Aplicable pala talaga ang time fly very fast. Gaya na lang ngayon, isang buwan nalang ang nalalabi bago mag-sembreak. Excited na ako kasi masosolo ko na ang aking pinakamamahal na kama. Sembreak talaga ang pinakahihintay ko sa lahat. Makakapagpahinga ang isip at katawan ko. Napatingin ako sa may pinto at agad na napangiti. "Kailan din kaya ako magkakalove life gaya ng napakaganda kong bestfriend..." bulong ko sa aking sarili at napangalumbaba habang ang mga mata ay tutok sa kanikang dalawa na nagpapaalamanan sa isa't isa. Nang malaman kong sila na palang dalawa behind my back---- nagtampo talaga ako ng bongga. Hindi ko sila pinansin. At si bestfriend naman, kuntodo ang paliwanag. Alam niya kasing naglihim siya sa akin. We promised na walang dapat naglilihim sa aming dalawa. Hindi

