PAGE ELEVEN

3000 Words
N A N A “They are taking things slowly, dear. You know naman ‘di ba? Solar has to finish the mall project first, and your brother’s still getting used to his new office.” “So do I, Mom. I also want to take things slowly.” And I am still getting used to my past’s (Thomas) presence in my life. “No. Ikaw ang babae. What if lumampas na sa kalendaryo ang edad mo? Getting pregnant would be impossible fo–” “Mom, I am still in my twenties.” “26. You’re nearing your late twenties. And you always take years to find a new man. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ka pa rin nakakahanap ng bagong boyfriend simula noong huli mo. That’s why I am helping you.” “Trust me, mom. I can handle myself! Hindi ko kailangan ang tulong niyo pagdating sa ganitong bagay.” Goodness! Hindi na ako nakapag-timpi at pinindot na ang pulang button sa screen ng cellphone ko. Eh, ano naman kung 26 na ako? 26 is still young. Bakit kung si Kuya at Ate Solar pwedeng magdahan-dahan pero ako hindi? Dahil ba sa wala akong ambag sa kumpanya? Sinusubukan ko pang pakalmahin ang sarili ko mula sa tensyon na dulot ng pag-uusap namin ni Mom nang tumunog ulit ang notification sound ng cellphone ko. “Pagsisisihan mo ito, Naphthalyn. Remember, my threat is still on.” Oh… Gosh. Now I am being threatened by my own mother. Habang nasa daan pauwi ay sumagi sa isip ko ang susulatin kong kwento. Bumalik ang stress ko kaya natural lang na unang papasok sa isip ko ang kauna-unahang bagay na para sa akin ay makakapag-relax ng tensyon ko sa katawan. It’s my defense mechanism. Kaso, as if it’s destiny, sakto na palapit na ako sa bahay ni Thomas. Right. May collaboration project pa pala akong iintindihin. Masyado ko nang pinatagal ang trabaho ko. Dapat noong isang araw ko pa lang binigay sa kanya ang parte ko sa prohect na ito para masimulan na namin agad ang project. But I am too stubborn to do so. I am such a coward… Nasa bag ko lang naman ang flash drive ko, and all I have to do is to talk some ideas with him. It won’t take an hour. Goodness. Ang bilis naman atang magbago ng mood ko. My relationship with my family is not always the best, pero ngayon lang ako nagkaroon ng malaking balakid sa pagsusulat. Hindi ako sanay. Ang mas malala ay sabay-sabay ko pa silang iniintindi ngayon. Bumaba na ako ng sasakyan. I crossed the road as I casually waltzed to the gate, at saka pinindot ko ang doorbell. Maaga pa naman kaya sa palagay ko ay gising pa siya, besides he is a night owl kaya malaki ang posibilidad na gising pa si Thomas… or Jacks. Right. It’s much proper to call him Jacks para ma-maintain ang professionalism sa part ko since between us, mukhang ako lang ang may alam tungkol sa naging ugnayan namin noon. Lumipas ang ilang segundo pagkatapos kong pindutin ang doorbell ay tahimik pa rin ang pinto ni Jacks. Kaya naman pinindot ko ulit ito. 1… 2… 3… I counted to ten as I waited for him. Pero wala. This must be the sign that tonight is not a good time for me to face him. Alright. I guess this means home. I still have to see Christine tomorrow. - - - Saglit lang ang naging pagtulog ko kagabi. Siguro dahil sa pananakot ni Mom sa akin? Kinukutuban ako. Kung ano man iyon ay pilit kong nililibang ang sarili ko para mawala ito sa isipan ko. What she said must be just a baseless threat. Hindi niya naman ata kayang saktan ang anak niya dahil lang sa ayaw muna nitong magpakasal. Hello? It’s 21st century. I need to have a say para sa sarili ko. Kaninong buhay ba ang magbabago kung magpapakasal? It’s mine. Nasa Engene na ako ngayon. Kahit medyo kulang sa tulog passion is still passion, and work is still work. “Oh, you’re here? Akala ko ba bukas ka pa?” bati sa akin ni Christine nang makita akong nakaupo sa opisina niya. “You got a private space?” Sinuyod ko ng tingin ang maliit niyang silid. She originally didn't have her own office. Nasa isang cubicle lang siya sa loob ng isang malawak na room kasama ang iba. Pero ngayon na hindi lang writers ang