Izzy Maaga akong nagising kinabukasan, kasi excited akong iexplore yung lugar habang maaga. Naligo na ako tsaka ako nagbihis ng jogging pants at tshirt na blue. Bago ako lumabas, nag iwan muna ako ng note para kay kuya. Just in case na hanapin niya ako. Gusto ko kasi makita yung sunrise. Pagkalabas ko ng hotel, bumungad sakin yung di naman kalakasang hangin. Malamig pero kayang kaya ko namang dalhin. "Wow ang sarap ng hangin!" sabi ko habang dinadama yung ihip ng hangin sa balat ko. Namiss ko tuloy sina papa, dati kasi lagi kaming pumupunta sa ganitong lugar lalo na pag may okasyon. Naglakad-lakad muna ako hanggang sa mapagod na ako at maupo sa may buhanginan. "Dito ko nalang siguro papanoorin ang pagsikat nang araw." bulong ko sa sarili ko Nakaupo lang ako sa may buhanginan hanggang

