha mo at maraming dugo sa katawan mo na parang sinasabing patay ka na talaga--" "Don't leave me." kaagad niyang putol sa sinasabi ko. Muli akong napatingin sa kaniya at kitang-kita ko ang pagiging sinsero at emosyonal na mukha niya. Muli na naman akong napalunok. Hindi ko alam ang itutugon ko. Ngunit napasinghap ako nang biglaan niya na lang akong niyakap. Mahigpit ang yakap niya sa akin na parang ayaw na niyang pakawalan kaya't hindi ko maiwasang mapangiti ng malungkot. "I like you so much, Maya.. You are like my angle.. by just a glance of yours.. I wanted to show you that I am good.. I would never hurt you.. But if you leave me.." humigpit ang yakap niya. "Please don't.. please.." Napapikit ako at yumakap sa kaniya pabalik. Ayaw ko rin namang iwan siya. Hindi ngayon.. Pero pagtapos ng quarantine ay aalis na ako sa lugar na 'to.. iiwan ko talaga siya. Kailangan kong ituloy ang agos ng buhay.. Pasensya na.. "Ano ka ba? Hindi ba may kasunduan tayo na mananatili ako rito hanggat hindi natatapos ang quarantine? K-kaya hindi ako aalis." Napangiwi ang mga labi ko at nag-iba ng tingin. Saka ko lang muling nakita si Ethan sa sahig na wala pa ring malay. Nandito pa pala siya.. Kawawa naman Bahagya akong lumayo sa pagkakadikit kay Casper saka humiwalay sa yakap. Siya naman ay nagbaba ng tingin. "Wag mo munang isipin ang bagay na 'yon.." sabi ko saka tinuro si Ethan. "Paano na siya ngayon? Ano bang ginawa mo kay Ethan?" Nakita ko ang pagsama ng mukha niya kahit nakayuko siya. "I didn't do anything.. but I am really mad at him." nag-angat siya ng tingin sa akin. "He touched you like he own you." Nangulubot ang mukha ko sa sinabi siya. Pero sabagay, hindi ko talaga maintindihan si Ethan.. Pero mukhang nagkakaron na ako ng ideya sa mga sinasabi niya. Ang kailangan ko lang ngayon ay palalimin ang nalalaman ko. Malakas akong nagpakawala ng hininga. "Gusto niyang sumama ako sa kaniya.. dahil may sasabihin daw siya." "What?" nagsalubong ang kilay niya. "Did he knew that you're already taken by someone that cannot be seen? Did he knew that you have a jealousy boyfriend that can hunt him in his sleep--" "Tsh! Tama na 'yan!" pigil ko sa kaniya. "Pinapasakit mo ilong ko eh!" Napanguso siya saka tumingin kay Ethan. "Just let him fell asleep.. He'll wake up later." "A-ano? Hahayaan lang natin siya sa ganyang kalagayan? Ang sama mo!" napamaywang ako. Ang pangit kaya ng posisyon ngayon ni Ethan. Para siyang lasing na nakatulog sa lansangan. Saka may magtataka kung may taong mapadaan. Para tuloy kaming kriminal ni Casper. Siya ang may sala at ako 'yung nagkukunsinti. Aissh! Kawawa naman ang biktima naming si Ethan. "Bubuhatin ko na lang siya papasok sa silid niya." nakasimangot kong ani. "What?! You can't do that! I won't let you!" kaagad na sabi ni Casper. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Kaya mo rin ba siyang buhatin? Tsh! Tumigil ka diyan! Pumasok ka na do'n sa loob!" tinuro ko ang silid namin na ngayon ay nakatiwangwang ang pintuan. "No! I don't want!" Aba! "Papasok ka do'n o dito ka lang sa labas hanggang bukas?" nakapamaywang kong tanong. Naningkit ang mga mata niya at nakipagtitigan sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin at sa huli ay siya rin ang sumuko. Bagsak ang balikat niyang naglakad patungong silid at tumingin pa muna sa gawi namin bago tuluyang pumasok. Napailing-iling ako saka bahagyang nagbaba ng tingin kay Ethan. Hindi ko pa rin makalimutn ang mga linyang sinabi niya. 