Maya's Pov
Ilang beses na kumatok sa silid ko si Ethan. Siguro'y namumula na ang kamay niya sa kaka-katok. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko ito pinagbuksan, kahit pa na patuloy niyang sinisigaw ang pangalan ko mula sa labas. Gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari kahapon at gustong-gusto ko ring pagbuksan siya ng pintuan ngayon, ngunit nananaliksi agad ang tingin ni Casper.
Tinitingnan niya ang pintuan na parang nakikita doon si Ethan at parang sinasabing, 'Pag bumukas 'to, bubungad sa'yo ang kamao ko'.
Kaya hindi ko na lang binuksan ang pintuan at kunwari'y naglilinis ng buong sala. Siya naman ay hindi maalis ang tingin sa pintuan.
"Sana ako na lang ang pintuan." maya-maya'y sabi ko.
Naagaw ko ang atensyon niya at napatingin siya sa akin na may nagtatanong na mga mata.
"Bakit?"
"Para ako na lang ang lagi mong titigan.. HAHAHAHA!" halakhak ko ko na kinangiwi niya.
"Psh!" tanging singhal niya at muling tumuon sa pintuan. Napasimangot naman ako.
Ano ba 'yan? Nagseselos na ako sa pintuan ah! Hindi niya ako pinapansin dahil sa bagay na 'yon! Bwisit.
Napamaywang akong humarang sa pintuan kaya't nasa akin ang tingin niya na may pagtataka.
"Kanina ka pa nakatingin dito, ah? Hindi naman makakapasok si Ethan dito--"
"Don't mention his name." seryoso niyang sabi.
Taennaa!
Feeling ko ang ganda-ganda ko dahil napakaaaaa-seloso niyaaaa! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Hindi naman 'siya' makakapasok dito dahil naka-lock ang pintuan." ani ko.
"Whatever. I still hate the idea of him knocking on 'our' door." madiin niyang sabi.
Take note the 'our'.
Kami daw mga teh!
Maiinggit kayo pleaseee.
Pigil kilig akong umayos ng tayo at tinaasan siya ng isang kilay. "Gusto mo bang labasin ko siya at sabihing huwag ng kumatok sa pintuan?"
"What?" nangulubot ang noo niya. "Edi makikita ka na niya! No way. Ignore him and stay here." mapang-utos niyang sabi.
Tsh! Bossy masyado.
Napailing-iling ako at nagtungong kusina. Kanina pa naman tumigil sa pagkatok si Ethan. Alam kong gustong-gusto na niya akong makausap at ganoon din naman ako. Paano ba naman kasi? Curious na ako sa lahat-lahat ng pangyayari.
Oo, inaamin ko na, mayroon ngang nawawala sa alaala ko. Noong nasa bahay ampunan ako ay iilang senaryo lang ang nasa alaala ko. Kagaya ni Vienna na siyang nasa alaala ko dahil pinaalala niya iyong mga ginawa namin. Ang mga madre sa bahay ampunan ay nasa alaala ko pa dahil sa larawan na binigay niya. Baon-baon ko pa iyon hanggang ngayon.
Ooooo waittt!
Ang larawan!
Mabilis akong lumabas sa kusina, dinaanan ko lang si Casper at nagtungong kwarto. Binuksan ko ang cabinet doon saka hinalukay ang mga gamit na nandoon. Napangiti ako ng makita ang diary ko. Doon na kaipit ang larawang hinahanap ko.
Sanay na akong nagdi-diary noon pa man, simula ng makalimutan ko ang mga bagay-bagay.
"Sunshine orphanage." pagbasa ko sa nakasulat sa likod ng larawan.
Napangiti ako saka naupo sa kama. Halatang luma na ang kuha ng larawan dahil sa camera na ginamit dito. 2006
Kung ang taon dito ay 2006, malamang ay nasa edad na 7 pa lang ako nito, dahil ipinanganak ako noong June 29, 1999.
