Maya's Pov
Gaya kahapon, hindi tumigil si Ethan sa pangungulit sa labas ng silid ko. Paulit-ulit siya sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko magawang pagbuksan ng pinto dahil kay Casper. Alam kong nanggagalaiti siya sa galit dahil sa kulit ni Ethan. Gusto ko pa naman sana ring makausap si Ethan dahil curious na curious na ako. Siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko na patuloy na gumugulo sa isipan ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis sa kwarto nang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kung sino ang tumatawag ay kaagad ko iyong sinagot.
"Hello, Vienna?"
"Maya.. kamusta ka na?" tugon niya sa kabilang linya.
Napanguso ako. "Hindi ayos.. wala na kong makakain sa susunod pang mga araw. Naubos na mga stuck ko rito eh."
"Gano'n ba? Um.. magpapadala ako ng pera para may panggastos ka pa. Sabihin mo lang kung anong kailangan mo diyan--"
"Naku, Ven! Hindi na.. ayos lang.. 'wag na, 'di na kailangan." nahihiya kong tanggi at napapailing.
"Ano ka ba naman? Sige na, sabihin mo lang sa'kin kung ano pang kailangan mo.. ako ng bahala. 'Di mo kailangang mahiya sa'kin, magkaibigan tayo, no? Tsk!"
Napangiti ako. "Salamat, Ven.. pero ayos lang talaga, 'wag ka ng mag-abala. Hehe.."
"Tsk! Magpapadala ako sa'yo at kunin mo na lang. Hindi mo 'yon pwedeng tanggihan." napabuntong hininga siya at napangiwi ako. "Tumawag lang ako para kamustahin ka."
"Tsh!" singhal ko at pabagsak na naupo sa kama.
"Nga pala..."
"Bakit?"
"Y-yung tungkol kay... Ethan.."
Nangulubot ang noo ko sa pagbanggit niya sa lalaking singkit. Muling bumalik sa alaala ko ang pagbanggit din ni Ethan sa pangalan ni Vienna noong nakaraang araw.
"Bakit? Anong meron kay Ethan?" inosente kong tanong.
"Um.. nangungulit ba siya sa'yo?"
Naningkit ang mga mata ko. "Oo.. Lagi niya akong kinukulit."
"A-anong sinasabi niya? May nasabi ba siya---"
"Oo. Tungkol sa'yo." putol kong sabi. Kailangan kong hulihin sa salita si Vienna. Dahil kapag nagtanong ako ay siguradong hindi niya ako sasagutin.
"Tungkol.. sa'kin? Maya, kung anuman ang sabihin niya ay huwag kang maniwala. Puro kasinungalingan ang lalaking 'yon! Masamang tao si Ethan, hindi ka dapat dumidikit sa kaniya!"
Napangiwi ako. "So.. magkakilala nga kayong dalawa? Kailan pa?"
Nawalan siya ng imik sa kabilang linya na kinangisi ko ng peke. May tinatago nga siya sa akin dahil ayaw niyang sabihin ang totoo. Si Ethan nga lang ang makakasagot sa mga tanong ko.
"Bye Vienna.. sa susunod na lang tayo mag-usap kapag naisipan mo ulit tumawag." binaba ko ang cellphone at malakas na nabuntong-hininga.
Tama nga si Ethan, may kailangan akong malaman at balikan.
At iyong pangalang binanggit niya..
'Semper..'
Sino ka.. sino ka ba sa buhay ko?
Napatingala ako sa kisame at mariing naipikit ang mga mata. Kung kumpleto lang sana ang laman ng utak ko ay hindi sana ganito. Nakakaistress sa bangs.
"Maya?"
Lihim akong napangiti. Mabuti na lang at may stress reliever ako. Nabaling ang tingin ko sa gawi niya sa pintuan saka malaking ngumiti. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at agad niyang ginawa. Naupo rin siya sa tabi ko.
"Your bangs are getting longer." aniya.
Bangs ko talaga ang napansin niya. Tsh. Kaya pala naiistress na 'yung bangs ko kasi humahaba na..
"Gugupitin ko ulit 'to." tugon ko habang sinusuklay ang ko ito gamit ang daliri.
"Nah. I wanna see you without bangs someday. I'm sure you'd looked hot and sexy." ngumisi siya. "I always fantasize your face and body figure."
Nanlaki ang mga mata ko at automatikong nahampas siya sa braso.
"Ang bastos mo! Manyak ka talaga eh! Manyak! Bastos kaaaa! Lumayo ka nga sa'kin! Baka masampal kitang multo ka! Manyaaak!"
"Hahahahahahaha!! It's true! You even got a soft breast--"
"Caspeeer!!"
Napahalakhak siya samantalang nahihiya ako sa pinagsasabi niya. Napakabastos!
"Pfft! I'm just teasing you, woman." sabi niya ng makabawi at ginulo-gulo ang buhok ko. "I like you so much, woman.."
Napanguso ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin.
I like you so much 'woman' ka diyan.. Tsh!
Pinapatigas mo pwet ko eeeeeh!
HAHAHAHAHAHA!
"Tumigil ka nga! Tsh." sus, pababae lang, Maya?
Heto na naman at yumakap siya sa akin. Wala pa ring pinagbago ang lamig ng presensya niya.
"Adik ka talaga sa yakap, ano?" ngunot kong tanong.
Mahina siyang natawa. "I love hugging you.. because it shows how much I don't want to lose you."
Humigpit ang yakap niya at napapikit ako sa lamig na bumabalot sa aming dalawa.
And God knows how much I don't want to lose someone like you too, Casper.
"I wished that the heaven would gave me a chance to be with you for a long time.." aniya.
Malungkot akong ngumiti. "Sana nga.."
Malakas akong bumuntong hininga. Saka tinapik-tapik ang kabilang braso niya. "Tama na muna ang drama. Halos araw-araw ka na lang nagda-drama eh."
"Psh!" singhal niya.
Napangiwi ako. "Ewan ko sa'yo."
Binaklas ko ang mga braso niya sa baywang ko saka tumayo. Nangulubot naman ang noo niya.
"Dito ka lang muna, Cas. May pupuntahan ako sa labas." sabi ko na kinasalubong ng kilay niya.
"Is it Ethan?" ayan na, selos na siya.
Mabilis akong umiling. "Pupuntahan ko si manang Eldren. Naalala mo? Siya 'yung makakasagot sa mga katanungan natin kung sino ka ba talaga."
Malakas siyang nagpakawala ng hininga saka tumayo at tipid na ngumiti sa akin.
"Then.. I'll just wait here."
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Manood ka muna ng movies habang wala ako. Mabilis lang naman akong mawawala."
Ngumuso siya. "Just don't bumped into that guy, will you?"
Tumango naman ako bilang tugon. Sayang, gusto ko talagang makausap si Ethan. Kaya lang ayaw naman ni Casper. At dahil masunurin akong nilalang, iiwasan ko muna si Ethan. Siguro sa susunod ko na lang siya kakausapin kapag nakapagpaalam ako kay Casper. Bakit nga ba kailangan ko pang hingin ang permiso niya? Hayst!
KUMATOK ako sa silid ni manang Eldren ng ilang beses bago bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha niya. Kaagad akong ngumiti ng matamis.
"Hi, manang!"
Tumaas kilay niya. "Magbibigay ka ba ng pera at groceries sa ngiti mong 'yan?"
Napakasungit!
Umiling-iling ako. "Naku! Parehas lang tayong walang makain, manang!"
"Kung gano'n, wala ka pa lang silbi. Makakaalis ka na sa harapan ko."
Akmang sasaraduhin niya ang pintuan nang pigilan ko iyon.
"Sandali lang, manang. May kailangan pa akong itanong sa'yo eh." sabi ko at napaikot siya ng mga mata.
"Sabi na eh, deja vu." aniya saka niluwagan ang pagkakabukas sa pintuan. "Pasok na, habang nasa mood pa ako."
Yesss! Malaki ang ngiti kong tumuloy sa loob ng silid niya. Naupo ako sa couch na nandoon at naupo siya sa harapan ko. Pinatay niya muna ang tv na maingay saka tumuon ng tingin sa akin.
"Magtatanong po sana ako tungkol sa lalaking nakita niyo noong gabing iyon." ani ko.
"Alam ko." seryosong sabi niya.
Napataas naman ako ng dalawang kilay. "Alam mo?"
Bumuntong hininga siya. "Alam kong babalik ka para magtanong-tanong pa tungkol sa multong 'yon na kasama mo araw-araw. Sasabihin ko na ang lahat-lahat sa'yo, ineng. Tutal naman at mukhang napapalapit na ang loob mo sa lalaking multo na 'yon."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni manang. Ano pa bang nalalaman niya? Ohemgiiiieeeee!
Hindi ko na inabalang ibuka ang bibig ko at hinyaan lamang si manang na magsalita.
"Nagsinungaling ako sa'yo nang sabihin kong hindi ko alam ang pangalan niya at hindi ako nagsalita sa mga pulis." panimula niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Bakit? Why!? Why manang eldren? Bakit ka nagsinungaling---"
"OA nito! 'Kala mo naman perpekto. Eh sa ayokong sabihin nung una eh, may magagawa ka?" masungit na aniya.
