Kyler Pagkaalis niya kanina alam kong umiiyak siya. Wala pa din siyang pinagbago. Sobrang ganda niya pa rin. Noong pinuntahan niya ako sa condo ko at lumuhod siya sa akin. Lumalam,bot na ang puso ko kaya tumalikod nalang ako sa kanya at pinaalis siya. Baka kasi pag nagtagal pa siya doon. Ako naman ang bibigay. Nasaktan ako sa sinabi niyang may asawa na siya. Sobrang sakit pala kung sa kanya mismo nanggaling ang katotohanang iyon. Pinagkibit balikat ko nalang ang mga alaalang yun. Gusto ko din namang makasama ang anak ko. Nakasama niya na ito ng matagal na panahon. Kaya panahon naman sigurong ako naman ang mag alaga sa anak ko. Napangiti ako ng makita ko siyang nakaupo sa may kama niya. Nang makita niya ako ngumiti din siya ng pabalik sa akin. "Daddy, I miss Mommy. Can I call her." Tano

