Kyler Mag iisang buwan na siyang comatose. Hindi pa rin ako sumusukong gigising siya. Alam kong gigising siya para sa amin ng anak niya. Hinding hindi ako mapapagod maghintay sa kanya. Sa oras na magising siya. Gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya. Lahat gagawin ko. Kahit pakasalan ko pa siya sa lahat ng simbahang nakatayo sa Pilipinas. "Wife nasobrahan mo naman na atang matulog jan. Gising ka na. Miss na miss ka nanamin. I love you wife so much." Sabi ko sabay halik ko sa labi niya. Nagulat ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng mga kamay niya. Hinintay kong gumalaw ulit ang mga kamay niya. Nang sa pangalawang beses gumalaw ulit. Napangiti na lang ako. Alam kong malapit na siyang magising. 'Hihintayin kita wife. I'm always here. I'm not gonna leave you. I will stay by your side

