Chapter1
So ano girl aattend ka ba ng training later?” Zylea asked me, nakapamewang pa sa harap ko ang babae.
“Yes of course, let me just finish this s**t” I rubbed my eyes and drink the last drop of my juice.
“Aral na aral girl? Iniwan na tayo nung tatlo o, ako mapapanis na ang laway kakatingin sayo”
I rolled my eyes on her at saka tumawa. “Cathy need this. You know me, I’d rather run around the oval than study.”
“hayyyyyyy. Nakakabagot. Gusto ko na maglaro, bilis naaa”
I make face in front of Zylea, ang kulit niya. Palibhasa last week pa yung huling sparring niya kasi nagkapilay siya, larong laro na siya. Hindi na lang ako sumagot, she will never stop talking if you continued answering her. I finished my research as fast as I can dahil parang matutuyo na ang dugo ni Zy, silence is really not her thing, seriously not her thing.
After 20 minutes, I closed my laptop at para namang may nakitang kayamanan ang gaga sa sobrang ningning ng mata niya.
“Finally girl, finally. My b***h is done with doing shits”
“As much as I don’t want to study, my dad will surely kill me I fail, so atleast do a bit of effort in studying”
“Ang tunog mo naman eh parang napakasalahula ko sa pag aaral? Hahaha”
“Ah, whatever Zylea. Fix your thing. I’m just going to give this to cathy.”
“Oo na, make it fast baby, ah ah”
I raised my middle finger to her, nasa food court kami bigla biglang uungol, napakabalahura na babae.
She is always been like that, napakaingay, napakataklesa, napakamabunganga, sya yung laging starter ng usapin sa squad, or sa team, hindi naman siya chismosa, she is just so loud. Akala ko nga dati may ADHD sya.
“Cathy” tawag ko sa group leader namin at saka binigay ang flash drive ko
“Schizophyllum Commune ang file name” I added. I was tasked to do the research on the medicinal value of this mushroom called Shizophyllum commune, or in Filipino, the kudit. Requirements kasi sa Genetics namin na subject.
I head back to Zylea, malayo pa lang naririnig ko na ang pakikipagkwentuhan niya sa katabing mesa namin na hindi ko naman kilala. Really?
“AY OO BEH, TAWANG TAWA AKO DUN SA SECOND LEAD KASI PARANG TANGA SIYA NUNG KHDUIVNBUIHRDNWSDNXISXDM—“
Hindi ko na maintindihan at nagpapaluan na sila sa sobrang saya nung kausap niya. Really Elaisa Zylea Ibarra? Ganyan ka kafriendly?
Pag daan ko sa side niya ay tinusok ko siya sa tagiliran niya, nakatuwad na ang gaga, sobrang tuwang tuwa makipagdaldalan. Hys.
“Oh anjan ka na pala Amelie, si Janissa nga pala” pakilala niya pa saakin nung new found friend nya.
Nag smile naman ako dun sa girl at inayos ko na yung mga ginamit ko.
“Okay na ba? Akyat na tayo sa Gym?”
Tumango naman ako sakanya, as much as possible conserve my energy dahil magtatatakbo nanaman ako mamaya, I need that energy later. Hindi muna ako makikipag usap sa babae na ito. Talking with Zylea is really draining. Kahit ‘haha’ ko, may reply pa sya. That’s how talkative she is.
We decided na sa hagdan na dumaan, warm up na rin ito, pero di ito basta basta hagdan. This is a 120 f*****g steps. Kaya bago ka pa makarating sa dulo, labas na dila mo.
“I’m thinking of buying a new shoes para sa University meet, do you want?” I asked her
“Okay game, magkano ba?”
“I’m still looking, sabihan na lang kit—ayun na sila Aya o” turo ko dun sa papasok pa lang ng pinto. Knowing Zylea, sumigaw siya.
“AYAAAAAAAAAAAAAA”
And people, eventhough hindi sila si Aya ay napalingon sakanya, andun na yung 11 boys na kagrupo namin at nagtatawanan na sila. And this girl, tumakbo pa siya papunta doon. How come this girl is much older than me?
“Napagod ako dun ah” sabi niya ng makarating ako sa pwesto niya.
“Kung hindi ka rin naman gago at tumakbo ka pa talaga.”
“Naexcite lang hahahah”
“Miss na miss ka Aya” biro ni Kuya Malcolm sakanya at ginulo gulo ang buhok niya.
“Ateee” tawag naman sa akin ni Grant, yung pinakabunso ng team, pero napakalaki.
Nag high-five ako sakanya.
“Dudurugin kita ngayong araw ate” panghahamak ng bunso. Tanggap ko naman na talo ako dito ki Grant, besides that he is really big and tall, he had been playing Arnis since he was a kid. Eh ako? I just started last year.
“You wish Limuel” pang aasar ko sakanya, ayaw na ayaw niya kasi ng tinatawag siya sa second name niya.
Tinarayan niya naman ako at kay Zylea naman lumapit. I entered the Gym and salute to our coach. Himala at kumpleto kami ngayon. It has always been that someone won’t attend. Kaya hindi pa rin kami pamilyar sa isa’t isa.
“Gather everyone” Coach Aldwin instructed.
Everyone sit on the mat like a kid being scolded by their fathers. Hindi naman terror si Coach, he is humorous, but has his authorities set.
“As you can see, it is just two weeks bago mag University meet. And we really need to do some double efforts.”
“San yung venue coach?” Chadrey asked, siya yung president namin.
“Sa main Campus”
Nagulat kami ng biglang maghiyawan lahat ng boys. Hindi ko alam bat sila nagsigawan.
Coach hushed them and continued talking “So I want you to help yourself now, be responsible. Hindi ako yung mapapalo pag dating doon.”
“YES SIR” we answered in chorus. After some brief instructions, nagpakilo kaming lahat sa clinic, and to my shock, kailangan ko lang naman magbawas ng dalawang kilo.
“My my, parang ang sarap kumain dun sa bagong bukas na resto sa harap ng university” parinig ng mabuting si Zylea.
I won’t doubt it; I really am a big eater. Hindi ko alam, Im not that body conscious kasi, at kung hindi lang siguro dahil sa arnis, super taba ko na ngayon. You know, arnis is a combative sport. It has weight categories, and I belong to extra lighweight. 45-48kg, but now, I weighted 50 kgs.
“I won’t be tempted” asik ko sakanya
“We’ll see bout’ that” sabay wink pa sa akin ng gago.
Pagbalik namin sa Gym ay pinatawag ako, at dalawa pang babae at tatlo ring lalaki ni Coach. I was not scared, alam ko na kasi na mag lilikha kami. It is a traditional arnis dance showcasing different strikes and techniques accompanied by music.
It can be synchronized, composed of three members or a solo. It can also be single baston, double or the espada y daga.
“May dadating dito na trainor bukas. I need your cooperation dito kasi konti na lang ang time natin.” Coach said
“Kayanin kaya sir?” Aya asked “I mean, 2 weeks sir, mahirap magmemorize at mag polish ng synchronization”
“Ms. Atana, kaya yan, it is just a minute performance, 1 week you memorize the steps, the remaining days, you polish your synchronization. I believe you can do this.”
“Okay sir, we will do everything para maging maayos ang Likha namin”
“Medyo marami- raming energy kailangan natin dito. 2 weeks para bumuo ng likha? May solo pa at doble baston. Pano yun?” reklamo nanaman ni Aya nung nagsimula na kaming tumakbo.
“Aya, think positive kasi. Tama naman si Sir, isang minuto lang yun. Hindi naman pang isang oras ang practice natin eh.” Ligaya said
For me, kaya naman. Mahirap lang talaga sa likha ay ang synchronization. Mahirap magperform pag sabay sabay kayo, plus, masakit talaga sa katawan mag likha, mas masakit pa sa combative dahil may mga rolling.
