CHAPTER five “NAGSISISI ka ba sa ginawa mo?” tanong ni Randall kay Milo. Magkakasama silang magkakaibigan at tanging si Miro lang ang wala. Sa pagkakataong iyon, nagkita-kita sila hindi para mag-celebrate ng kanyang pagkapanalo sa isang kaso kundi para damayan siya ng mga kaibigan sa kanyang unang pagkatalo. Tapos na ang kaso at talo ang team niya. Inutusan din ng korte ang DSWD at ang Carla Foundation na bigyan ng kaukulang halaga si Rosa bilang kabayaran sa damage na nilikha ng kaso sa babae. “Kung nagsisisi ako na ibinigay ko ang mga ebidensiyang `yon kay Bianca?” ani Milo na tumingin sa mga kaibigan. Ang totoo ay sa kanya nanggaling ang mga ebidensiyang ipinrisinta ni Bianca sa korte. Iyon ang dahilan kaya nanalo ang dalaga at nagkaroon ng dungis ang kanyang record. “Nope,” umilin