"Sister Mae..." turo ko sa isang madre sa larawan. "Sister Patrice.. at si Sister.. Tanya.."
Naningkit ang mga mata ko habang inaalala ang bawat pangalan ng mga pamilyar ang mukha. Nasa larawan ako katabi si Vienna noong mga bata pa lang kami. Inampon siya kaya't ngayon ay may maganda siyang pamilya. Sinabi na may nagtangka ring umampon sa akin noon ngunit hindi ako pumayag na makaalis sa bahay ampunan.
Mas naningkit ang mga mata ko nang may makitang batang lalaki sa likuran ko... nakapatong ang isa nitong kamay sa balikat ko?
Hindi mahahalata ngunit kapag tinitigang maigi ay mapapansin. Sino ang batang lalaking ito?
"Maya?"
Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Casper. Nakatayo ito sa bandang pintuan ng kwarto at nakanguso.
"Ahm, may kailangan ka?" ngunot kong tanong. .
"Mm.." Tumango-tango siya.
"Ano?"
"Ikaw."
Ay. Napangiwi ako. "Ang tanong ko ay 'ano' hindi 'sino'. Bagay at hindi tao."
Nagkibit-balikat siya. "Para sa'kin bagay ka."
"Ha? Ba't naman ako naging bagay?"
"Hindi lang ikaw, tayong dalawa.. Bagay... Bagay sa isa't-isa---"
"'Yan, diyan ka magaling. Dun ka na nga! May ginagawa pa 'ko." pagtaboy ko sa kaniya.
Puro banat eh, busy pa naman ako. Hahalukayin ko pa ang nakaraan ko.
Mas napahaba ang pagnguso niya. Pero imbes na umalis ay lumapit pa siya sa akin saka naupo sa tabi ko. Napaikot ako ng mga mata nang pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko at nahilig ang ulo sa gilid ng balikat ko.
"Naglalambing ka?" kunot kong tanong.
"Isn't it obvious?"
"Tsh! Wala ako sa mood para lambingin ka." bahagya akong lumayo. "Kay Ethan ka muna magpalambing. Kung gusto mo ay maglampungan pa kayo--"
"Eww! That's gross!" bakas ang pandidiri sa boses niya at humigpit ang yakap sa akin.
Napangisi ako. Na-iimagine kong magkapayakap sila at naghahalikan. HAHAHAHA! ang dumi ng isip ko.
"I like you, Maya.." mahinang sambit niya.
"Awiit!"
"What?"
Napatawa ako. "Wala, sabi ko, gusto kita."
Napasinghap ako nang maramdaman ang malamig niyang labi sa pisngi ko. Napalunok ako nang tumagal ang paghalik niyang iyon saka nag-init ang pisngi ko.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa pagkatapos niyon. Ngunit kaagad ko iyong binasag at tumingin sa kaniya na may nanunuksong mata.
"Gustong-gusto mo talaga ako, ano? Tskk!" napangisi ako.
Humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa baywang ko.
"You don't know what you mean to me.." muli siyang humalik sa pisngi ko dahilan upang mapangiti ako.
"I wish I am human too.." bulong niya.
Napabuntong hininga naman ako saka niyakap siya pabalik. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"May mga bagay talaga na kahit anong gusto nating mahangad.. hindi 'yon para sa'tin." malungkot kong aniya.
"Para mo na ring sinabi na hindi ka para sa'kin."
"Aahm.."
"Ikaw lang naman ang hinahangad ko.. kaya ako humihiling na maging taong muli ay para sa'yo." nanlulumong aniya. "Siguro kung balang araw ay aalis ka.. kung balang araw maiiwan ulit akong mag-isa.. hihintayin pa rin kita.. hihintayin ko na bumukas muli ang pintuan at maririnig ko ang sigaw mo na sobrang lakas."