'Pinagsisisihan ko na ang nangyari sa atin noon dahil sa pagkadesperado kong makuha ka.' Kailangan kong malaman kung kailan ang panahong nangyari iyon. Hindi ko maitatanggi sa sarili ang pagkalimot sa mga bagay-bagay. Hindi ko naman iyon pinagtutuunan ng pansin. Pero ngayon ay pipilitin ko ng alalahanin. Lalo na't... May isang pangalan akong hindi natatandaan. 'That Semper!' 'Dahil sa lalaking 'yon.. Kaya nagkanda-letse-letse ang lahat! Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganito!' "Kasalanan niya ang lahat?" tanong ko habang nakatingin kay Ethan na walang malay. Kung kasalanan niya ang lahat.. Ano naman ang ginawa at kinalaman ng kaibigan ko? Si Vienna.. 'Nang dahil sa kaniya kaya ka nalayo sa akin.' Nang dahil kay Vienna kaya ako nalayo sa kaniya? "Ethan, ano bang mayroon tayo?" MABIGAT si Ethan. Pero laking pasasalamat ko nang may lalaking mapadaan at tinulungan akong maipasok siya sa silid. Sinabi ko na lang na may sakit si Ethan kaya't nahimatay. Natakot pa si manong dahil sinabi niyang baka raw may covid. Tsh! Nang maihiga na siya sa sariling kama ay kaagad akong lumabas ng kwarto niya. Hindi ko ugaling mangialam ng mga gamit doon kaya't hindi na ako nagtagal. Pumasok ako sa sariling silid at naabutan si Casper na nakatalikod at nakaangat ang tingin sa orasan. Hinihintay niya 'ko.. Sinadya kong isarado ang pintuan ng malakas upang maagaw ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigong gawin iyon dahil kaagad siyang napaharap sa akin. Nagsalubong ang mga kilay niya. "What took you so long?" tanong niya pa. Napangisi naman ako. "Nag loving-loving pa kami--" "Maya!" "Bakit?" Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Napaikot naman ako ng mga mata. "Tsk! Seloso masyado! Manood ka na lang ng palabas sa tv para ma relax ka." suhestiyon ko. Napapikit siya at bumuntong hininga. "My favourite channel went shutdown." Napataas ako ng kilay. "Ano?" Nagmulat siya ng mga mata at naglakad patungong tv saka kinuha ang remote at binuksan ang tv. Bumungad ang walang cignal na channel. "See? It's gone." saad niya habang turo-turo ang tv. Nanlalaki ang mga mata ko hindi dahil sa walang palabas sa tv. Kundi dahil hawak-hawak niya ang remote. Nahahawakan niya ang remote!! "Casper! Hawak mo 'yung remote!" malakas kong sabi. "Hmm? What are you talking--the f**k!!" nabitawan niya ang remote sa gulat dahilan upang mahulod ito sa sahig. Halos mapatalon siya sa kinalalagyan. Gulat na gulat siyang tumingin sa akin. "D-Did I just.. Turned on the tv using t-that remote control?" Dahan-dahan akong tumango. Oo, binuksan nga niya ang tv! Napaatras siya sa puwesto at napatingin sa sariling kamay. "f**k. I can't believe it.." Nang makabawi ako sa gulat ay lumapit ako sa kinaroroonan niya. Dinampot ko ang remote sa sahig at inilahad sa kaniya. "Subukan mong hawakan ulit." ani ko. Napalunok naman siya. "Will it work again?" "Hawakan mo muna kasi!" Napatingin siya sa remote na hawak ko at nanginginig ang isang kamay na dahan-dahang lumalapit upang hawakan ang remote. Ngunit ganoon na lang ang panlulumo namin nang tumagos na ang kamay niya. "Hindi na gumana.." napasimangot ako. "Siguro, chamba lang iyong kanina." Napangiwi naman siya. "I should have feel the moment I touched it." Hinagis ko ang remote sa sofa. "Hayaan mo na.. Manood na lang tayo.." Dumeretso ako sa sofa at naupo. Sumunod naman siya at tumabi sa akin. Nilipat ko ang channel. "I miss kathniel.." mahinang