“Sana, ayaw kong mapahiya hahahaha” Aya said.
We do 20 laps around the court bago kami nagsimula mag sparring.
Zylea was really damn excited, sya na pinauna namin at baka matuyo na ang dugo niya kakahintay.
“Hoy Aliya, ikaw gusto kalaro, babawi ako dun sa palo mo last last week.” Panghahamon ni Zylea
“Ang ingay talaga ni Zy.” Paul said. Classmate namin siya ni Zylea.
“Whats new? parang hindi yan napapagod dumaldal. By the way Paul, kumusta ang timbang mo?”
Namroblema kasi siya kasi may kapareho syang timbang, hindi siya makaadjust pababa or either pataas kasi meron ng player don.
“Still, nagsasalpukan parin kami ni Ejay.” Malungkot niyang sabi
I remember last year, hindi siya nakapaglaro dahil pareho nga sila ni Ejay, pero si Ejay ang pinili ni sir para sa weight category nila. And I can see that he was very much lonely.
“Pano yan?” I asked him
“Hindi ko na siguro hihintayin na mamili si sir hahaha”
“What do you mean?”
“Mag quit na ata ako”
I just looked at him. Ayaw kong sumagot. Ayaw kong makaapekto ang sasabihin ko sa desisyon niya. If I say na wag, it would be impossible, the only chances that he can play is if Coach pick him, and if I agree, it would be so rude.
I’m not good with giving advices. I’m afraid it would worsen the problem. But if I am Paul, I would really quit it. Ejay’s good, so as Paul. But if your worth and skill is being judged here, I will stop. I mean, coach had made his choice, and for me, that’s an enough reason to leave. They are both good, but in terms of character, I like Paul more. But I think it was the experience na pinagbasehan ni Coach, Ejay had joined so many competition compared to Paul.
I just tap his shoulders and smile.
Naglaro laro pa kami bago nagdesisyon na umuwi. It was almost 7pm.
“Super pagod na ako girl.” Reklamo ni Zylea habang palabas kami ng gate.
“Rest b***h, you’ve been talking and talking so much, kaya pagod na pagod ka”
“Bukas hindi ako mag iingay, magiging cold na talaga ako” sabi niya pa sabay aja. Akala mo naman kaya niyang gawin.
I waved goodbye to Zylea and walk to my apartment.
“Amelie! mag isa ka?”
Nagulat ako ng may isang baritonong boses na nagsalita sa likod ko.
“Kuya Levian” He was our Senior in Arnis. May towel towel pa siya sa may batok niya. Halatang pawis na pawis.
“Saan si Zylea?”
“Her way was in the opposite side.”
Napa-ah naman siya
“Gabing gabi na, hindi ka natatakot?”
“Not really, I’ve been walking here every night. And besides, malapit lang naman ang lakarin ko.”
Sumabay siya sa akin sa pag lalakad. Which is awkward kasi hindi naman kami close, ngayon lang ata kami nag usap.
“Taga dito ka?” I asked him
“Taga dito, medyo may kalayuan but I love walking home, nakakapag isip isip ako ng mga bagay.”
I looked at him, kapag tiningnan mo talaga siya, he is the type of person that will appreciate simple things. You can really tell the difference if a guy is a jerk or not, and I think, Kuya Levian is not.
“Let’s grab a coffee?” pag aaya niya
Tumingin ako sakanya kung seryoso siya, he was smiling at me, showing his white teeth.
“I’d like to rest” I replied
Tumango tango naman siya. We continued walking until I reached the gate of my apartment.
“Dito na lang ako” Paalam ko when we reached my apartment.
He smiled to me and waved his hand. “Goodbye”
“Ingat ka” I replied.
Finally after a long and tiring day, I’ll get to rest.