Chapter 2

2281 Words
Napagpasyahan kong sa library muna magpalipas ng oras. Wala kasi si Elisse dahil may pinuntahang importante. Babalik din daw ito after ng gagawin niya. Naiwan akong mag isa kaya sa library ang tungo ko. Masyadong mahaba ang dalawang oras na nakatunganga kayaagbanasa na lang ako. Nang makarating na ako ng library ay diretso na ako sa bookshelves para maghanap ng babasahin. At nang makahanap na ay agad akong pumuwesto malapit sa may bintana malayo sa mga eatudyante. Wala pang ilang minuto akong nagbabasa nang may magsalita sa may harapan ko. "Look who's here." He said, sarcastically. I rolled my eyes. Hindi ata ako nilulubayan ng kamalasan. Hindi ko ito pinansin. Mas importante ang binabasa ko kaysa sa kanya. "Nagbibingi-bingihan pang?" "Do I know you?" I asked, not looking at him. Para saan pa? Para maistress lang. It's a big no. "As far as I remember, hindi kita kilala. And never kotang gustong makilala. So, if you don't mind, can you excuse yourself? I'm a bit busy and you're disturbing my peace." "Woaah!" He hissed. "Ang bilis mo namang makalimot. Hindi mo ba nakikita ang ginawa mo?" Nacurious ako sa sinabi niuo kaya tinignan ko siya. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa. Ang bilis namang nagkapasa ng mukha niya. God! Anak mayaman nga naman. Baka konting kurot lang ay mahahalata mo na agad. Anyway, he deserves it. "You deserve it." I said shrugging. "How dare you say that I deserve it." May diin ang bawat salita nito na tinaasan ko lang ng aking kilay. "It's true, so why not say it. Saka bakit ka ba nang iistorbo? Can you just leave me alone?" I asked and motioned his way out of my sight. "Hindi mo ba ako kilala?" He stood straight and crossed his arms on his chest. "Dapat ba kitang kilalanin?" Nakataas ang kilay na tanong ko at tuluyan nang isinara ang librong binabasa ko. "As I've said, hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka. So, makakaalis ka na." "Baka gusto mong mapalayas sa eskuwelahang ito. You don't know what I'm capable of." Mag pagbabanta sa kanyang boses na tinawanan ko lang ng mahina. "Sinong tinakot mo? Ako?" Umiling iling ako. "Just do what you wish for. Ang dami mong satsat. Nakakarindi ka na. Para kang manok na putak nang putak." Tuluyan na akong tumayo sa aking pagkakaupo. Nawalan na ako ng ganang magbasa. Sa pag alis ko ay sinadya kong banggain ito. Paano ba naman, nakaharang ito sa aking dinaraanan. "You'll regret and beg." He said. "Nah, I won't." Taas noong sambit ko at naglakad na paalis. Nakakailang hakbang palang ako nang magsalita ulit ito. "Nasasabi mo yan dahil hindi mo pa ako kilala. Baka magsisi ka bihla kapag nalaman mo kung sino ang binastos mo." I composed myself then turn back at him and smiled. "Huwag ka masyadong assumero, Mister, baka masaktan ka lang. Hinding hindi mangyayari ang iniisip mo. Saka, hindi kita binastos. I just stated the fact. May kalayaan naman akong sabihin ang nararamdaman ko. You came to me and invaded my peace. Ibig sabihin--- ikaw ang bastos dito at hindi ako." Tuluyan ko na siyang iniwan sa kinatatayuan niya. Hanggang sa naibalik ko na ang libro sa kinalalagyan nito ay nadaanan ko pa din ito sa puwesto niya. Para siyang may kakatayin sa sobrang sama ng tingin niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilagpasan. Pinakita ko sa kanya na hindi