Izzy Nagpapaalam na si Cedrick kina mama. Nakita ko naming umiiyak din sila katulad ko. Tanggap na din naming mawawala na siya sa amin. Pero ang hirap pala pag yung dumating na ang araw na kinatatakutan namin. Ito ang araw ng pag alis niya. "Don't cry mama, papa, and Tito Shawn. I'm coming back naman po. Why are you all sad?" nagtatakang tanong niya sa amin. "Mamimiss ka kasi namin ng sobra baby. Pakabait ka doon ha. Makinig ka lagi sa Daddy mo." Bilin ni Kuya Shawn sa kanya. Hindi na kasi nakapagsalita si Mama kasi umiiyak siya. Yakap yakap naman siya ni papa. Masakit din sa akin ang araw na ito. Umiiyak din ako pero hindi ko nalang pinahalata. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako lumapit sa anak ko. "Baby, Gusto ko alagaan mo to ha." Sabi ko sabay suot ko sa kanya yung kuwintas na