hawak niya, pati na rin mga webtoon artist-author, at ilan pang staff writer ay binigyan na rin siya sa wakas ng sariling opisina. Hindi lang naman ako ang kumukunsulta sa kanya ng personal. Besides, Christine’s uncle is the owner of Engene that’s why she got this little special treatment. But she still has to work her ass out. Hindi naman niya mamanahin ang kumpanya. She’s still a working employee. Anyway, enough of her. “May nasimulan ka na ba?” tanong niya sa akin. Last month lang ay paunti-unti akong nagsisimulang magsulat. Nasimulan ko nang sulatin ang prologue ng (sana ay) bago kong libro. So far, maayos naman ang feedback ng prologue. But the more the story escalate the more feelings and emotions I should be pouring on it. At hindi ko alam kung ano ang kulang kung bakit ako madalas na pagsabihan ni Christine. It took me almost a month para lang matapos ang sunod na chapter. Siguro nga this is writer’s block. Pero iba eh… Maayos naman ang daloy ng mga salita sa isip ko. My hands and mind are in sink. “I wrote the bed scene last night…” Huminto muna ako sa pagsasalita at saka napatingin sa kisame. “Anong problema?” Inaalala ko lang kasi kung kailan ko sinumulan na sulatin itong chapter na ito. Matagal ko na itong sinusulat, muntik ko na ngang makalimutan na may sinusulat ako dahil sa bagal kong magsulat at halos makalimutan ko na ang mood ng chapter. May bed scene kasi kaya hindi ko matapos-tapos. At kahapon ko lang ito tuluyang na-kumpleto. Thanks to the one night stand I had with the man named Luther. “Nothing… basta natapos ko na siya. Nabasa mo na ba?” Sinend ko ito sa kanya kahapon bago ako umalis para sa blind date. “Hmm… Hindi pa. Let me just—teka lang ha. Tapusin ko lang…” “Hindi mo pa tapos basahin?” I gasped, “Oh, gosh! Don’t tell me hindi mo talaga binasa?” Nag-krus ako ng mga kamay at pabagsak na sumandal ng upuan. “You’re taking me for granted, huh!” Kunwari ay galit ako. Akala ko ay papatulan ako ni Christine sa pagdadrama ko pero sinagot niya lang ako ng, “Tumugil ka d’yan, Nana. Marami pa akong gagawin.” Ngumisi lang ako at tumahimik na. Kahit hindi man niya ito sabihin ay kita sa tambak ng mga papel sa gilid ng kanyang lamesa ang dami ng mga gagawin niya. Hindi pa kasali rito ang soft copies na nasa computer niya. “I was just kidding. Do your best.” Christine is the breadwinner of the family. Maliban sa uncle niya siya lang din ang may interes sa publishing sa buong pamilya nila. She has the most potential to take over the business pero dahil hindi siya anak ng uncle niya ay malabo na ibigay ito sa kanya. In the end, alam ni Christine na iyong pinsan niyang maldita ang magmamana nito. But look at her, she’s very hardworking. “Hey, are you still up to my offer?” Tumigil si Christine sa pagbabasa at tumingin sa akin. Pinanliitan niya ako ng mata bago tinaasan ng kilay. “Not now, Nana. Not now,” she hissed, Nakinig naman ako agad at tinikom ang bibig ko. Hindi ko na siya ginulo pa at hinintay na lang na matapos siya sa pagbabasa. It took her more or less than five minutes to read a more than two thousand words chapter. It doesn’t really matter how long, as long as masabi niya ang opinyon niya rito. “Hmm. Maayos naman ang scenes at transitions… You never miss that parts. Napaka-detalyado at maayos din… However…” Okay, here comes the judging part. “How…ever?” I nervously uttered. “However, there’s this special thing you lack in the bed scene.” “What thing?” Ano na naman ba ang kulang? “You lack feelings.” “Feelings?” I asked. Teka. Sigurado naman ako na nilagyan ko ng feelings. I put every suitable adjective to describe the scene and emotion. I was so careful about that. Vocal din ang character kaya hindi ito mahirap gawin. “Uhm… Then what should I do?” Nilunok ko na lang ang pag-angal ko at minabuti na tanungin si Christine. Alam ko na hindi niya ito papakinggan at papaulitin pa rin ako kaya mas mabuti na dumiretso na lang kami sa pangaral session niya kaysa magtagal pa. “Your scenes are