Habang nakaupo si Georgie sa isang antigong upuang kahoy sa gitna ng malawak na hardin, abala siya sa pagbabasa ng isang nobelang hawak-hawak niya. May malamig na simoy ng hangin na sumasabay sa mga mahihinang huni ng mga ibon. Payapa. Tahimik. Isang hapon na parang perpekto para sa katahimikan. Pero naputol ang katahimikang iyon nang may marinig siyang mga yabag mula sa damuhan. “Geo…” tawag ng isang pamilyar na tinig. Dahan-dahang lumingon si Georgie. Napabuntong-hininga siya nang makita ang kakambal ng kanyang asawa—si Skylar—na palapit sa kanya. Pareho sila ng mukha ng kanyang asawang si Adam, ngunit kahit sinong nakakakilala sa magkambal ay hindi malilito—dahil kung si Adam ay seryoso at tahimik, si Skylar naman ay masayahin, makulit, at parang walang kapaguran sa kakulitan. At ga

