CHAPTER seven “MILO!” tawag ni Bianca sa binata kasabay ng pagkatok sa pinto ng kuwarto nito. Kanina pa siya gising at kanina pa rin nagwewelga ang kanyang mga bituka. Nang araw na iyon lang niya napagtanto na halos beinte oras na pala siyang hindi kumakain. Ayaw naman niyang basta na lang pumasok sa kuwarto ni Milo dahil malinaw pa sa isip ang sinabi nito kani-kanina lang. Mahirap na, baka nga totoong hindi nagdadamit ang binata kapag natutulog. Itinaas niya ang paningin nang maramdaman ang mga yabag na palapit sa pinto. Mabuti na iyong sigurado, baka wala ngang saplot ang damuho. At least kapag naka-chin up ako, mukha lang niya ang makikita ko. Pero para naman siyang kinikiliti na ewan sa isiping makikita niyang nakahubad si Milo. Itigil mo `yang iniisip mo, Bianca! Ano ba ang

