Izzy Nakarating na kami ng bar. Nauna na niya akong pinababa kasi magpapark daw muna siya kaya hinintay ko siya sa may entrance. Ilang saglit lang nung matanaw ko na siya. Sabay na kaming pumasok ng bar. Medyo madami na ring tao. Nakita ko na agad sila, kumpleto na. Pagkaupo namin umorder na sila ng drinks namin. "Wife hinay hinay lang baka maglasing ka nanaman." paalala niya sa akin "Dont worry hubby. Konti lang iinumin ko promise! tsaka pala guys" sabi ko habang tinitignan ko sila "Is it okay kung pupunta si kuya Shawn dito. I invited him kasi. Kung okay lang naman" tanong ko sa kanila "Its okay Izzy. Mas madami mas masaya diba guys" masayang sabi ni Jacob "Thank you guys!" Isang oras din ang nakalipas nung dumating si kuya. Pinaupo ko siya sa may left side ko. "Am I late pri

