CHAPTER eight NAPAPANGITI na lang si Bianca habang isa-isang tinitingnan ang mga kinunan niyang litrato sa kanyang digital camera. Kung ano-ano lang naman iyon: mga sea shell, mga bato, alon sa dagat, mga ibon na nasa himpapawid, at kung ano-ano pa. Mga larawan ng mga simpleng bagay ngunit maraming puwedeng ipahiwatig. Ipinasya niyang maglakad-lakad pa para humanap ng iba pang magagandang bagay na puwedeng gawing subjects. Hanggang sa magawi siya sa bandang dulo ng beach kung saan may naglalakihang mga bato. Parte pa rin ng beach house niya ang bahaging iyon. What is that? nakakunot ang noong tanong niya sa isip at napatigil pa sa paghakbang nang may narinig na tunog ng gitara na nagmumula sa likuran ng batuhan. Dahan-dahan niyang tinungo ang pinagmumulan ng tunog ng gitara at maing

