CHAPTER six “HEY! DELIKADO `yang ginagawa mo, Bianca.” “Huwag kang maingay! Mamaya niyan marinig ka ng mga reporter!” impit na saway niya kay Milo. Mabuti na lang at hindi pa nadidiskubre ng mga nakaantabay sa harap ng kanyang bahay na sa kabila ng mataas na bakod sa likod-bahay ay main road na. Doon niya pinaghintay si Milo. Mayroon siyang hagdan kaya madali lang niyang naakyat iyon. “Milo!” nahihintakutan niyang bulalas nang pagtayo ay tila umikot ang kanyang paligid. She couldn’t keep her balance and before she knew it she was already falling. Inihanda na niya ang sarili sa pagbagsak sa sementadong kalsada. Natitiyak niya na sa ospital siya pupulutin pagkatapos. Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ni Bianca na pagtama ng kanyang katawan sa matigas na semento. Bagkus ay tila tumig

