Kyler Its been six years na hindi ko siya nakita. Nung sinigaw ni Elisse ang pangalan niya kanina natuod ako at hindi man lang gumalaw sa kinauupuan ko. Nananaginip ba ako ng gising o talagang totoo itong nangyayari. Hindi pa rin ako natitinag sa kinauupuan ko. Gusto kong lumingon pero natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat ng to. Alam ng Diyos kung gaano ko katagal hinintay ang pagkakataong magkita kaming muli. At alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Sa loob ng anim na taong wala siya. Hindi ako nagmahal ng kahit na sino bukod sa kanya. Kung maibabalik ko lang sana ang nakalipas. Hinding hindi ko gagawin ang biglaan kong pag iwan sa kanya. Hindi sana siya mawawalay sa akin ng ganito katagal na panahon. Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan nila. At doon nakita ko an

