Chapter 5

2002 Words
Chapter 5 Nag-aayos na lang ako ng aking buhok nang kumatok si Kuya sa aking kuwarto telling me that Elisse is outside and waiting for me. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ito. I'm excited. Ngayon lang kasi ako papayagan ni Kuya na lumabas ng gabi. And thanks to Elisse kasi napapayag niya si Kuya. "Maganda na ba ang prinsesa niyo, kuya?" I asked, smiling. He smiled. "Of course!" Iniayos nito ang takas na buhok sa aking mukha at iniipit iyon sa aking tainga. "Dati inaakay akay lang kita at pasan pasan sa aking likod, but look at you now? You grow too fast, prinsesa." "Don't worry, kuya. Mabilis man ang panahon ng pagtanda ko--- I will make sure that will get a life we deserve. Malaking bahay at maraming dekorasyon, malalaking kuwarto at siyempre!" Excited na sambit ko at napatigil pa sa pagbaba mg hagdan. " Hindi pwedeng mawala ang napakalaking swimming pool!" Nangangarap na humarap ako kay kuya na ikinagulo lang nito ng aking buhok. "Masyadong mataas ang pangarap mo, prinsesa." Aniya. "Ayan, nasira na ang ayos ng buhok ko." Nakangusong reklamo ko na ikinatawa lang ni kuya at inakbayan ako pababa ng hagdan. "Dream until you fullfil it, prinsesa. Hindi naman ako kontra kung sobrang taas ang pangarap na gusto mo. Alam ko namang kaya mong abutin iyan. Basta ang sa akin lang--- on your way to success, siguraduhin mong wala kang matatapakan na tao. Okay?" "Yes, sir!" Sumaludo pa ako dito at yumakap sa kanyang bewang hanggang sa makalabas kami ng bahay at ihatid niya ako kung nasaan si Elisse. "Know your limitations, prinsesa. I trust you too much, so don't break it, okay?" "Yes, kuya, I promise you. Hindi ako gagawa ng ikakapahamak ko at mas lalong hindi ako gagawa ng ikagagalit ng pinakamamahal kong kuya." Nangangakong sambit ko at humalik na kay kuya ng buksan nito ang pinto ng kotse ni Elisse. Tumango ito at isinara ang pinyo bago tumingin kay Elisse. "Be careful and be safe, okay. As I said with Izzy, don't do something that you'll regret, okay?" Paalala din nito kay Elisse na ikinatango ng huli. "Promise, Kuya Shawn. Hindi kami magpapasaway. We will be a good girl." Elisse promised. "Go, then. Ingat kayo." Pagtataboy na nito sa amin at tinapik ang itaas ng kotse. We smiled at him and waved before Elisse drove off. ~~~~ Hindi namam nagtagal ay papasok na din kami sa lugar na sinabi ni Jacob. A place that was very nice, I must say. Hanging lights on everywhere, nice scenes, nice sceneries, comfortable tables and sofa, halatang pangmayaman talaga ang lugar na ito. And I have to remind myself that I don't belong here. I'm just an outcast trying to fit in. "Sorry we're late," humihingi ng paumanhin na saad ni Elisse. "It's okay, kadarating din lang naman namin, minutes before you two arrive." Jacob said and pull a seat for the two of us. "Nauna nga lang kaming umorder." Blake said. "It's okay," Elisse smiled and looked at me. "Ano gusto kong orderin?" Ako naman ang tinanong niya. "Kahit ano na lang. Ikaw na ang bahala." Sagot ko. "Beer, cocktail, juice, tea or coffee?" "Ikaw na talaga ang bahala." Pagpapaubaya kong muli. Wala naman kasi akong say sa mga drinks na ganyan. Buti kung kape lang, kaso alangan namang magkape ako, tapos beer naman ang nasa harapan ng mga kasama namin. Hindi na nga ako fit sa lugar nila, eh, pati ba naman sa inumin? Hay naku. Bakit ba kasi ang yayaman nila. "Lady's drink na lang kaming dalawa." Kompirma ni Elisse. Tinawag naman ni Jacob ang crew saka sinabi ang order namin. I know Jacob likes Elisse. Halata naman iyon sa mga titig nito. Hindi na ako magugulat kung maging sila in the near future. Elisse won't entertain boy's attention. Pero kay Jacob, napaka-clingy niya. "You can sing for me here, bess." Napatingin ako sa sinabi ni Elisse. "Anong sing? Don't you dare, bess." Sinamaan ko siya ng tingin at napatingin sa entablado. May tumutugtog at umaawit. Magsasalita pa sana ako ng may nakita ako. Mas sumama ang timplada ng mukha ko. It's the asungot heading our table. Bakit hindi ako na-inform na kasama pala siya? Eh, 'di sana hindi na lang ako sumama. Itinulog ko na lang sana. "Bakit diya andito?" Tanong ko kay Elisse na sinagot naman ni Jacob. "We invited him here, Izzy. If you don' t mind." "O-okay," sagot ko na lang at nanahimik na lang. Saka, kaibigan nila si asungot. Malamang na sasama at sasama siya. "Act like you don't see him at all. Just ignore him." My mind said abd I agree with it. Mas tama ngang gawin iyon sa nga oras na ito. Saktong dating ng order namin. And before I knew it. Ibang inumin pala ang nainom ko. "Ang pait!" May kalakasang sigaw ko. Buti na lang ay malakas ang tugtog at hindi ako masyadong narinig pero ang mga malapit sa amin ay napatingin talaga. "Ops, sorry." tanging sambit ko na lang at napalunok muli. "Anong nangyari sa 'yo?" Elisse asked. Napakagat labi ako at pinakita ang ininom ko. Natawa na lang ito at napailing. "Hindi naman kasi para sa' yo 'yan." Blake said, smiling. Kinuha nito ang ininuman ko pero pinigilan ko siya. I can endure the bitterness naman. "Iinumin ko na lang, sayang, eh." Saad ko at napalunok muli. Naiwan pa ang pait sa aking bibig. "Ikaw ang bahala." Blake agreed. "Saka sa una lang 'yan mapait. Kapag tumagal--- sakto na ang lasa." "O-okay, sabi mo, eh." Parang hindi naniniwalang saad ko. Napatingin kaming lahat kina Elisse at Jacob ng magpaalam sila. Tumango kami at hinayaan na silang umalis, pero wala pa atang ilang minuymto ay nakabalik na sila. "Saan kayo galing?" Tanong ko. Mga kasama ko kasi walang balak magtanong. Ako pa naman ang taong masyadong usyusera. "Diyan lang sa tabi-tabi." Nakangiting sagot ni Elisse. At bago pa ako makasagot ay narinig kong tinatawag ang pangalan ko. "Did someone called my name?" Tumingin ako kay Blake na katabi ko. Nang magkibit balikat ito ay hinayaan ko na at uminom na lang sa inumin ko. "For the third time, may we call on Miss Izzy from table twelve." Rinig na rinig kong tawag ng host. Inisip ko na lang na baka kapangalan ko. Then I realized something. Napatingin ako sa gitna ng table namin. And there it was, our table number is twelve. At ako ang tinatawag nila sa stage. Sinamaan ko ng tingin si Elisse na patawa-tawa lang. Minulagatan ko lang siya. At ang lokang bestfriend ko, sumigaw pa at itinaas ang kanyang kamay. "Bestfriend ko 'yan!" she shouted. Tinakpan ko pa ang bibig nito pero walang epek. "Magaling kumanta 'yan!" Dagdag pa niti na ikinakamot ko na ng aking ulo. Paano ba naman? Nasa amin na lahat ng tingin ng tao. Nakakahiya na. "Humanda ka talaga sa akin mamaya." Banta ko dito na ikinatawa ulit nito bago ako hinalikan sa pisngi at tinulak pa. Ang mga kasama naman namin ay nakatingin lang sa aming dalawa nang nakangiti. At tinawag ulit ang pangalan ko. I sighed. Humanda talaga ang babaeng ito sa akin mamaya. Inubos ko muna ang laman ng iniinom ko bago ako tuluyang pumunta sa stage. Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay sa ganitong atensiyon. Sa harap ng pamilya ko lang ako kumakanta maliban kay Elisse. And now, I will be singing infront of others in this stage. Nang makaakyat ako, puto paouri ang natanggao ko muka sa host. Kesyo napakaganda ko daw na sinagot ko ng pabiro. Maganda ako pero not to the point na pagkakaguluhan ako gaya ng sinasabi ng host. "Let's hear her beautiful voice. Once again, let's give a round of applause to Miss Izzy!" The host said. Narinug ko ang malakas na palakpakan at ang sigaw muka sa nag iisa kong bestfriend. Tumingin ako sa kanya at inirapan ito bago huminga nang malalim. Kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng iyon, baka naibitin ko na siya patiwarik. And then, I started singing. I've always been the kind of girl That hid my face So afraid to tell the world What I've got to say But I had this dream Habang kumakanta ako, napatingin ako sa paligid. Tahimik silang lahat na nakikinig. Lumakas ang loob ko dahil sa nakikita kong reaksiyon nila. . Right inside of me I'm going to let it show It's time To let you know... To let you know... Dumako ang mga mata ko sa mesa namin. Their faces are all epic, except for Elisse. Siyempre, kagagawan niya ito. And I notice something. Aba, nakahilig lang naman si Elisse sa balikat ni Jacob habang nakayapos ang kamay nito sa braso niya. Just wow! I knew it. Humanda talaga sa akin mamaya ang babaeng 'yan. Inilihis ko ang mata ko nang mapadako ito kay asungot. He was smiling and enjoying, like he never did something to me. Napaisip ako bigla. What if magkaibigan kami? What if we met in different circumstances? What if walang nangyaring insultuhan? Siguro masaya din siyang maging kaibigan. Sad to say, nag umpisa kami sa hindi magandang pagkakakilala. So, I guess hanggang doon nalang kami. Maybe, we are destined to be enemies. Inignora ko na siya ng tuluyan at tinapos na ang pagkanta. At kapalit ng pagkanta ko ay masigabong palakpakan ang natanggap ko mula sa mga tao. And I am happy with that. Pagbalik ko sa mesa namin ay panay ang paputi nila sa akin. Na kesyo daw ang ganda ko na, tapos pati boses ko ang ganda din. All in one na daw ako. Ang mas malala ay si Blake dahil gusto pa ulit akong pabalikin sa stage at pakantahin. Naiiling na lang akong nangingiti sa tabi ni Elisse habang tinutusok tusok ko pa ang kanyang tagiliran. At ang bestfriend ko, pabebeng iniipit nito ang kanyang takas na buhok sa kanyang tenga. Naparoll eyes na lang ako sa asta niya. She's inlove, that's for sure. Kinuha ko na lang ang inumin ko at uminom doon. Habang umiinom ay puto kuwentuhan at tawanan kami. Hindi ko na nga napapansin na na-eenjoy ko na ang inumin ko. Isa, dalawa, tatlong bote, and I lost counts. Ang alam ko lang ay tila umiikot na ang mundo ko. Napakagat ako ng pang ibaba kong labi nang mag aya na silang umuwi. Napanguso pa ako dahil nagsitayuan na sila pagkatapos magbayad. Ewan ko kung ano ang gagawin ko. Parang walang lakas ang tuhod kong tumayo. "Ui, bess..." tawag ni Elisse sa akin na ikinakamot ko ng aking ulo. "Ano pang hinihintay mo diyan? Pasko?" Umiling ako at mas napanguso. "Wait lang kaya. Nagmamadali lang, bess? May lakad kayo?" Tanong ko pabalik na ikinahagalpak ni Elisse ng tawa. "Lasing ka noh?" she asked. "Hindi, ah!" Mabilis kong tanggi. "Sige nga, patingin ng hindi lasing." Saad niya at inilagay ang hintuturong daliri sa kanyang baba. Sinubukan kong tumayo pero napahagikgik ako. Sheyms! Lasing ang mga paa ko. Ayaw tumayo. "Paktay." Narinig kong sambit ni Elisse na ikinatingin ko sa kanya pero huli ko ng narealize na nakatayo na ako at natumba na. Buti na lang ay nasalo ako ng kung sino man ang nasa aking likuran. Pagtingin ko, agad akong umayos ng tayo pero napakapit pa din sa kanya dahil matutumba ako mas lalo. Si Kyler lang naman ang nakasalo sa akin. Ang dami naman nila, pero bakit kailangang siya pa. Mahina ko siyang itinulak palayo at sinubukang tumayo mag-isa. Buti na lang ay inalalayan na ako ni Blake. "Don't you ever touch me! Hindi kita kilala at wala akong balak kilalanin ka. Galit ako sa 'yo! Galit na galit ako sa 'yo for insulting me and my family!" Madiin at puno ng galit na sigaw ko sa kanya at dinuro pa siya sa kanyang dibdib. "Hindi kita mapapatawad. So, get lost and stay out of my sight." And before he could react--- umikot mas lalo ang paningin ko. Mas nahihilo ako kapag nakatayo. Napayakap na lang ako bigla kay Blake and everything turns into my dreams.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD