Kararating ni Claire sa mansyon at una niyang nakita si Lea. “Wow ang laki na ni baby Jason” sabi ni Lea sabay kurot sa pisngi ng baby. “Nasan si Katrina?” tanong ni Claire. “In her room, kahit ako ayaw niya kausapin e” sabi ni Lea.
“Ano ba kasi nangyari?” tanong ni Claire kaya nagkwento si Lea. Nang matapos yung kwento natulala si Claire at napailing, “Did you say his name was Enan?” tanong niya. “Opo ate, bakit kilala niyo siya?” tanong ni Lea. “Kilalang kilala, long time crush na ni Katrina yun e” sabi ni Claire kaya napanganga sa gulat si Lea.
“Say what? Long time crush?” tanong ni Lea. “Well not really long time, nung nanganak ako, doon nagstart. That is when she first saw him and could not stop talking about him” sabi ni Claire. “Are you sure we are talking about the same Enan?” tanong ni Enan.
“He is the funny one am I right?” tanong ni Claire. “Yes he is” sagot ni Lea. “He is..well how should I say this?” tanong ni Claire. “Gwapo-ish?” landi ni Lea kaya natawa si Claire. “Yes, at naging ex niya yung artista” sabi ni Claire kaya nanlaki ang mga mata ni Lea. “Are you kidding me?” tanong ni Lea.
“No, first heart break niya nga nung malaman niya artista girlfriend ni Enan. She called me up crying, then recently she called again sounding so happy kasi nag break daw sila” kwento ni Claire. “Ano? Si Enan nagka girlfriend ng artista?” tanong ni Lea. “You should watch more TV cuz” sabi ni Claire.
“But Katrina does not even watch TV” sabi ni Lea. “Masikreto yung kapatid ko, but if you want to know her secrets then read her virtual log sa laptop niya, password is Enan, all caps” bulong ni Claire. “Ikaw ate ha, sige na puntahan mo na. Akin na si baby Jason muna” sabi ni Lea.
(FLASHBACK)
Sa loob ng isang suite ng ospital nakahiga si Claire habang si Katrina hinihimas ang tyan ng kanyang ate. “Makikita ko na si baby Jason” sabi ng dalaga. “Why are you calling him Jason, we don’t know yet if it’s a boy or a girl” sabi ni Claire.
“Oh ate trust me its going to be a boy. I can feel it, ang lakas niya sumipa e. Syempre pag babae mahinhin yan” sabi ni Katrina kaya ang kanilang ina. “Sabi ng doctor baka bukas ka pa daw manganak, false alam kanina. I will be back tonight when your father leaves” sabi ni Pauline.
“Ma, wag ka na umalis. Please naman mag peace na kayo ni daddy” sabi ni Claire. “In due time anak, I hope you two can understand. Mamaya dadating naman kuya niyo” sabi ni Pauline. “Ma naman e, stay here. I need you here. Natatakot ako manganak” sabi ni Claire.
“Oo nga ma stay” sabi ni Katrina. “Okay, I will just go get my phone sa kotse” sabi ni Pauline. “Ako na, baka palusot mo lang yan e” sabi ni Katrina kaya kinuha niya yung susi sabay lumabas ng kwarto.
Habang naglakakad sa hallway may nakasalubong siyang mga nars at doctor na nagbubulungan. “Doc pano yan ayaw niya kumain” sabi ng nars. “Tsk yun na nga e, her relatives could not even convince her to eat. She really needs to eat, di sapat yung dextrose” sagot ng doctor.
Sa malayo may nakita si Katrina na binata na may hawak na lobo at basket ng pagkain. Tumabi ang dalaga pagkat nilapitan nito yung mga nars at doctor. “Are you a relative?” tanong ng doctor. “Oh no, but I am here to cure her” sagot ng binata kaya natawa konti si Katrina sa malanding sagot ng binata.
Tinuro yung kwarto, ang binata tumayo sa may pintuan sabay biglang sumigaw. “Nandito na ang lalakeng pinagpapantasyahan mo!” bigkas niya kaya nagtakip ng bibig si Katrina habang yung mga doctor at nars nagmadali para sana patahimikin ang binata.
Napatigil ang grupo ng doctor nang marinig nila tumawa at pumalakpak yung matandang pasyente loob. “Enan” bigkas ng matanda kaya nagtinginan ang mga doctor at nars. “Ngayon lang siya nagsalita” sabi ng doctor.
“Hey babe” landi ni Enan sabay tali sa lobo sa may pintuan at binaba yung basket. “Wag ka nang malungkot, nandito na ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng lupa…wag lang macircumsize baka akoy biglang mawala” banat niya kaya tumalikod yung mga nars at nagpigil ng tawa habang si Katrina nagtakip talaga ng bibig.