realistic. The situation is relatable…” my editor began the feedback. Of course, it’s realistic. I had s*x not too long ago. 50 percent of the movements and dialogues are from that night. The exact same dirty words na sinubukan kong bitawan kay Luther para lang malaman kung ano ang posibleng tugon ng lalaking character ng story ko. “Then, what’s wrong?” “The feelings, Nana. The feelings…” Umayos ng upo si Christine para makaharap ako, saka siya mababaw na huminga at mahinahon na nagpaliwanag, “They are in love kaya dapat iba rin ang intimacy nila sa kama, ‘di ba? Nana, what’s up with you these days? I know hindi mo ito forte but this one… this one is really, really bad. Imbes na magtunog girlfriend-boyfriend, nagtunog one night stand ang conversations nila… Uhm, this might seem an invasion of privacy but let me ask you, have you became intimate with your boyfriend?” Ah… It is sure an invading question. Pero sinagot ko pa rin naman ito ng, “You know I don’t have right now.” “How about with your exes?” Oh. The only time I became intimate with my first boyfriend was when we first met, a one night stand. While I did not go all the way with my second boyfriend. We kissed and cuddled. Pero naghiwalay na kami bago pa may nangyari na higit pa doon. In the end I gave her a slow shrug on the shoulder. “Augh. You don’t have either?” she winced. “I don’t.” This time Christine sighed big time. Para bang nahihirapan na siyang makipag-usap sa akin. “Pero nagbabasa ka naman ng romance books, hindi ba?” “Oh. I do. Kaso dahil siguro sa iba ang goal ko sa story na ito, hindi masyadong applicable ang pagbabasa bilang reference.” “Isa na naman ba ito sa mga reflective storytelling mo? Mga manifestation of your pains and regrets?” Hindi ako makatingin sa mga mata ni Christine dahil tama siya ng hula. “Nana, hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na hindi permanente iyang style mong iyan? Alam mo naman na mabilis na nauubos ang mga personal inspiration.” ‘… because once you moved on to one inspiration you won’t be able to recycle it anymore.’ Ito ang mga kataga na pinayo sa akin ni Christine noon nung sinusulat ko pa lang ang una kong libro sa pub house na ito. Alam ko naman ‘yun eh. Kaso biglang dumating si Thomas, pakiramdam ko ay nag-uumapaw ang inspirasyon na mayroon ako ngayon. I can’t help myself. “Hindi puro inspiration ang pagsusulat, Nana. Kailangan mo rin ng creativity.” Bumuga ako ng hangin. Tadtad na ako ng pagpapaalala at pangaral kaso hindi ko pa rin magawang sundin ang mga ito. Pinayuhan ako ni Christine na basahin ang mga dati kong sinulat. Para kasi sa kanya mas sweet at mas may feelings pa raw ang mga ito kaysa sa bago kong sinusulat. “I’ll take that advice,” sabi ko sa kanya maski na medyo malabo sa akin ang advice na iyon. “Okay? Huwag ka lang magmadali, hindi mo kailangan na i-rush ang pagsusulat mo. Tutal collaboration pa rin naman ang status mo sa system kaya may mahaba ka pang oras.” Ang bilis naman ata niyang napalitan ang status ko. Parang noong isang linggo lang ay nasa on break status pa ako due to the lack of ideas, tapos eto na ako ngayon, may collaboration na sa system. “So, kumusta naman ang webtoon niyo ni Jacks?” pag-iiba niya agad ng paksa. I rolled my eyes as soon as I heard the words ‘webtoon’ and ‘Jacks’. “Nothing yet,” I told her. Hindi pa kami nakakapag-simula pero hindi na agad maganda ang impresyon ko sa experience ko bilang webtoon writer. “Hah? Bakit? Nana, malapit na first draft submission, ha. I read the synopsis. I like the flow. Pero alam ko na subject to revision pa rin ang second half kaya kailangan niyong sipagan. At ‘yung teaser, bukas na ‘yun.” Napasuklay ako ng buhok sa pagpapaalala niya. Umakyat na naman ata ang stress level ko. “I know. Pero… ang awkward lang kasi na pumunta roon ng madalas. I mean, I don't mind working the webtoon but Jacks… Jacks’ is different.” Christine gave me a confused stare. Her eyes are lifeless and she seemed unsure if she should be curious