ako natatakot sa kanya. ~~~~~~~ Mabilis lumipas ang mga oras. Lunch time na ngayon. Nagkayayaan kami ni Elisse na sa cafeteria na lang kumain. Ayoko sana dahil may kamahalan ang mga pagkain sa cafeteria. Kung hindi lang ako ililibre ni Elisse ay baka sa labas na lang ako kakain. Mas mura doon. Pagpasok pa lang namin sa cafeteria ay napabusangot na ang aking mukha. Paano ba namang hindi, kung pagbungad mo pa lang ay demonyong asungot na agad ang bubungad sa iyo. Tapos nakatitig ito sa akin ng masama na para bang anytime ay kakainin niya ako ng buhay. Kung hindi pa ako hinila ni Elisse papunta sa mga pagkain ay hindi ko iirapan ang asungot. Minabuti kong ignoragin na lang ito. Masisira lang ang tanghalian ko kung iisipin ko pa siya. Nang makakuha na kami ng pagkain at nakabayad na ay tinungo namin ang bakanteng lamesa na malapit sa may entrance. It's a six seater. No choice naman kami dahil iyon na lang ang bakante. Nagkukwentuhan kami ni Elisse habang kumakain. Nasa kalagitnaan na kami nang biglang may tumikhim at nagsalita sa tabi ni Elisse. "Hi," nakangiting bati nito. "Sorry to disturb, both of you. Gusto lang sana naming sumalo sa inyo." Likas na mabait si Elisse kaya agad itong tumango ng nakangiti. "Sure, suit yourselves." "Thank you," pasasalamat ng lalake at mabilis na naupo sa tabi ni Elisse. Hindi naman halatang may gusto ito kay Elisse, eh, noh? "By the way, I'm Jacob." Pagpapakilala nito at iniabot ang kamay nito sa amin para makipagkamay. " And these are my friends, Nathan, Blake, and Kyler." "Okay na sana, kaso kay kasamang asungot." I murmured. Nagulat ako nang mahina akong tadyakan ni Elisse sa ilalim ng mesa at minulagatan. "Umayos ka," sambit nito sa akin na ikinanguso ko. "Maayos silang lumapit sa atin, so be nice to them. Okay?" Tumango na lang ako. Wala naman akong magawa. "I'm Elisse and that is my bestfriend Izzy. Pagpasensiyahan niyo na siya, ganyan lang talaga iyan pero sobrang bait din siya. Nice meeting you all." Nakangiti ito habang nakatingin sa tumabing lalake sa tabi niya. Nang dumako ang mata ko sa asungot ay nakatingin pala ito nang masama sa akin. "At ano ang tinitingin tingin mo diyan?" Mataray na tanong ko na ikinatawa ng mga kasama nito. "Huwag mong sabihin na nagagandahan ka sa akin? Sorry to burst your bubble but I will not be interested on you. Hindi katulad mo ang ideal love of my life ko." "Ang kapal!" Singhal nito at umayos ng upo. "No way one earth na magagandahan ako sa isang kagaya mo. That's horrible!" Nandidiri pang bulalas nito. "Maka-horrible ka naman diyan." Sinamaan ko siya ng tingin. "Yang mukha mo ang horrible. Tsk!" Nakita ko ang palipat lipat na tingin ni Elisse sa akin papunta sa asungot tapos nagtataka itong tumitig sa akin. "Itong mukhang ito ang hinahabol ng mga kababaihan. At isa ka na doon." He said confidently. Kunwari ay nagsusuka ako. "Yuck, nakakasuka ang mga pinagsasabi mo. Ako? Nabibilang sa mga kababaihan na magkakagusto sayo? Oh my goodness! That's not gonna happen. Masyadong mataas ang standards ko at hinding hindi pasok maski hinliliit sa mga daliri mo. Kaya wag kang mag assume." Umiling iling pa ako. "Wait?" Naguguluhang saway ni Elisse sa amin. "Izzy? Anong meaning nito? Magkakilala kayo?" "Hindi." Agad kong tanggi. "Then, what's with those batuhan ng salita thing?" Elisse asked. "Mahabang storya, bez. Mamaya ko ikukwento sa'yo, baka mapahiya yung kakilala ko diyan na akala mo napakataas ng araw sa loob ng cafeteria." Nang aasar akong tumawa. Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kasama niya. Siguro ay respeto na lang nila sa kaibigan nila.kaya pinilit nilang huwag matawa. "Be kind, bez. Not now, okay?" Umiling ako dahil hindi ko kayang pakitunguhan ng maayos ang lalakeng iyon. Never. After calling me a b***h? Aba! Swerte niya masyado. He won't get my respect. "I'm okay with the three, being our friend, but not with the last one. Hindi ko kaya at hindi ko maatim. I won't be a plastic person just for him. Mauna na ako sa room, nawalan na ako ng gana." Paalam ko sa kanya bago humarap sa tatlo. " Nice meeting you and I'm happy to be your friend. If you'll excuse me, kailangan ko ng bumalik sa room namin." Nakangiting paalam ko sa kanila at tumayo na. Walang nagawa si Elisse kahit na hawakan nito ang kamay ko. She knows me, at alam nitong hindi ako nagpapapigil kapag ganito ang attitude ko. Umalis na ako ng cafeteria at naglakad na pabalik ng room. On my way, halata ko ang masasamang tingin ng mga kababaihan sa akin. At dahil inis pa ako, tinaasan ko sila ng kilay at tinarayan. "Anong tinitingin tingin niyo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang estudyante na nakasapaw sa mga kagandahan niyo?" "Masyado kang matapang, gurl. Ilugar mo ang katapangan mo." Mataray ding sambit ng babaeng mahaba ang buhok. "At binahiran mo pa ang gwapo nitong mukha. How dare you!" Galit na bulyaw nito at nagalakad palapit sa gawi ko. "Tapos?" Kalmadong tanong ko. "Wala kang karapatang saktan si Kyler!" "At ano naman ang pinaglalaban mo? Yang Kyler niyo na parang babae kong pumutak? And about sa mukha niya--- he deserves it. Tanungin niyo siya kung bakit. Huwag ako ang pinagdidiskitahan niyo." "You b***h!" Sigaw nito at akmang sasampalin ako ng sinalag ko ito. Pangalawang tao na tumawag sa akin ng ganyang salita. At hindi na ako papayag na ulitin niya pa. "Don't you dare slap me." Madiing pahayag ko at mas hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "At wag na wag mong babalakin dahil hinding hindi ko iyon hahayaan. Bago mo maidapo ang madumi mong kamay sa mukha ko--- I will make sure na mauuna muna kitang masampal. Pero hindi ako kagaya mo. Hindi ako mananakit ng dahil lang sa kjnababaliwan niyang lalake. Sa inyong sa inyo yang Kyler niyo. Isaksak mo siya sa baga mo." Mahabang litanya ko ay binitawan na siya. Walang lingon likod ko silang nilagpasan. Kota na ako sa araw na ito kaya kailangan kong kagrepax at lumayo sa mga taong nagiging dahilan. ~~~~~~ Mabilis na lumipas ang mga araw. Kapag nagsasalubong kami ng asungot na iyon ay hindi pwedeng hindi kami magbangayan. Tapos madalas pa siyang kasama ng mga kaibigan nito kapag sinusundo kami ni Elisse. Gaya na lang ngayon. Sinundo nila kami at nag aaya silang magmall. Hindi ako makakasama dahil madami akong gagawin sa bahay. May mga binilin din kasi si Kuya. At ang pinakadahilan ay kulang ang pera ko. Nakakahiya naman. Tapos sa lalakeng iyon ay napakalaking issue na. "Kung ayaw suma, hayaan niyo na. Masyado lang siyang paimportante." Sabad ni asungot na hindi ko na lang pinansin. "Una na ako sa inyo." Paalam ko sa apat na ikinadis appoint nila maliban kay asungot na tuwang tuwa. Magsasalita sana si