Sumilip sila sa loob kasama si Katrina at pinanood ang sobrang landing paglapit ni Enan sa kama. Biglang nagtanggal ng shirt ang binata sabay sumayaw pagiling giling. Pumalakpak yung matanda, “Babe, ano nanaman balita ko na ayaw mo kumain?”
“May text naman e, pwede mo naman ako itext para pumunta ako dito. Ikaw talaga kailangan mo pa mag inarte para magpunta ako dito. O yan, titigan mo ang aking katawan…pano mo na ako yayapusin pag mahina ka? Sayang yung asim mo babe. Alam mo yang asim mo pwede pa magtumba ng isang batalyon ng Abu Sayaff” landi ni Enan kaya tumawa ng malakas yung matanda.
“Doc, should we stop him?” tanong ng nars. “Wag..whatever he is doing its working” bulong ng doctor. “O siya siya may dala akong pagkain, kakain tayo. Magpapakababoy tayo babe pero wag kang mag alala at rarampa tayo sa Zumba paglabas mo dito. Now come on sit up and I brought you all your favorite food” sabi ni Enan kaya napangiti ng husto si Katrina.
Kinabukasan pagbisita ni Katrina sa ospital agad siya sumilip sa kwarto ng matanda. Muli niyang nakita si Enan kasama yung matandang babae at nagtatawanan sila. Sa labas ng kwarto nakita niya isang magandang babae na nakaupo sa banko kaya tinabihan niya ito. “Hi” bati ni Katrina.
“Hello” sagot ng dalaga. “Lola mo yung nasa loob?” tanong ni Katrina. “Ay oo, kayo ba yung taga dito sa tapat?” tanong ng dalaga. “Ay hindi, sa doon kami sa dulo. Manganganak ang ate ko kasi” sabi ni Katrina.
Napatigil ang usapan nila pagkat narinig nila ang malakas na tawa ng matanda mula sa loob ng kwarto. Napangiti yung dalaga kaya napangiti narin si Katrina. “I saw your brother yesterday, napatawa niya ulit lola niyo” sabi ni Katrina. “Oh he is not my brother, kaibigan ko lang siya” sabi ng dalaga.
“Katrina pala” sabi ng dalaga kaya nagkamayan sila. “Violet” sagot ng isang dalaga. “Your friend is so funny” sabi ni Katrina. “I know, magka vibes sila ni lola. Siya lang nakakagawa niyan sa lola ko” sabi ni Violet. “Siguro pati ikaw tawa ka din ng tawa pag kasama mo siya ano?” tanong ni Katrina.
“Sinabi mo pa, Enan is a very funny guy” sabi ni Violet. “Bakit wala ka kahapon?” tanong ni Katrina. “I went out with friends kasi, pero dumating na ako ng gabi. Wala din naman kasi ako matutulong, si Enan lang talaga may kaya sa lola ko” sabi ni Violet.
“O sige na pala, nice to meet you” sabi ni Katrina sabay umalis na. Ilang oras lumipas gumala ulit si Katrina at nakita niya si Violet at Enan magkasama sa hallway. Tumabi si Katrina sabay pinagmasdan yung dalawa. Ilang minuto lumipas bumalik siya sa kwarto ng kanyang ate sabay tinabihan ito.
“I just met the stupidest girl in the world” sabi ni Katrina. “Sino?” tanong ni Claire. “Yung babae doon, alam mo ate she has a friend who is so mabait and funny. I can see that he likes her pero yung girl, eeesh so stupid. So what if he does not look good, ang bait bait naman niya at nakakatawa” sabi ni Katrina.
“Don’t judge, malay mo bad mood lang yung babae” sabi ni Claire. “No ate I can see it in her eyes. The guy likes her, kitang kita ko pano niya tignan yung girl pero si girl naman kita ko naman na hindi niya like si boy. She is so stupid, pero what do I know diba?” sabi ni Katrina.
“Hayaan mo yan sila” sabi ni Claire sabay himas sa kanyang tiyan. “Ate sana wag ka pang manganak” biglang banat ni Katrina kaya natawa ang kanyang ate. “Para makita mo pa siya ano?” landi niya kaya natawa si Katrina. “Uy hindi ha, kasi wala ako kasama dito no. Baka magpanic ako” palusot ng dalaga.
Kinabukasan natuwa si Katrina pagkat nandon parin yung matanda. Ang tagal niya tumambay malapit sa pintunan at pinagmamasdan lang ang binata. Nagpipigil siya ng tawa, tuwing may dadaan nagpapasimple siya at nauupo sa bangko. Nung tumayo ulit siya para sumilip nagpanic siya pagkat sakto palabas naman si Enan.
Nagpaikot agad yung dalaga, bigla siyang nadapa at tumama ang bibig niya sa bangko. “Uy miss okay ka lang?” narinig niyang tanong ni Enan kaya nanigas talaga si Katrina. Naramdaman niya kamay ng binata sa kanyang likuran, hindi siya makagalaw pero tinulungan siya tumayo ni Enan.
“Are you okay? Blood!” sigaw ni Enan nang makita yung kamay ng dalaga na may bahid ng dugo. “Babe teka lang ha, diyan ka lang itatakbo ko lang si miss sa ospital” sabi ni Enan. “Nasa ospital na tayo” sabi ng matanda.
“Alam ko pero sa kabila ko siya dadalhin kasi dito siya naaksidente” palusot ni Enan. Kahit nakakaramdam ng sakit si Katrina natatawa siya, niyuko niya ang kanyang ulo nang akbayan siya ng binata sabay sinamahan papunta sa nurses station.
“Nurse, kindly take care of her. Naaksidente siya don sa Jurassic niyong bangko. Ang ganda ganda ng ospital pero yung bangko niyo parang furniture set ng Flintstones” sabi ng binata. Todo pigil sa tawa si Katrina habang nurse agad tumayo at nilapitan yung dalawa.
“Anong jurassic, carved wooden benches yon. Art yon” sabi ng nars. “Art ka dyan, sabihin mo sa artist na yan puntahan ako. Gawain ng tamad, kailangan ng ergonomic seats, e yang ginawa niya walang porma, nakakatakot tignan at hindi pa masarap upuan. Kulang nalang mabuhay sila tapos pwede na sila bida o kalaban sa Lord of the Rings. Ang matutuwa lang diyan mga unggoy” banat ni Enan kaya lalong niyuko ni Katrina ang ulo niya.
“Umalis ka na nga Enan, sige na ako na bahala sa kanya” sabi ng nars. “Kung magkano ang gastos icharge mo nalang sa account ko. Bigyan nalang kita ng premiere tickets sa aking movie” biro ng binata. “Hay naku Enan sige na puntanhan mo si babe mo” sabi ng nars.
“Uy ang ganda naman ng wallpaper ng computer niyo…pasend naman yan sa e-mail ko. Favorite character ko yang babae na…ay iba…pareho kasi pulang buhok. No thanks iba pala” sabi ni Enan. “Anak ni doc nagpalit diyan” sabi ng nars. “Pareho pala kami ng taste, favorite character ko din pula yung buhok” sabi ni Enan. “Five years old palang yon” sabi ng nars. “Pareho lang kami, di pa ako nagpuberty” banat ni Enan kaya natawa si Katrina. “Umalis ka na nga” sabi ng nars.
“Ay oo bibilhan ko pa pala siya ng napkin niya” sabi ni Enan kaya natawa na talaga si Katrina. “Napkin? Bakit dinadatnan pa ba si lola?” banat ng nars. “Ikaw talaga porke matanda na ginaganyan mo, diaper nga pero tawagin mo naman napkin para di naman nila maramdaman na matanda na sila”
“Napkin with wings, arms, torso and I will form the head. Voltron napkin alyas diaper ng matanda. Sige na pala, miss I hope you are okay. Don’t worry you are in good hands. Miss nurse ha, ikaw na bahala sa kanya” sabi ni Enan sabay umalis.
Pagkalayo ng binata agad lumingon si Katrina para sundan siya ng tingin. “Pasensya ka na don, sobrang daldal” sabi ng nars. “I like him” bulong ni Katrina sabay ngumiti. “Oh no, na chip yung ngipin mo, what happened ba?” tanong ng nars. “I fell..” sagot ng dalaga sabay ngiti.
Ilang minuto lumipas pumasok si Katrina sa loob ng kwarto ng ate niya. “Napano ka?” tanong ni Claire. “I fell..oh ate inakbayan niya ako..eeeeh” sabi ng dalaga kaya natawa ang kanyang ate.
Nakwento ni Katrina yung nangyari kaya tawang tawa si Claire. “Ate I really like him. Kahit nag anon itsura niya, kahit na ano pang sabihin ng ibang tao sa amin pero I really like him” sabi ni Katrina.
“Aysus, if you like him then why didn’t you introduce yourself to him?” tanong ni Claire. Nagsimangot si Katrina sabay himas sa tiyan ng kanyang ate. “E ate yung Violet ang ganda niya e” bulong ng dalaga.
“E akala ko ba she does not like him?” tanong ni Claire. “Oo nga pero he likes her. Baka ganon yung taste niya sa girls. She is prettier than me…parang ikaw at si Lea. Ugly duckling ako e” bulong ni Katrina.
“Baliw, you are very pretty kaya. Mag ayos ka lang ng tama, ang tamad tamad mo kasi pumorma” sabi ni Claire. “Bakit naman ako poporma e si daddy ang higpit. Walang sense pumorma at magpaganda kasi kahit may manligaw sa akin mga guard ni daddy haharang sa kanila” reklamo ng dalaga.
