Izzy Napabalikwas ako ng bangon ng makapa kong wala yung katabi ko sa higaan. Napabangon ako ng di oras at patakbong lumabas ng kuwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang kumakain kasama si kuya sa may kusina. Napansin ata nila na papalapit ako kaya napatingin sila sa akin. "Good morning mommy. You look tired mommy. Did you run?" nagtatakang tanong ng anak ko "Oo nga princess bakit parang tumakbo ka sa hitsura mo. Ni hindi mo pa nga naaalis yang muta mo oh." natatawang sabi ni kuya sabay turo niya sa akin. "Kuya naman eh, nang aasar ka pa. Nagulat ako kasi wala sa tabi ko si Cedrick. Kaya napatakbo ako pababa." nasabi ko nalang sabay hila ko ng upuan at umupo sa tabi ni Cedrick. "Morning baby! Did you sleep well last night?" "Yes po mommy. Is that your room when you