Jacob nang magsalita na naman si asungot na ikinainis ko na ng tuluyan. "Mas masaya kung hindi ka kasama. Saka aminin mo ng wala kang pera kaya ayaw mong sumama. Dami mo pang dahilan. Hindi ka nababagay sa mga kagaya namin dahil mahirap ka lang." Nang aasar na litanya nito. "Eh ano ngayon kung wala akong pera? Ano ngayon kung mahirap lang ak Anong pjnagpuputok ng buchi mo?" Diretsahang tanong ko sa kanya at hinarap ito. The more na iniignora ko ito, the more na nagpapapansin mas lalo. "Ikinaguwapo mo ba ang pagkamayaman mo?" "Matagal na akong gwapo. Iniisip ko nga kung paano mo naaafford ang mag aral sa eskuwelahan ko? Eh, mahirap ka lang naman." Mapanghusgang saad niya na ikinatama nito sa akin. Alam ko namang mahirap lang kami. Hindi na niya kailangang ipamukha pa iyon sa akin. Eskuwelahan niya? Anong ibig niyang sabihin? "Ano bang pakialam mo kung mahirap lang ako? Huwag mong problemahin ang hindi mo naman dapat prinoproblema. Unless you care?" Sarkastikong tanong ko. Hiding the pain inside me. May mga tao talagang mapanghusga. "Hindi ko prinoproblema ang isang gaya mo. Kating kati na nga akong paalisin ka sa eskuwelahan ko---" I cut him off. "Nakakaflatter namang pinag aksayahan mompa ako ng oras mo. Don't worry, hindi ko nanakawin ang pambabayad namin sa matrikula ko. Kaya qala kang karapatang paalisin ako ng basta basta kahit na sabihing eskuwelahan mo pa ito." Hayagan kong pinakita ang pagkadismaya ko. " I have all the rights." He said, confidently. "f**k you!" I cursed. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. "Don't you dare curse at me." Babala nito. "I can make you leave this school instantly." "Maging patas kang gago ka!" Bulyaw ko na dito. Ang tinitimpi kong galit ay umalpas na. Iniisip ko palang na masasayang ang pinaghirapan ng magulang ko dahil sa selfish na lalakeng ito--- nanggagalaiti na ako. "Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Maging isang bastos na anak? Nakakahiya ka---" At bago pa niya natapos ang sasabihin niya ay dumapo na ang kamay ko sa kanyang pisngi. Saktan niya ako ng mga salita niya. Huwag lang niyang idadamay ang mga magulang ko. Mabilis na naglandasan ang luha sa aking mga pisngi na agad kong pinahid. I can't be too weak infront of him. "Don't you dare na idamay ang mga magulang ko. Wala kang alam. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sakin. Kahit insultuhin mo ako. Huwag na huwag mo lang idadamay ang parents ko dito. Kung galit ka sa akin, dapat sa akin lang! You're being unreasonable!" Galit na sigaw ko. "Oo, mahirap lang kami, pero tinuruan kami ng mga magulang naming gumalang sa mga dapat galangin! Piliin mo mga salitang lumalabas aa bibig mo Kyler! Kahit mahirap lang ako, alam kong ilugar ang sarili ko! Huwag kang mag-alala. Kung ang pag-alis ko dito ang tangi kong paraan para 'di ko na makita yang bwisit mong pagmumukha. I'll let myself drop in this damn f*****g school of yours! Iyong iyo ang eskuwelahang sinasabi mo! I quit!" Sa pagtalikod ko ay hindi ko na pinigilang magsilaglagan ang mga luha sa aking mga mata. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi na ako lumingon. Diretso na akong umalis at sumakay sa nakahintong dyip sa tapat ng school na sakto namang paalis na. I won't let someone degrade my family. Not in my watch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD