Izzy Maaga kaming umalis kinabukasan para makapasok kami. Idinaan niya muna ako sa bahay para maiuwi ko yung mga gamit ko bago kami pumasok ng school. Inihatid niya naman ako ng room bago siya umalis. Nadatnan ko si best sa upuan niya at busy na nakikinig sa ipad niya kaya di niya namamalayang nakauoo na ako sa tabi niya. Nagulat siya nung nakita niya akong nakaupo sa tabi niya. "Kanina ka pa jan best??" gulat na tanong niya sakin "Yup, Dinadama mo masyado yung song kaya di mo ko namalayang umupo sa tabi mo." nakangiti kong sabi "Ui ang saya ng aura mo best promise!" tukso niya sakin, siyempre naman ikaw kaya ang makasama mo ang mahal mo. "Ang saya best! Yung feeling na napakaimportante ko sa kanya.He treated me as his queen best" kinikikig kong sabi "Now you know what it feels to be