sabi niya, sapat para marinig ko. Napabaling ako sa kaniya ng tingin. "Fan ka ba?" Nguso siyang tumingin sa akin. "Yeah, since then.. Also Jadine but they broke up.. I am also a fan of lizquen loveteam." "Pfft! Hahaha! Mahilig ka talaga sa romance, ano?" tatawa kong sabi. "Yes!" proud niyang sabi. "And if we were a loveteam.. I would name ourselves.. hmm? Umm.. Perya loveteam? Casper and Maya? Hehe.. What do you think?" Perya? "Pftt! HAHAHAHAHA!" hindi ko mapigilang mapatawa ng malakas.Grabe! Perya talaga?! HAHAHAHA! "Why are you laughing?" taka niyang tanong. "HAHAHA! Perya talaga?! As in? Alam mo ba ang ibig-sabihin ng perya?" Napataas ang dalawa niyang kilay. "Oh? It does have a meaning? What is it?" "Pfft! Ang perya ay isang game o palaruan na madalas nagaganap tuwing may fiesta." humarap ako ng upo sa kaniya. "Masaya doon pero mauubos ang pera mo dahil ang ibang palaruan sa peryahan ay may daya! Pero enjoy naman kung hindi mo seseryosohin." ngiti kong kwento. "Whoah! It sounds awesome.." namamangha niyang sabi. "Yuppy! Lalo na kung may mga rides do'n.. Pero ang sa amin dati ay delikado.. parang matatanggal na sa pwesto yung sinasakyan namin eh.. Hahaha! Pero masaya talaga!" "I wanted to have fun too! Let's go to perya!" akmang tatayo siya ng pigilan ko. "Walang peryang nagaganap ngayon, ano ka ba? May covid no!" Napasimangot siya at ngusong tumingin sa akin. "Psh!" singhal niya pa. Napatawa ako saka hinawakan ang buhok niya at ginulo-gulo iyon. "Hayaan mo na.. siguro malungkot talaga ang buhay mo dito mag-isa, no?" ngunot kong tanong. Nguso siyang tumango. "Super. I'm lonely.." "Bakit hindi ka lumalabas dito? Pwede naman siguro, 'di ba?" Umiling siya. "I can but I won't." "Bakit ayaw mo?" Imbes na sagutin ay yumakap siya sa akin habang ang ulo niya ay nakasandal sa balikat ko. "I'm waiting for someone." Tama nga.. May hinihintay siya. Yumakap ako sa kaniya pabalik. "Kung sinuman siya.. Sana dumating na siya para makalaya ka na dito." "I wished it was you." naglalambing na aniya. Napangiti naman ako. Sana nga ako na lang. Pero sana hindi. Dahil kung magkataong ako ang hinihintay niya.. Balang araw ay iiwan ko rin siya. Vienna's Pov "Iha? K-kamusta na ang anak ko? May response na ba siya? Anong sabi ng mga doctor?" bungad na tanong tita nang masagot ko ang telepono. Pilit akong ngumiti. "Alam niyo naman po ang sagot diyan.." huminga ako ng malalim. "Wala pa ring pinagbago gaya ng dati.." Napapikit ako upang matigilan ang nagpupumilit na pangingilid ng mga luha ko. Kahit na labis akong nasasaktan, nilalakasan ko pa rin ang loob ko. Hindi ako mawawalan ng pag-asa, hindi ko siya susukuan. Kahit halos limang taon ko na siyang pinagmamasdang natutulog.. Naniniwala akong muli siyang gigising at muli kaming magkakasama. "G-Ganoon ba?" narinig ko ang pagiging emosyonal ng boses ni tita sa kabilang linya. "Salamat nga pala sa pagbabantay mo sa anak ko, iha, habang wala ako diyan sa pilipinas.. Sana hindi ka mag-sawa sa kaniya.." Napailing ako. "Hinding-hindi po iyon mangyayari, tita.. Mahal ko po siya eh.." anas ko sa mababang boses. "Salamat, iha.. Hindi ako makapaniwala na makakahanap ang anak ko ng katulad mo.. limang taon na, pero nasa tabi ka pa rin niya.." Napangiti naman ako. "Walang anuman ho.. Hihintayin ko siya hanggang sa gumising na siya." Naramdaman kong naginhawaan ang pakiramdam niya sa kabilang linya na mas kinangiti ko. "Panigurado akong paggising ng anak ko ay matutuwa iyon sa mga nagawa mo para sa kaniya.. Salamat talaga iha, paniguradong mahal na mahal ka ng anak ko." nagagalak ang boses niya na unting-unti kong kinalungkot. Mahal na mahal niya ako? Sana nga.. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit pa buhay ko ang ipalit para lang sa kaniya ay hindi pa rin magiging sapat para mahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko para sa kaniya. Kahit pa dayain ko ang sarili ay wala rin akong mapapala. Para lang akong umaasa sa wala.. Pero kahit na ganoon, hindi ako susuko hanggang sa pagmulat ng mga mata niya.. Ako na lang ang makikita niya. Natapos ang usapan namin ni tita at pumasok ang private nurse upang tingnan kung mayroon siyang response. Ngunit tulad ng dati.. Wala pa rin. Alam kong malabong-malabo na talaga siyang gumising pa. Pero hanggat tumitibok ang puso niya, kakayanin kong ilaban siya. Huminga ako ng malalim at naupo sa gilid ng kama na hinihigaan niya. Inayos ko ang hibla ng buhok niyang humaharang sa kaniyang mukha. Ang haba na ng buhok niya. Pero halos walang pinagbago ang mukha niya. Simula nang 18 years old kami, hanggang ngayon ay ganoon na ganoon pa rin siya. Ang hugis ng mukha niya, ang makinis at maputi niyang balat.. Walang pinagbago.. Maliban na lang sa maputla niyang labi na dati'y mapupula. Sana.. sana bumalik na ang dating siya. "Semper.." sambit ko sa pangalan niya habang hawak-hawak ang isang pisngi niya. Hindi ko na naman mapigilan ang mga luhang nagbabadyang bumuhos. "Pleasee gumising ka na.. pleasee.. Mahal na mahal kita Semper.. N-na kahit na sinong nagmamahal sa'yo ay hindi mapapantayan iyon.." Nararamdaman ko ang pananakit ng dibdib ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman. "Gumising ka na please..." "M-mahal na mahal kita.. S-sobrang sisi ko dahil kasalanan ko ang nangyari sa'yo.. S-sana hindi kita pinapunta do'n.." Pilit ko mang punasan ang mga luha ko ay sadyang ayaw nitong magpa-awat. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. "Sana mapatawad mo 'ko.. P-pero nagawa ko iyon dahil sa pagmamahal ko sa'yo.." Parang pinipiga ang puso ko sa sakit habang inaalala ang pangyayari.. "P-pero.. hindi naman mangyayari iyon.. K-kung hindi ka naghintay.." napatawa ako ng mapakla. "Dahil ba ang alam mo ay si Mayani ang kikitain mo?.. K-kaya naghintay ka kahit disoras na ng gabi..." "Haha.. G-ganyan mo ba talaga kamahal ang kaibigan ko? A-alam mo namang h-hindi siya darating.. Pero naghintay ka pa rin!" "I-Ilang beses ka na rin niyang pinagtulakan.. Mas pinili niyang sumama sa iba.. T-Tapos hihintayin mo pa rin siya? Bakit ganyan ka?" Muli akong nagpunas ng mga luha habang dinadama ang sakit at pait sa aking puso. Tumayo ako at lumapit sa nag-iisang frame ng larawan na nakalagay sa itaas ng maliit na lamesa. Ang saya pa namin sa larawan na 'to.. Pero ngayon? Hindi ko aakalaing hahantong kami sa ganito.. Si Semper na naka-akbay kay Mayani. Samantalang ako ay nasa isang tabi ni Semper at pilit na dumidikit sa kaniya. Nasa isang tabi naman ni Mayani si Ethan na malaki ang ngiti dahil katabi siya. Ang babata ng mga itsura namin dito sa bahay ampunan. Masarap alalahanin ang aming nagdaang alaala. Pero masakit naman kung babalikan pa. Bumalik ako kay Semper at tumabi ng higa sa kaniya. "Mahal kita, Semper.." At kung kinakailangan kong itago ang lahat-lahat kay Mayani ay gagawin ko. Dahil hindi naman niya matutumbasan ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD