Magmula nang makita ni Ken si Kade ay naging mas tutok na ito kay Dani. Palagi na itong nagte-txt at tumatawag sa nobya para makipag-usap lalo na kapag alam nitong free time ng dalaga. