Pagkadating ko sa bahay agad akong sumalampak sa sofa. This day was tiring. Dagdagan mo pa ng nangyari kanina.
I can't help myself from hating him. Napakayabang niya. Porke't pag aari niya ang eskuwelahang iyon! He's unbelievable! Isaksak niya sa baga niya ang eakuwelahang pinagmamalaki niya.
"Damn you, Kyler, to death!" Nagpupuyos na mura ko. Iniisip ko pa lang ang lalakeng iyon ay nanggagalaiti na talaga ako. Hindi niya kailangang idamay ang pamilya ko sa galit niya sa akin. Sarap niyang ipalapa sa leon.
Kainis!
"Paano na ako nito ngayon? Hindi ko maarim na malaman nina papa at mama ang nangyari, lalo na si Kuya." Namomoblemang sambit ko. Kinakausap ko na ang aking sarili.
Hindi pa nakahupa amg galit ko nang marinig ko na ang pagkatok sa may pinto. Alam kong si Kuya na iyon dahil nangako siyang maagang uuwi. Nananalangin na lang ako na sana ay hindi nito mapansin ang pamumula ng aking mga mata.
"Saglit lang, Kuya!" Sigaw ko bago tumakbo sa maliit na kusina para maghilamos. Kunwari ay nababad sa sabon ang aking mga mata. Kailangan kong makalusot. Ayokong magtanong si Kuya.
Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Pero dahil sa kutong lupa na iyon ay magagawa kong magsinungaling ngayon.
Pagkatapos kong maghilamos ay mabilis kong tinakbo ang pinto. Kinuha ko ang robang nakasabit sa likod ng pinto at ipinangpunas ko sa aking mukha.
Pagbukas ko ay nakangiting mukha ni Kuya Shawn ang bumulaga sa akin habang nakataas ang isang supot malapit sa kanyang dibdib. Napangiti ako dahil alam kong ulam ang dala niya. At hindi lang ordinaryong ulam, kung hindi ang number one na paborito ko.
"Ang bait talaga ng Kuya ko!" Awtomatikong naalis ang galit sa aking dibdib. Napangiti ako at agad na kinuha ang supot mula sa kanyang kamay. "The best talaga ang kuya ko." Dagdag ko pa na ikinagulo nito ng aking buhok.
"Napakabolera naman ng prinsesa namin." Nakangiti nitong sabi.
"Hindi iyon pambobola, Kuya, ha. Talagang the best kuya ka around the universe. Wala talagang papantay sa'yo." Buong pagmamalaking hayag ko at yumakap sa kanyang braso.
"Oo nalang, prinsesa." Pagsang ayon na nito at nagpahila na sa akin papasok ng bahay.
"Alam kong kadarating mo lang dahil naka uniporme ka pa. Mauna ka ng magbibis at magsasaing lamg ako." Napanguso kao sa tinuran ni Kuya. Always ako ang inuuna niya.
He's really a perfect kuya to begin with. At walang walang papantay aa pagmamahal ko sa kanya at sa magulang ko.
"Sige, Kuya. Ilalagay ko lang ito sa kusina para makapagbihis na ako. Pero ako ang maghahanda ng hapag, Kuya, ha?" Bilin ko na ikinatango nito bago muling ginulo ang aking buhok.
"Sige na, umakyat ka na at magbihis." Pagtataboy nito sa akin at kinuha ang aupot sa kamay ko bago niya ako mahinang itinulak papunta sa hagdanan.
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin na lang ito. Nakakailang hakbang pa lang ako ng lumingon ako kay kuya na ngauon ay nagtatanggal na ng kanyang sapatos.
I sighed.
Paano ko sasabihin sa kanya na pinatalsik na ako sa pinapasukan kong school?
Ang bigat ng aking dibdib kapag naiisip kong mula bukas ay kailangan kong maghanap ng lilipatang eskuwelahan.
"Oh, ano pang tinutunganga mo diyan Prinsesa? May problema ba?" Nakita ko ang pagbalatay ng pag aalala sa kanyng mukha. Kahit bagsak ang kalooban ko ay pinilit ngumiti para hindi ito mag alala.
"Wala namang problema, Kuya ko. Naiisip ko lang talaga na sobrang suwerte ko na kayo ang naging pamilya ko. At never kong ipagpapalit ang kagaya niyo sa iba. I love you, Kuya Shawn."
"Nakakapanibago ka talaga ngayon. Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" Makikita mo na ang pag aalala sa kanyang mukha.
Tumango ako habang nakangiti. "Okay lang talaga ako, Kuya. Ano ka ba. Nagda-drama lang ang prinsesa niyo, eh. Hindi na pagbigyan." I said, assuring him.
"You sure?" Paninigurado nito na tinanguan ko sa pangalawang pagkakataon.
"Magbibihis na muna ako, para makakain na tayo ng favorite ko!" Pinasigla ko ang aking boses at pumalakpak pa. Sinisigurado kong hindi niya mahahalata ang lungkot sa aking mga mata. And before he could say another word--- mabilis na akong umakyat sa aking kuwarto at doon ibinuhos ang namuong luha sa aking mga mata.
~~~~~
Elisse
"What did you do, Kyler? You are so insensitive." Hindi makapaniwalang saad ko. Hindi porke't siya ang may ari ay ganyan na lang siya kung umasta. Izzy doesn't deserved to be treated that way.
Nanatiling nakatungo si Kyler at hindi umiimik.
"Hindi mo ugali ang manghamak ng tao, Kyler. We know you. Why the sudden?" Naguguluhan ding tanong ni Jacob sa kanya na hindi rin nito sinagot.
"Elisse and Jacob are both right.May problema ba, pare?" Nag aalalang tanong ni Nathan na ikinatingin lang sa amin ni Kyler bago kami tinalikuran.
All we did was to sighed.
Hindi siya maaaring maalis sa eskuwelahan na ito. Ano na lang ang sasabihin ni Kuya Shawn kapag nalaman niya ito. I know, he would get mad at Kyler. Ayaw na ayaw pa man din nilang nasasaktan si Izzy. Baka bigla nalang sumugod iyon dito.
"What to do now?" Blake asked, sighing again.
"I got to go," biglaang paalam ko.
"San punta mo?" Agad na tanong ni Jacob sa akin. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko nakikitang maayos lang si Izzy.
"Kina Izzy."
"We're coming!" Sabay sabay na sigaw nila sa akin na ikinatigil ko sa akmang pag alis.
"Kayong tatlo?" Naniniguradong tanong ko.
"Yeah, hindi din kami makakampante sa lagay na 'to." Sagot ni Blake na ngayon ay nakapamulsa na sa aking harapan.
"Sigurado kayo?" I asked again.
"Yes, sure kami." Si Jacob na nasa harapan ko na din at nakataas na din ng kamay sa tabi ni Blake.
"Ako din sure na sure." Si Nathan na tumayo lang sa tabi ko at hindi ginaya ang dalawa. Always the shy type Nathan.
"Okay, okay, let's go."
Nagpatiuna na akong maglakad, pero agad din napatigil dahil hindi ko alam kung sasabay ba silang tatlo sa kotse ko.
"Saan tayo sasakay?" Humarap ako sa kanila.
"Sa kotse ko!" Sabay aabay na naman nilang sambit na ikinatingin ko sa kanila isa isa.
"My car na lang." I said as I turned my back on them. Mahirap na. Baka magkulitan pa sila at magpresintahan. Wala pa anmang patalo sa kanilang tatlo.
Hindi ko alam kung sumusunod sila sa akin. Basta ako--- diretso ang tungo ko sa parking lot.
Pagdating ko sa tapat ng aking sasakyan ay agad ko itong binuksan at pumasok. Naging sunod sunod din amg pagpasok nila. Naparoll eyes na lang talaga ako ng nasa backseat silang tatlo. Ginawa talaga nila akong driver.
"Baka naman gustong lumipat ng isa sa inyo dito sa harap. Pinagmukha niyo akong driver." Tumingin pa ako sa salamin para tignan sila.
"Sorry," agad na hingi ni Jacob ng tawad at nagmadaling lumipat sa passenger seat.
"Apology accepted." I said when he got in.
Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami.
On our way, dumaan talaga ako sa iaang convenient store para bumili. I know Izzy when she's upset. At pagkain lang ang katapat ng problema niya. Binili ko lahat ng paborito niyang kainin and every ice cream flavor they have. I want Izzy to know that I am always here for her. At ang tatlo--- nagsibitbit din ng kung ano ano mula sa convenient store. Kung ako dalawang plastic, silang tig aapat. Mga rich kid talaga. Dinaig pa ni Izzy ang nagpagrocery nito.
Magugulat panigurado ang babaeng iyon.
Treinta minutos pa ang lumipas ng nasa labas na kami ng pintuan nina Izzy at kumakatok. Nagulat pa si Kuya Shawn sa amin. Lalo na sa mga bitbit namin.
"Nasa taas si Izzy. Saglit at tatawagin ko siya." Saad ni Kuya Shawn pagkatapos niya kaming estimahin.
"Thank you, Kuya."
Ngumiti ito sa amin bago niya kami iniwan. Halatang wala pa siyang alam sa nangyayari.
~~~~
"Anong ginagawa niyo ditong apat?" Napatayo kaming tatlo. Ako ang sumalunong sa kanya mula sa hagdan.
"We are worried---" tinakpan nito ang bibig ko at sinenyasan akong huwag maingay. Agad ko namang naintindihan ang senyas niya, lalo na ng ituro niya sa taas.
Iginiya ko siya sa may maliit nilang sala. Pagkaupo niya ay agad niya akong inirapan.
"Ilang beses kong sinabi na huwag mong dadalhin ang grocery store dito sa bahay, di ba?" Pinamaywangan niya pa ako. "Saka huwag ka maingay, baka marinig ka ni Kuya. Tapos dinala mo pa silang tatlo dito." Tinignan nito ang tatlo na panay ang lingon sa loob ng bahay nila Izzy. Ngayon lang siguro sila nakapasok sa ganito kaliit na bahay, lalo na at magkakasama ang sala at kusina ng wala man lang dibisyon.
Huminga muna ako ng malalim sabay hawak sa dalawa nitong kamay.
"How are you feeling?" I asked. Kita ko naman na natahimik na ang tatlo at titig na titig na sa aming dalawa. Wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita.
"Sa totoo lang?" She sighed and looked upstairs. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Galit ako na nalulungkot na masaya na hindi ko alam. Halo halo na. Samahan mo pa ng disappointment."
She sighed and closed her eyes.
"Kakausapin namin si Kyler tungkol dito. Nagulat lang siya sa desisyon niya." Blake said, convincing her.
"He mean it, Blake. Una palang pinagmamayabang na niya na siya ang masusunod dahil lang sa eskuwelahan niya ang pinapasukan natin. So, okay lang. Isaksak niya sa baga niya ang pinagmamayabang niyang pag aari niya. Saka mas gusto ko na din ito para hindi na magtagpo ang aming landas. Baka makagawa pa ako ng ikakasisi ko sa bandang huli." Mahabang litanya nito sa mababang boses.
"No, he didn't mean it. Kilala namin siya, baka kay pinagdadaanan siya sa pamilya niya kaya mainit dugo niya. We can handle him." Jacob explained to her.
Umiling ito ng mapait. "I said what I said earlier. Saka may pinagdadaanan man siya o wala, he has no right to insult or degrade someone just to say that he's on top of everyone."
I agree with her. Pero kaibigan din namin si Kyler. Baka nga tama sila na may pinagdadaanan nga siya. Pero just what Izzy said, hindi iyon dahilan para mang insulto siya.
"Pero saan ka lilipat?" I asked, worriedly. Desidido na kasi siya at ang hirap siyang kumbinsihin kapag nangingibabaw ang galit niya.
"Hindi ganoon kadaling lumipat ng eskuwelahan. Saka mahirap maghanap." Blake said.
"Maraming public schools na tatanggap sa akin. Hindi pa naman nangangalahati ang sem kaya madali pa. Makakahabol pa ako. I just have to withdraw all my credentials sa school na yon para makalipat ako." Paliwanag niya na ikinalungkot ko. Kaya iyon ang pinili kong school dahil doon din siya. And now, maiiwan akong mag isa.
"We can talk to Kyler---" Izzy cuts Blake off.
"No need. He has the right to decide what's best for his school. At wala na akong pakialam sa kanya." Kita mo talaga ang galit sa mukha niya kapag nababanggit ang pangalan ni Kyler
"Magagawan namin iyan ng para---"
"Let's just stop talking about what happened. Lalo na ang taong iyon. Saka, tama nga naman siya. Hindi ako nababagay sa mundo niyo."
Napailing kaming apat sa tinuran niya. Alam naman niya na sa simula palang ay parte na siya ng mundo ko at wala ng mababago doon.
"Then, lilipat ako sa lilipatan mo. As simple as that." Anunsiyo ko na ikinatingin ng tatlo sa akin at ikinaani ko ng batok kay Izzy.
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin kung ayaw mo g magalit ako." Napanguso ako dahil seryoso na naman ang mukha niya. Napatingin naman ako kay Jacob ng may binubulong ito kay Blake.
"What?" I asked.
Agad silang napailing and said none. Napakibit na lang ako ng aking balikat. I was about to talk when my phone rang. Nadidis appoint na kinuha ko iyon mula sa aking bag.
Dad is calling again. At alam ko kung bakit. Napatingin ako kay Izzy. Pinisil nito ang aking kamay. Izzy knows everything. At alam din nito kung para saan ang tawag.
"Kailangan mo ng umuwi." She said.
Napatango na lang ako at malungkot na tumayo. Naguguluhan ang tatlong napatingin sa amin, lalo na sa akin. I don't want to explain at mas lalong ayaw kong malaman nila.
Agad akong nagpaalam kay Izzy at tinawag na ang tatlo. Ayaw pang sumama ni Blake at Nathan pero wala din silang nagawa sa huli. Sinabi na lang ni Izzy na magkikita na lang sila bukas kaya napapayag niya din umuwi ang dalawa.
Everybody has their own problems in life. Siguro nga ay may dahilan si Kyler. Gaya ko, may dahilan din ako kung bakit dinidistansiya ko ang aking sarili sa maraming bagay.