Malungkot akong napangiti habang siya ay nagsasalita. Pinapakinggan ko lamang ang mga sinasabi niya.
"Kung balang araw ay wala na akong mapagmamasdan na Maya habang natutulog.. kung wala ng ikaw na tutugtugan ako ng musika.. kung balang araw.. wala na akong masisilip sa banyo.. kung balang araw ay mag-isa na talaga ako.. kung balang araw.. iniwan mo na ako.... hihilingin ko na lang na mawalan na sa mundo." nababasag ang boses niya. "K-kasi.. Ano pa bang saysay ko? K-kung wala namang anghel sa tabi ko.."
Wala akong nasabi ngunit nararamdaman ko ang luhang nangingilid sa mga mata ko. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang iyon. Para na namang pinipiga ang puso ko.
"S-siguro.." pigil na luhang sambit ko. "May ibang plano ang tadhana para sa ating dalawa.."
Siguro ay hindi kami ang nilaan para sa isa't-isa. Siguro isang pagkakamali lang na nagkasama kami sa loob ng quarantine na ngayon ay malapit ng matapos..
"Mamimiss kita, Maya.." humigpit ang yakap niya sa akin.
Napapikit ako at hinigpitan rin ang pagkakayakap sa kaniya. Ang yakap na nagsasabing ayaw naming bumitiw sa isa't-isa. Ayaw naming mawalay sa isa't-isa.. Ngunit wala kaming lakas para panghawakan pa ang mayroon sa aming dalawa.
Mamimiss din kita, Casper..
Dahil balang araw ay wala ng Casper na pagmamasdan ako sa pagtulog. Wala ng siya na yayayain akong manood ng palabas. Wala ng siya na magseselos sa tuwing may kasama akong iba. Wala ng siya na yayakapin ako, maglalambing at magdadrama. Wala ng siya na lagi akong napapatawa.. Wala ng siya na nagpapahalaga sa existence ko bilang tao. Wala ng siya na gusto kong makasama kahit isang multo.
"Casper.. Kahit na isa kang multo.. May mas puso ka pa kaysa sa ibang tao." ngiti kong sambit.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at hindi man lang humihiwalay sa yakap naming dalawa.
"Siguro ay sa kapapanood mo 'yan ng mga romance drama, ano?"
"Hm.. maybe? But I believe I was born with this.. malas lang dahil hindi na ako buhay.." napabuntong hininga siya. "Gusto ko na tuloy malaman kung paano ako humantong sa ganito.."
Napangiti ako. "Sinasabi mo ba na, gusto mo ng malaman kung sino ka talaga at kung paano ka namatay? Kung paano ka naging multo at kung bakit ka nandito?" sunod-sunod kong tanong.
Bahagya siyang lumayo sa pagkakadikit sa akin ngunit nanatili ang yakap niya saka deretsong tumingin sa akin.
"I wanted to know, Maya.. but I don't how." nagbaba siya ng tingin.
Lumaki ang ngiti ko. "Tulungan kita!"
Nangunot naman ang noo niya. "How? Sa paanong paraan? Alam kong mahihirapan ka at--"
"May lead na ako, Casper!" masayang sabi ko at naeexcite!
"What? You have what?" mas lalo siyang nagtaka.
"Si Manang Eldren! Siya ang makakatulong sa atin!" ngiting-ngiti kong sabi na kinalaki ng mga mata niya
"Really?"
"Yuppy!"
Finally! Ginusto na rin niyang malaman kung sino siya. Iyon lang naman ang kinakailangan ko at tutulungan ko talaga siya dahil desperado na rin akong malaman ang lahat-lahat sa kaniya. Isasantabi ko muna ang akin. Si Ethan lang naman ang kailangan kong kausapin at ayos na ako.