or she should just stay still and keep listening. “Uhm… Bakit naman different si Jacks? What makes him different?” Christine sounds so reluctant about her own question. Nagbuntong-hininga naman ako. “Never mind. It's a long story… and old. It happened a long, long time ago. When I was younger… and naive… forget about me talking about it.” Paunti-unti kong sabi sa kanya. “Oh… kay? I don't mind not minding it as long as— matapos (mo at ni Jacks) niyong dalawa ang draft this week. May bagong demand sa kanya si Kevin, nag-usap na kami. Kayo na ang bahala ni Jacks mag-usap tungkol dun.” “Huh? Anong klaseng demands ba ‘yan?” “Kayo na nga ni Jacks ang mag-usap. Sige na. Humayo ka na at gumawa ng storya at ang dami ko pang gagawin dito.” “Fine. Thank you for your feedback. I will follow all of them,” I said, when in fact none of her advice will be truly followed. Oh, Christine. Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang balat na iniwan ng tunay na Jacks sa akin. “By the way, I am about to go to the nearest coffee shop. You want something for yours—” “Nana, puntahan mo na si Jacks.” Welp! I tried my best. Mukhang wala na nga talaga akong magagawa kung hindi ang pumunta kay Jacks. Mukhang uunahin ko munang tapusin itong collaboration project na ito bago ko magawa ang personal project ko. It’s the best choice I have para makapag-focus ako ng maayos. Totoong palusot ko lang ang pag-aaya ng kape kay Christine kanina. I really want the time to move slow para lang hindi ko makaharap agad si Jacks. Pero may balak din talaga akong dumaan sa coffee shop. Hindi nga lang dito sa may Engene building. Huminto ako sa pinakamalapit na coffee shop mula sa bahay ko. Wala na akong matitimplang mainit na inumin sa kusina ko. This place is just like any other coffee shop maliban sa mas tahimik dito. Malamang dahil malayo sa maingay na highway at abalang downtown area. The best part is that I can have a discount dahil sa suki na nila ako rito. This is the best shop near my place, dito rin ako bumibili ng powdered milk at coffee beans. “Good day, ma'am.” “Hello, uhm the usual please,” nakangiti kong sambit, tapos ay kumuha na rin ako ng sang bag ng gatas at isang small size bag ng coffee beans. “Sure thing, ma'am. Flat white with extra steamed milk for Ma’am Nana.” Ginantihan naman ako ng ngiti ng server bago siya tumalikod para ihanda ang order ko. I know, extra steamed milk in flat white is just weird. Pero dahil hindi ako masyadong pinapaburan pagdating sa caffeine ay konti lang ang pwede kong inumin… as long as possible. It's tough when you like something that you cannot have. Noong una nga ay madalas akong tinititigan ng kakaiba ng mga nagbabantay ng counter. Pero katagalan ay nasasanay na sila sa weird preference ko kaya eto ngayon, nakangiti na nilang tinatanggap ang order ko. “Kumusta si Abigail? Matagal ko na siyang hindi nakikita, ah,” tanong ko sa staff. Dahil suki ako rito ay may ilang trabahador dito na naging kaibigan ko na rin. “Si Abby, ma’am? Naku, nag-quit na po siya. Balik eskwela na rin po kasi siya.” Tumango ako. “That's good news for her.” Hindi na rin naman bago sa akin ang mga ganitong balita. Part timer ang mga nandito kaya hindi maiwasan na may biglang nawawala. That's normal. “Here’s your flat white with extra steamed milk, Ma’am Nana. Kasali rin po ba itong dalawang bag, ma’am?” “Yes, please. I'll pay through the card,” I said while looking for my wallet. “Sure thing, ma’am.” Dahil buong gabi akong nag-party noong isang araw ay naubos ko na rin ang cash sa wallet ko. I also forgot to withdraw on the way. “Uhm, Ma’am Nana?” “Uh-huh?” “Declined raw po ang card niyo.” “What? Uh, could you try it once more? Baka nagkamali lang.” Tumango naman ang staff at inulit ko rin ang pag-type ng PIN ko. “Disapproved po talaga, eh.” Wh-What? Tila ba bumara sa lalamunan ko ang mga salita sa gulat. Nakabuka ang bibig ko pero walang lumalabas na ingay. Oh, no. Mom!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD