Izzy
Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng aking kuwarto. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Hindi ko kasi alam kung lalabas ba ako o hindi.
Alam kong nakahanda na ang almusal namin at naghihintay na si Kuya sa baba. Ang ikinatatakot ko lang ay baka bigla kong masabi ang totoo
Napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang lumabas ng kuwarto at bumaba.
"Oh, prinsesa, bakit 'di ka pa bihis?" Nagtatakang tanong ni Kuya sa akin habang tinitignan niya ang oras sa relo niyang pambisig.
"Hindi muna ako papasok ngayon, Kuya." Umpisa ko at naghugas ng kamay sa may lababo. "Medyo masama kasi pakiramdam ko." Dagdag ko pa sa kasinungalingang inuumpisahan ko.
Bumalatay ang pag aalala sa mukha ni Kuya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty. Inilihis ko ang aking tingin .
"Okay ka lang ba?" Lumapit agad ito sa akin at dinama ang aking noo. "May masakit ba sa 'yo? Anong masakit sa 'yo, Princess? Uminom ka na ba ng gamot?" sunod-sunod na tanong nito.
"I'm sorry for lying, Kuya. I just didn't want to disappoint you." Naguguilting saad ng aking isipan. Pinilit kong ngumiti bago nagsalita. Ngiting magpapakalma sa pag aalala niya.
"Okay lang ako, Kuya." Masiglang sambit ko at yumakap sa kanyang braso. "Konting pahinga lang ang kailangan ko. Nothing to worry about. Saka uminom na ako ng gamot kanina."
Grabe na ang kasinungalingang naumpisahan ko ngayong araw. Maaga pa lang pero kota na ako sa pagsisinungaling. And it's because of that mayabang na asungot.
"Sigurado ka?" paninigurado nito na tinanguan ko at ngumuso. "Kung hindi nalang kaya ako pumasok para mabantayan at maalagaan kita?" Suhestiyon pa niya na mabilis kong inilingan.
"Naku, Kuya! Sayang lang ang araw mo kapag nagkataon. Pahinga lang ang kailangan ko. I'm sure, maya-maya lang ay maayos na ako."
Kuya sighed. "Okay, if you need anything--- tawagan mo lang ako. Uuwi kaagad ako."
Tumango ako at ngumiti. He's always the best kuya for me. Wala ng papantay pa sa kanya. At bago pa magbago ang isip niya at hindi na talaga pumasok--- agad akong naupo sa may upuan at nakangiting hinawakan ang aking kutsara.
"Kain na tayo, Kuya!" Kay siglang aya ko na agad nitong ikinangiti. "Gutom na ako." At hinaplos ko pa ang aking tiyan.
Nangingiti itong umiling bago umupo at hainan ako ng aking makakain. Ganyan siya lagi sa akin. The very sweet kuya, ever. Kumain na kaming dalawa hanggang sa magpaalam na si Kuya na magbibihis.
Kaming dalawa lang ni Kuya ang nakatira dito. And dalawa lang kaming magkapatid . At dahil nag iisa akong babae at bunso pa, isa akong prinsesa sa mga mata nila. I always get what I want. Hindi nga lang sa mga material na bagay. Kung hindi sa pagmahal at pag aaruga ng kapatid at magulang. Wala man ang mga magulang namin sa aming tabi--- ramdam pa din namin ang pag aalala at pagmamahal nila.
Iisa na lang ang gusto kong hilingin at makamit.
Isa na lang...
At 'yon ay ang makapagtapos na ako sa aking pag aaral at ako naman ang magsisilbi sa aking mga magulang. Marami akong gustong gawin para sa pamilya ko. Unang una na doon ay ang mapatayuan ko sila ng magandang bahay. At dahil sa lalakeng asungot na iyon--- parang madedelay pa ata ang pagtatapos ko.
Napairap ako bigla dahil sa pag alala ko sa mukha ng asungot na iyon. Buti na lang ay tapos ng kumain si Kuya at umakyat na sa taas para magbihis. Kung nakita nito ang biglaan kong pagsimangot ay baka pigain na naman ako nun hangga't hindi ko sabihin. Naku, mahirap na.
