Izzy Like what I planned. Naghintay talaga ako ng magandang timing para kornerin si Kyler. Masyado na kasi siyang nagpapabebe sa akin. Para siyang bata na nakikipag hide and seek sa akin. Napangisi ako nang makita ko siyang papalabas ng library. Nagpalinga linga pa nga ito sa paligid na tila ba may hinahanap. Maya maya ay naglakad na ito pakaliwa. Umaayon pa talaga sa akin ang tadhana. Mas madali ko siyang mako-corner. Madadaanan niya ang puwesto kung saan ako nagtatago. "Iniiwasan mo ba ako?" Biglang labas ko ng sulok. Kita ang gulat sa kanyang mukha. Akmang tatalikod ito at aalis nang hawakan ko ang kamay niya. "Why, Kyler? Wala naman akong sakit na nakakahawa para iwasan mo ako." I sighed. "I'll let you go again this time. Just tell me when your ready talking to me." Binitawan k