"Manang naman eh! Sabihin niyo na sa'kin lahaaaat! Please, nakikiusap ako! Kahit anong kapalit ay ibibigay ko basta't sabihin niyo lang sa'kin lahat ng alam mo tungkol sa multo na 'yon. Pleasee manang.."
Nakikiusap na ako sa lahat ng mga anghel, gusto kong malaman ang lahat-lahat kay Casper. Gusto ko siyang matulungan na malaman kung sino talaga siya at kung bakit siya nandidito. Kung sino ang hinihintay niya at kung bakit siya nawala sa mundo ng mga tao. Kung anong pangalan niya at kung saan siya nagmula. Basta! Lahat-lahat na.
"Totoo na kagagaling ko lang sa trabaho no'n nang makita ko siyang hindi mapakali sa tapat ng lumang bahay na ngayon ay apartment na." pagkuwento niya at nanahimik na ako saka napaayos ng upo.
"Nakasuot ng purong itim ang binata at nagkatinginan pa kaming dalawa bago ko siya lampasan noong gabing 'yon." seryoso niyang sabi. "Kinabukasan, maingay na ang paligid dahil may bangkay na natagpuan noong gabi sa lugar na 'yon at iyon mismo ang binata. Kaya naman agad na nagimbestiga ang mga pulis at isa ako sa nagpahayag tungkol sa nangyari sa binata.. Doon ko nalaman ang pangalan niya dahil may isa pang dalagita ang pumunta sa pulisya para sa mga impormasyon."
"Kung ganoon.. alam niyo po ang pangalan niya talaga!? Natatandaan niyo pa po ba hanggang ngayon? Manang, sabihin niyo sa'kin pleaseeeee!"
Nagpakawala ng malalim na hininga si manang saka bumuka ang bibig upang magsalita. Para namang nabingi ang dalawa kong tainga sa sinambit niyang pangalan.
Natigilan ako sa kinauupuan at pilit na pinoproseso ng utak ko ang salitang lumabas sa bibig niya. Nararamdaman kong muli ang pananakit sa dibdib buhat ng bilis na pagtibok ng puso ko.
'Semper'
'Semper'
'Semper'
'Semper'
'Semper'
Sa mga sandaling ito ay para bang naririnig ko ang boses ni Ethan habang binabanggit ang pangalan ng lalaking 'yon.
'That Semper!'
'Dahil sa lalaking 'yon.. Kaya nagkanda-letse-letse ang lahat! Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganito!'
'Hindi, Mayani! Kahit kailan ay hindi kita bibitawan! Kahit na ang lalaking 'yon ang pinili mo! Kahit na siya ang mahal mo!'
Napailing-iling ako at mapaklang natatawa sa sarili. Hindi. Hindi siya iyon. Maraming 'Semper' na pangalan sa mundo. Maaaring nagkataon lang na parehas sila. Nagkataon lang na magkaparehas ng pangalan ang lalaking tinutukoy ni Ethan at ang lalaking multo kasama ko ngayon.
Mariin akong napapikit at nakagat ang ibabang labi. Nararamdaman ko ang pananakit ng ulo ko kasabay ng malakas na pintig ng puso ko. Kahit na ikalma ko ang sarili ay patuloy na nagwawala ito.
"M-manang.. sigurado po kayo sa pangalan? S-semper?" utal-utal kong usal.
Dahan-dahang tumango si manang. "Hindi ko iyon makakalimutan,ineng."
Umayos ako sa pagkakaupo at ilang segundo na nawalan ng imik. Ngayong alam ko na ang totoong pangalan ni Casper... na kapangalan ng lalaking tinutukoy ni Ethan.. Ano ng gagawin ko?
MABILIS akong nagtungo sa ikatatlong palapag at nagmamadaling tumakbo patungong silid ko. Halos magkanda-dapa pa ako sa bilis ng pagtakbo na parang may humahabol sa'king orasan.
Nang makalapit ay kaagad kong nilagpasan ang aking silid at sa halip ay kumatok sa pintuan ni Ethan. Ilang beses akong kumatok ngunit hindi pa rin bumubukas ang pinto.
"Ethan? Ethan! Ethan, buksan mo ang pinto! Please! May kailangan akong itanong sa'yo! Ethan!" kinalabog ko na ang pintuan, lahat-lahat, ngunit wala namang sumasagot.
Shet, nasaan na ba si singkit?
Nakalock ang pintuan niya at halatang wala siya rito ngayon sa loob dahil wala namang sumasagot kahit na anong kalabog ko. Kung kailan ko kailangan, bigla namang mawawala.
Malakas akong bumuntong hininga saka bumalik sa silid ko. Pinihit ko ang door knob at tuluyang pumasok sa loob. Kaagad namang hinanap ng mga mata ko si Casper.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at mula sa gilid ay natatanaw kong may hawak siyang lapis at sa ilalim nito ay isang notebook na nakapatong sa lamesa.
Ilang beses akong napakurap habang napagmamasdan ang ginagawa niya. Hawak-hawak niya ang lapis! Nahahawakan niya ang lapis at ngayon ay nagsusulat siya!
"Casper.." wala sa sariling naiusal ko.
Nakita kong natigilan siya sa kinalalagyan ngunit pinatuloy ang pagsusulat. Nang huminto siya ay automatiko naman siyang napatayo at tumingin sa gawi ko. Napagmamasdan ko ang malaki niyang ngiti sa labi. Ngunit may lungkot na kumikislap sa mga mata niya.
"Maya! You're here!" malakas niyang sabi at sa isang kurap ng mata ay nasa harapan ko na siya.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mabilis na pagsalubong niya sa akin ng yakap. Mahigpit na mahigpit iyon.
"I miss you so much, woman.. so much.." aniya na parang may sakit na lumulukob sa kaniya.
Niyakap ko siya pabalik at mahigpit gaya ng sa kaniya. "Sandali lang akong nawala.. pero na-miss rin kita, Casper. ----" Semper.
Siguro dapat ko ng sabihin ang nalaman ko ngayon-ngayon lang. Ang totoo niyang pangalan at kung bakit nandidito siya sa lugar na ito. Hindi kumpleto ang nalaman ko, ngunit nandoon ang importanteng nangyari.
Kumawala ako sa pagyayakap niya at napako ang tingin namin sa isa't-isa. Matiim siyang nakatingin sa akin na para bang may sinasabi ang kaniyang mga mata.
"Bakit ganyan ka makatingin?" usisang tanong ko.
"I'm sad for no reason.." aniya. "But I can feel it.."
"Ha?" taka ko. "Anong meron? Ayos ka lang ba?" nabalot ako ng pag-aalala.
Umiling-iling siya. "I'm not.. I heard that voice again.."
"Voice? A-ano naman iyon?"
Ilang segundo siyang nawalan ng imik bago nagbaba ng tingin. Humawak siya sa dalawang kamay ko at marahang pinisil iyon.
"Remember the last time I saw you with Ethan?" nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Ano namang meron do'n?"
"N-narinig ko ang boses mo.. that's why I showed up." napalunok siya. "May binanggit ka.. and I think it's a name.."
"H-ha?" hindi ko siya maintindihan.
Humigpit ang pagkakagawak niya sa kamay ko. Hindi naaalis ang mga mata niyang bumabaon ang tingin sa akin.
"What's my name, Maya? Anong pangalan ko?" pagtatanong niya.
Napaiwas bigla ako ng tingin. Hindi ko malababan ang mga titig niya. Nagpakawala ako ng hininga at nakayukong tumugon.
"N-nalaman ko ang pangalan mo.. sinabi ni manang.." tumingin ako sa kaniya. Tutok na tutok siya sa akin. "A-ang pangalan mo ay.."
Ngunit hindi ko pa man naitutuloy ang sasabihin nang umatras siya sa akin. Ilang hakbang ang inatras niya kaya't napatingin ako sa kaniya na may pagtataka. Nakailang beses siyang umiling at nasapo ang sarili niyang dibdib.
"N-no.. T-this can't be.." patuloy siya sa pag-iling.
"Casper.. Anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?" akmang lalapitan ko siya ng bigla ulit siyang umatras.
Nabalot ako ng pag-aalala sa nakikita. Para siyang may dinadalang sakit habang nakagawak sa sariling dibdib. Nakikita ko na rin ang pangingilid ng kaniyang mga luha sa mata.
"N-no.. damn it!" tuluyang bumagsak ang mga luha niya.
Sa hindi malamang dahilan ay pabagsak siyang napaupo sa sahig habang humihikbi. Mabilis naman akong nakatakbo papalapit sa kaniya upang yakapin siya.
"Casper.. Ano bang nangyayari--"
Hindi ko naituloy ang sasabihin nang mahigpit na mahigpit siyang yumakap pabalik sa akin. Patuloy siya sa paghikbi at nararamdaman kong nababasa ng mga luha niya ang damit na suot ko.
"I.. I am.. S-semper.."
"M-mayani.."
Natigilan ako sa kinapupwestuhan at tangi ko lamang naririnig ay ang boses niya at ang kinakarera kong puso sa lakas ng t***k nito. Nanlalamig ang nga kamay ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Humiwalay siya sa yakap at sinapo ang mga pisngi ko. Patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
"M-mayani.. y-you came.." humihikbi na aniya. "I-I waited for you.."