Maya-maya lang ay naiwan na akong mag-isa dito sa bahay. Ang lungkot mag isa.
Napapaisip tuloy ako sa nangyari kahapon. Dahil lang sa pag aari niya ang eskuwelahan na iyon ay nanghamak na siya ng tao. Isa siyang malaking basura sa paningin ko na kailangang itapon.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Iilan lang naman ang nakakaalam ng digits ko kaya isa lang sa kanila ni Kuya ang nagtext.
Awtomatiko akong napangiti ng makita kong si Elisse ang nagtext.
From: Bessy El
"I can give you a ride. Basta sabihin mo lang na papasok ka na at nagbago na ang isip mo."
Then one message and another came. Napakunot ang noo sa tatlong hindi pamilyar na numero. I wanted to ignore, but something is pushing me to open all the three.
And there it goes, Jacob, Nathan and Blake. Parehas silang naninigurado at gusto din akong sunduin.Sa ikli ng pagsasama namin as friends, makikita mo at mararamdaman mong sincere sila.
"Mga baliw..." I whispered while smiling.
I am really lucky to have friends like them. Genuine and true. Unlike that asungot na dahilan kung bakit kailangan kong lumipat.
I composed a message to the three of them.
Saying, "Don't worry about me. I really appreciate it and I think my decision is final. Magkikita kita din naman tayo mamaya. See you..."
After sending it, naglinis muna ako sa bahay bago nagpasyang umalis para makahanap ng malilipatan eskuwelahan. Saka na lang ako magsasabi kay Kuya kapag nakalipat na ako para mas madaling magconfess.
I called Kuya Shawn to say na hahabol ako sa klase kahit na hindi naman.
"Yes, Prinsesa? What happened?" Ramdam ko ang pag aalala sa boses nito.
"Wala naman, kuya, sasabihin ko lang na hahabol ako sa klase ngayon. Nabobore ako dito sa bahay at parang mas magkakasakit ako." One of my lies again.
"Pero masama ang pakiramdam mo."
"Okay na ako, kuya. Tumalab na 'yong gamot na ininom ko kanina. Kaya papasok na lang ako." Sagot ko habang naglalakad palabas ng bahay.
"Magpahinga ka na lang muna sa bahay. Manood ka ng palabas sa tv or itulog mo. You need a rest. Hindi porke't umayos na pakiramdam mo, eh, bibiglain mo na agad."
Napanguso ako. Kung alam lang talaga ni kuya na nagsisinungaling lang ako--- malalagot talaga ako. Tiyak na magsusumbong siya kina papa at mama. Lagot ako kapag nagkataon.
"I am really okay now, kuya. Mag iingat na lang ako and magdadala ako ng gamot just incase na sumama ulit pakiramdam ko. Saka, strong ako, kuya, 'di ba?"
I heard him sigh on the other line. Wala talaga siyang magawa sa kakulitan ko. I'm not a spoiled brat. Pinipilit ko lang ang mga bagay na gusto kong gawin na alam kong makakabuti. I know my limitations, depending on the circumstances.
Pero ngayon, lies can save me.
"Okay, okay, papayag na ako in one condition."
Napangiti ako, "kahit ano, kuya, just tell me."
"You have to update me from time to time. Bawal magpagod. Understand?"
"Yes, captain!" Sumaludo pa ako na aparamg nakikita naman nito ang ginagawa ko. "I love you, Kuya!"
"I love you too, prinsesa. Just take care, okay."
"I will, kuya. You too..."
And the call ended.
Agad kong pinara ang dumaang jeep at sumakay. Unang destinasyon ko ay ang isang pampublikong university. May kasikatan din naman ang unibersidad, kaya keri na din iyon.
Ilang minuto lang ang lumipas ng nasa tapat na ako ng registar office ng unibersidad. Humihingi mg mga kakailanganin para makapagtransfer. Buti na lang ay mabait ang nakausap ko at napakadaling kausapin. Binigay niya lang sa akin ang requirements at nagtanong ng iilang katanungan.
"Madali lang naman ang mga kakailanganin mo lalo na if galing ka ng private university. You just need all your credentials and a good moral certificate from the registar of the said university. Kapag nakompleto mo--- balik ka dito and we'll process. If kaya mong ihabol hanggang hapon. Pwede ka ng pumasok kinabukasan." She explained.
Natuwa naman ako dahil madali lang pala. Wala na akong poproblemahin bukas kapag natapos ko ito ngayong araw.
Agad akong nagpasalamat at nagpaalam na. Kailangan kong pumunta ng Montreal University ngayon para kunin ang mga kailangan ko. Sana lang ay hindi magtagpo ang landas namin ng asungot na iyon. Ayokong masira na naman ang kasiyahang nadarama ko.
Paglabas ko ng naturang unibersidad ay ahad akong nakasakay ng jeep papuntang Montreal University. Hindi naman iyon kalayuan dito kaya ilang minuto lang ay naglalakad na ako papasok ng eskuwelahan.
I even crossed my two finger, praying na hindi ko siya makita. Gusto kong pumasok dito at makalabas ng tahimik.
Malapit na ako sa head office ng minessage ko si Elisse at tinanong kung nasaan siya. Para saktong pagkatapos ko ay alam ko kung saan ako tutungo.
Diretso na ako sa registar para kunin ang credentials and good moral, pero sinabihan akong sa head office daw tutungo. Napakibit balikat na lang ako at sinunod ang nagsabi.
Pagdating ko, I knocked twice before entering the office. Sinabi ko ang kailangan ko and after that--- umalis na din ako para i-meet si Elisse sa may cafeteria.
Pagdating ko ng cafeteria ay agad ko siyang nakita kasama ang tatlo. Buti na lang ay hindi nila ito kasama.
Unang nakakita sa akin ay si Blake. Agad itong kumaway at tumato para ipaghila ako ng upuan. He's a gentleman, as always.
"Thank you," pasasalamat ko at naupo agad pagkalapit ko sa table nila.
"You're welcome. I go get you foods. I'll be back."
Bago pa ako makapagprotesta ay nakaalis na ito.
"So, how was it?" Elisse asked.
"I can't transfer." Bagsak ang balikat na sagot ko.
Nakita ko ang pagliwanag ng mga mukha nila.
"That's very good news to hear. So, papasok ka na sa klase?"
Umiling ako, "sa Monday na lang siguro."
"At dahil diyan! Let's celebrate!" Masiglang saad ni Nathan na sinegundahan ni Jacob at Elisse.
"Aren't you going to ask me why I can't transfer?" Hindi makapaniwalang tanong ko.Naging busy na silang mag usap usap. "Calling Elisse... Elisse to earth..."
Ang loka, nginitian lang ako at may sinabi kay Jacob. Naparoll eyes na lang talaga ako.
"We aren't interested in why." Nathan said, smiling. "Ang importante ay dito ka na ulit papasok."
"Aba! Baka nakakalimutan niyong ayaw sa akin ng asungot na may-ari ng eskuwelahan na 'to? Pinapaalala ko lang
"
"Don't worry, he can't do anything." Kumpiyansang kumpiyansa na saad ni Jacob sa akin. "Welcome back, Izzy!"
"Welcome back, Izzy!" Napatingin ako kay Blake ng magsalita ito ng malakas at inilapag ang isang tray ng pagkain sa harapan ko. "At dahil diyan, libre ko na sa 'yo 'to. So, eat well."
Napabuntong hininga na lang ako sa mga inaasta nila. Halatang masayang masaya sila kaya hinayaan ko na lang. Masaya din silang nagbibigay ng suhestiyon sa pupuntahan namin. They even voted for it.
Sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan nila.
Pinabayaan ko na sila at itinuon ang sarili sa pagkain. Bahala na si batman kung ano mangyayari. Basta ako, iiwasan ko siya para walang gulo. Mabilis lang gawin iyon basta huwag na huwag niya akong kakantiin dahil hindi ko siya uurungan.