“Ganon talaga si daddy, buti pa si kuya ano?” sabi ni Claire. “Pero ate I really like him, pero I don’t think he will like me” sabi ni Katrina. “Don’t say that, you are very pretty sis. Mabait ka pa at alam mo sa pag ibig hindi naman importante talaga yang itsura”
“Ang importante kung ano ang nasa loob ng isang tao. Look at me, I screwed up” bulong ni Claire. “Uy ate I didn’t don’t say that” sabi ni Katrina. “Sorry sis kung naghihigpit sa iyo si daddy…kasanalan ko naman talaga. Look at me now, binuntis tapos iniwanan” sabi ni Claire.
“Ate tama na, at least you met kuya Clark you accepted you kahit na may take one ka” sabi ni Katrina. “Kaya nga e, I really didn’t like him before because…you know…pero he was always there for me, kahit na ganito nangyari sa akin nasa tabi ko parin”
“Kahit hindi siya ama nitong baby he still says its our baby” sabi ni Claire. “Tama na ate, gago talaga yung ex mo” sabi ni Katrina. “Nabulag ako sis, sorry talaga pag naghihigpit si daddy sa iyo” sabi ni Claire.
“Wala yon ate, pero ate I really like Enan. Wag ka pa manganak ha kasi wala pa ako lakas ng loob para kilalanin siya” sabi ni Katrina kaya natawa si Claire. “So tell me about him, share mo nga mga jokes niya” sabi ni Claire. “Aha, kanina sa nurses station sabi niya aalis siya para bilhan yung lola ni Violet ng napkin” banat ni Katrina kaya napatawa ng malakas ang magkatapatid.
Ilang buwan ang lumipas nakatanggap ng tawag si Claire, iyak ang una niyang narinig kaya ninerbyos siya. “Katrina what happened?” tanong niya. “Ate..ang sakit sakit..” sabi ng dalaga. “Katrina! Ano nangyari?” tanong ni Claire. “Ate may girlfriend na siya…artista pa” sabi ni Katrina.
“Sino? Si Enan?” tanong ni Claire. “Oo ate, tignan mo sa TV kasi nasa news sila” sabi ni Katrina. “Oh…ikaw naman kasi dapat kinilala mo noon e” sabi ni Claire. “E ate pagbalik ko discharged na sila. Ate ang sakit sakit ate” sabi ni Katrina. Sinindi ni Claire yung TV at sakto nakita ang balita.
“Oh so this is Enan…Cristine Suarez ang girlfriend niya?” bigkas niya. “Wala na ate…I give up on love already. Wala na siya. Wala ako ilalaban sa ganda niya” sabi ni Katrina. “Wow..lucky guy…akalain mo…” bigkas ni Claire. “I hate you! Wag mo siya laitin!” sigaw ni Katrina. “Sorry sis, I didn’t mean to..” sabi niya pero binagsakan na siyang telepono.
Isang buwan lumipas nakatanggap ng tawag si Claire, “Ate! Break na sila! Hahahahaha! Nag break sila” sigaw ni Katrina. “Sis ang bad mo, wag kang ganyan” sabi ni Claire. “Pero ate break na si Enan at Cristine. Oooh may chance ako” sabi ng dalaga.
“Give him time to grieve sis” sabi ni Claire. “Ilang hours? Okay days, two days?” landi ni Katrina kaya nagtawanan sila. “Loka loka ka, baka marinig ka ni daddy” sabi ni Claire. “Wala siya dito, anyway ate I just wanted to tell you the good news” sabi ni Katrina.
“Good news ka diyan pero wala ka naman gagawin to meet him” sabi ni Claire. “Huh, ate iba na ngayon. May confidence na ako. Nagpapayat ako, marunong na ako mag ayos at may secret weapon ako” sabi ni Katrina.
“Anong secret weapon?” tanong ni Claire. “Papakulay ko buhok ko ng red” sabi ni Katrina. “Baliw, bakit mo naman gagawin yon? Baka pagalitan ka lang ni daddy” sabi ni Claire.
“Because Enan’s favorite cartoon character has red hair. So pag nakita niya ako with red hair papasnin niya ako. Bahala na pero it will start there. Ate I really like him so gagawin ko lahat para makilala ko siya” sabi ni Katrina.
“Well goodluck with that sis. San mo siya makikita?” tanong ni Claire. “Ikaw talaga nakakainis ka, why do you have to spoil it? I don’t know where to see him, pero I know where he studies. I stalked his f*******: pero bihira naman siya magpost”
“I follow him sa Twitter pero ganon din. Ah basta ate itaga mo sa bato makikilala ko siya” sabi ni Katrina sabay baba ng phone. “Goodluck sis” bulong nalang ni Claire.
(End of Flashback)