Ethan's Pov
Kahit anong subok ko na makausap si Mayani ay sadyang pinagkakait niya iyon sa akin. Ang gusto ko lang naman ay ang makausap siya tungkol sa nangyari sa amin, limang taon na ang nakakaraan. Walang taon na lumipas na hindi siya nawala sa paningin ko. Ang paglipat sa apartment na ito ay dahil sa pagsunod ko sa kaniya. Kung saan siya magpunta ay lagi akong nakasunod at ilang beses na nagpapakilala sa kaniya. Ngunit hindi niya ako matandaan sa kahit anong paraan.
Sapat na ang limang taon na pagsunod ko sa kaniya bilang estranghero. Hindi ko na hahayaang madagdagan pa ng isa pang taon na hindi niya ako naaalala.
Simula nang lumabas siya sa hospital kasama si Vienna, limang taon na nakaraan, ay ibang-iba na siya. Naging inosente mag-isip at hindi ang Mayani na kilala kong matured at dependent. Sa nagdaang taon ay dumedepende siya kay Vienna. Ang kinaiinis ko ay inuuto siya ng babaeng iyon. Nagpapanggap at punong puno ng sikreto at kasinungalingan.
Alam kong malaking pagkakamali ang nagawa ko noon at ikagagalit ni Mayani sa oras na maalala niya ang kagaguhan ko. Kahit hindi niya ako mapatawad ay ayos lang. Ang gusto ko lang naman ay bumalik sa normal ang buhay niya.
Hindi niya piniling umalis sa bahay ampunan, kaya't sana ay makabalik siya doon. Kasalanan ko kung bakit siya umalis. Pinilit ko siya at tinakot para puntahan ako at sa akin sumama. Kahit pa ang alam ko noon na iba ang lalaking mahal niya.
Pilit ko siyang inagaw mula sa lalaking iyon, ngunit sadyang ayaw nitong bumitaw. Dahil sa pagkadesperado ko kaya humantong sa ganito.
FLASHBACK
5 years ago
"P-pleasee.. sumagot ka sa tawag koo! Pleasee! Pleasee..sumagot ka.." nahuli ko siyang may tinatawagan sa telepono.
Agad na umusbong sa akin ang galit. "At saan ka pupunta?"
"T-tan..." sambit niya at nangungusap ang mga matang tuminhin sa akin.
"Please paalisin mo na 'ko.. Kailangan ko siyang puntahan! B-baka mapahamak siya do'n.. please.."
Kasama niya ako ngayon ngunit hinahanap niya ang lalaking iyon. Para saan pa na pinuntahan niya ako? Kung babalik naman siya do'n.
"Hindi ka aalis dito. Naiintindihan mo?" madiing anas ko. Umiling-iling siya.
"Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to! Wala kang karapatan kaya paalisin mo na 'ko!" tumaas ang boses niya.
Ngunit binalot na ng galit at selos ang katauhan ko. Kami naman talaga dapat sa simula pa lang. Kung hindi lang bumalik ang lalaking iyon sa bahay ampunan, sana ay sa akin na siya ngayon at ako ang hinahanap niya.
"Paalisin ka?" ngumisi ako. "Para ano? Makasama mo na naman ang lalaking 'yon? Hindi ako papayag,Mayani. Dito ka lang kasama ko."
"Tan! S-sasama naman ako sayo eh.." nag-umpisang mangilid ang luha niya. "Katulad ng gusto mo mangyari.. P-pero hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa kaniya.. M-mahal ko siya eh.." naikuyom ko ang kamao ko.
"Tumigil ka, Mayani! Hindi mo siya mahal, naiintindihan mo?! Dito ka lang sa akin! Tayong dalawa ang magsasama!" puno ng hinanakit kong sigaw. Ngunit hindi siya nakikinig.
Nagawa niya pang lumuhod sa harapan ko na na lalong nagpadagdag sa selos ko. Nagagawa niya iyan dahil sa lalaking 'yon. Ganoon ba talaga niya kagusto na makita siya? Wala ba talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko? Nasasaktan din ako dahil sa pagbabalewala niya sa akin at lagi ko iyong tinitiis. Pero ngayon, hindi ko na kaya.
"Please.. Ethan.." nakikiusap siya. "Mapapahamak siya do'n.. Hindi ko kakayanin.. K-kahit ngayon lang.. Pupuntahan ko lang siya. Please naman oh! D-delikado ang lugar do'n.. Baka naghihintay siya saki--"
"Kahit mamatay pa siya do'n. Wala akong pakialam. Hindi na kayo magkikitang muli at hindi ka makakaalis sa akin." makasariling anas ko.
Madilim na ang paningin ko at wala ako sa sarili dahil sa galit na bumabalot sa akin. Ang tanging nasa isip ko ay ang mawala ng tuluyan ang lalaking iyon sa landas ko, sa landas naming dalawa ni Mayani.
"A-ang sama mo, Ethan! Wala kang kwenta! Napaka-sama mo! P-pupuntahan ko lang naman siya.." nagsimulang bumuhos ang luha niya. "P-please.. P-please.. Gusto ko siya makita.. g-gusto ko siya mahawakan.. g-gusto ko siya makasama.. kahit sandali lang.. please.."
"Hindi ka aalis dito."
"A-ang sama mo. Ang sama-sama mo! Magkaibigan tayo pero bakit mo sa'kin nagagawa 'to!?" malakas niyabg sigaw.
Napangisi naman ako. "Kung sa tingin mong masama ako.. Paano na lang kaya ang kaibigan mo?"
Hindi ko naman magagawa ito, at hindi kami hahantong sa ganito kung hindi pinlanong lahat ni Vienna. Kagaya ko, naghahangad din siya ng atensyon sa taong ninanais niya. Naghahangad din siya ng pagmamahal sa taong hindi iyon mabibigay sa kaniya. Ang pinagkaiba lang namin ay lahat kaya niyang gawin para sa isang tao, pero ako ay may limitasyon.
Ilang araw lang ang hinihingi ko kay Mayani. Ang gusto ko lang ay magkasama kami ng iilan pang araw kaya't pinilit ko siyang puntahan ako ngayon. Dahil pagkatapos nito ay aalis na ako. Ang hindi ko lang matanggap ay magkasama na nga kami ngayon, ang lalaking iyon naman ang hinahanap niya.
"Anong sabi mo, Ethan?" taka niyang sabi. "K-kaibigan ko? A-anong i-ibig mong sabihin?"
"Bakit hindi mo alamin sa sarili mo kung ano ang tunay na nangyayari sa paligid mo?"
Lalo siyang nagtaka. Nagpakawala ako ng marahas na hininga saka lumuhod upang magkapantay kaming dalawa.
"Mayani, mahirap ang maging bulag sa katotohanan. Gumising ka naman." malumanay kong sambit.
"A-ano bang sinasabi mo?" nagsalubong ang kilay niya at pinunasan ang mga luha niya. "May kinalaman ba dito si Vienna? Anong ginawa niya? Anong pinag-usapan niyong dalawa?"
Mabilis ang pakiramdam ni Mayani. Mas nagsalubong ang kilay niya at nakikita ko ang galit sa mga mata niya.
"Kasama niya ba si Semper? Pinag-usapan niyo ba lahat ng 'to!?" naikuyom niya ang kamao saka tumayo. "Tangena niyo pala eh! Ano?! Ginagago niyo kaming dalawa?!"
Nararamdaman ko na ang galit niya at automatiko akong napatayo upang pakalmahin siya.
"Bwisit! Bwisit kayo! Kaya ba ayaw mo akong paalisin? Dahil si Vienna ay nandoon para puntahan ang boyfriend ko?! T-teka nga.. Si Vienna ba ang nagpapunta kay Semper sa delikadong lugar na iyon?"
Tinext ni Vienna si Semper na pumunta sa lumang bahay gamit ang pangalan ni Mayani. Malamang ay nandodoon si Semper ngayon at naghihintay. Dahil kilala ko siya, hanggat hindi nakikita si Mayani ay hindi ito aalis. Isang bagay na lagi kong kinaiinis.
"Putcha naman oh!" muling pagmumura niya. "Kapag may nangyaring masama kay Semper, hindi ko kayo mapapatawad. Sinasabi ko sa'yo, Ethan. Mahal ko ang lalaking 'yon, at kahit kailan, hindi ko siya ipagpapalit sa kagaya mo!"
Madiin ang pagkakasabi niya at naramdaman ko ang pagsakit sa bandang dibdib ko.
"Ilang beses mo ba kailangang ipamukha iyon sa akin, Mayani?"
"Hanggang sa magsawa ka na at hayaan na akong makasama siya."
Mapait akong napangiti. Ilang segundo akong nakipagtitigan sa kaniya. Matatalim ang bawat tingin na binabato niya sa akin at nilalabanan ko iyon.
"Hindi ka aalis dito, Mayani." tanging usal ko.
Napangisi naman siya. "Bukod sa ayaw kitang makasama, ayaw ko rin na may ibang kasama ang boyfriend ko. Kayong dalawa ni Vienna ang dapat na magsama."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinuha niya ang kaniyang bag na nakalagay sa lamesa at naglakad upang lagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin.
"Saan ka pupunta?" pagtatanong ko nang makitang nagsusuot siya ng sapatos.
"Saan pa ba?" nag-angat siya sa akin ng tingin. "Sa tingin mo ba ay hahayaan ko lang na gawin niyo ito sa amin? 'wag niyo kami gawing tanga! Hindi niyo hawak ang buhay namin at mas lalong wala kayong karapatan na paglaruan kami!"
"Tumigil ka, Mayani. Hindi naman nangyayari ito kung hindi naging kayo."
"Tangena mo. Hindi mangyayari 'to kung hindi kayo eepal sa relasyon namin ni Semper."
"Hindi ka aalis dito." madiin kong sabi. Ngumisi siya at umayos ng tayo.
"Kahit magpakamatay ka pa sa harapan ko, 'di ako mananatili sa'yo."
"Mayani!"
"Gagawin ko kung anong gusto ko. Hindi na ako magsusunod-sunuran sa laro niyo ni Vienna. Palibhasa ay kayo ang mas nakakatanda, kokontrolin niyo na 'ko. Hindi na ako papayag. May sarili akong buhay kaya hayaan niyo na 'ko."
"Hindi kita hahayaan na sumama sa lalaking 'yon. Dito ka lang sa ayaw at sa gusto mo! Sandaling panahon lang naman ang hinihingi ko.."
Blangkong emosyon niya akong tiningnan. "At ilang beses ko bang sasabihin... na wala akong pakialam sa'yo."
"Kung wala ay bakit mo ako pinuntahan dito? Ano 'yon? Trip mo lang, ha?"
"Kaya nga aalis na ako 'di ba?" giit niya at walang anu-ano'y nagtungo sa pintuan ng silid.
Mabilis akong nakasunod upang pigilan siya. Akmang tatanggalin niya ang mga lock sa pintuan nang hawakan ko ang braso niya.
"Hindi ka aalis." madiin kong sambit.
"Bitawan mo ako, Ethan! Ano ba!? Bitaw sabi!" nagpumiglas siya at wari'y nasasaktan sa pagkakahawak ko sa braso niya.
Ngunit hindi ako nagpatinag. "Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka titigil sa kung anong gagawin mo!"
"Pupuntahan ko si Semper! Kapag napahamak siya sa kalokohan niyo--"
"Sana nga mamatay na siya!"
"Bawiin mo 'yan! Napakasama ng ugali mo! Bitawan mo 'ko!"
"Hindi! Dito ka lang!"
