Izzy Kakahiga ko palang sa hita ni kuya nung magsalita agad siya at nanunukso. "Yung princess namin nagdadalaga na." tukso ni kuya sa akin, hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. "Kuya naman eh! Kaibigan ko lang kaya siya." nakapout kong sabi "Kaibigan o kai-bigan princess?" nanunukso pa ding sabi ni kuya habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. "Kuya ha! Nagiging tsismoso ka na." natatawang kong sabi "Sa nakikita ko kay Kyler, I think he's inlove with you." walang pasakalye na sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Ano naman ang pinagsasabi ng kuya ko? "Ha? Your joking kuya. How would you know that? Nagconfess ba siya sayo?" sunod sunod kong tanong na ikinatawa niya lang bago niya ako sinagot. "I can see it with my two eyes princess. Lalake ako, at alam ko yung mga g