"Ethan--"
Mabilis ang pangyayari at hindi ko nakontrol ang sarili ko. Sa lakas nang pagkakatulak ko sa kaniya papalayo sa pintuan ay 'di sinasadyang tumama ang ulo niya sa kanto ng pader.
Natigilan ako sa nagawa ko sa kaniya. Sunod-sunod akong napalunok at ilang beses na napakurap nang makita ko ang dugong lumalabas sa ulo niyang tumama sa pader. Maski siya ay nagulat nang maramdaman ang sarili. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang luhang bumagsak sa kaniyang mga mata. Saka siya pumikit at tuluyang bumagsak ang sarili sa sahig.
"M-mayani.." utal kong sambit sa pangalan niya. Mabilis na nanlabo ang pangingin ko at nararamdaman ko ang mga mainit na likidong tumutulo mula sa mga mata ko.
"M-mayani.." napaluhod ko sa harapan niya na ngayon ay walang malay. Hinapit ko siya papalapit sa akin. "M-mayani.. g-gumising ka.. Maya.. I'm s-sorry.. sorry.."
HABANG karga-karga ko siya ay sumakay ako ng taxi upang dalhin siya sa hospital. Nang makarating ay sumalubong sa akin ang mga doctor at nurse na nandoon.
"P-please iligtas niyo siya.." naluluha kong sambit.
"Anong nangyari sa pasyente?" tanong ng isang doctor.
"N-nabagok ang ulo niya.. K-kasalanan ko.. Please iligtas niyo siya.."
Inihiga siya sa wheeled stretcher na nandoon saka bumaling ang doctor sa isang nurse.
"May damage ang ulo ng pasenyete. Dalhin agad siya sa ER." utos nito at mabilis na nagtakbuhan ang mga nurse habang tulak-tulak ang kinalalagyanan ni Mayani.
Sunod-sunod ako sa kanila at hindi nawawala ang paningin kay Mayani na walang malay at panay ang pag-agos ng dugo nito sa ulo. Nananakot ang dibdib ko sa nakikiya hanggang sa huminto ang mga nurse.
"Dito lang po kayo, sir. Kami na ang bahala sa kaniya." anas ng isa at napatango na lang ako.
Tuluyang nawala si Mayani sa paningin ko at para akong tinakasan ng lakas habang napaupo sa tabing upuan. Mariin akong napapikit at kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nagawa sa kaniya.. Hindi ko kakayaning mawala siya ng tuluyan sa'kin..
"E-ethan?"
Natigilan ako sa boses na iyon at automatiko akong napatayo. Nasa harapan ko si Vienna at namumula ang mga mata niya. Ngunit puno siya ng pagtataka habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.
"A-anong ginagawa mo dito, Ethan? N-nasaan si Mayani? Anong ginawa mo sa kaniya? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" sunod-sunod niyang tanong.
Napailing-iling ako. "H-hindi ako sinasadya ang nagawa ko, Vienna.. hindi ko sinasadyang--"
Napahinto ako sa pagsasalita nang mapunta ang mga mata ko sa katawan niya na punong-puno ng dugo. Pati ang kamay niya ay mayroon nito. Nasisiguro kong hindi iyon nagmumula sa kaniya dahil parang nabakas lang ang mga dugo na 'yon.
H-hindi kaya...
"Nasaan si Semper?" pagtatanong ko.
Nanigas siya sa kinatatayuan. Muling nangilid ang mga luha niya at bumagsak ito. Ilang beses siya napailing at walang nasabi kundi ang pangalan nito.
End of Flashback
HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin nakikita at nakakausap si Semper. Pero alam ko kung nasaan siya at ang hospital na kinalalagyan ngayon nila ni Vienna.
Kung papayag lang si Mayani na makausap ako. Sasabihin ko ang lahat-lahat sa kaniya. At kung papayag siya na sumama sa akin, dadalhin ko siya kung nasaan si Semper at Vienna.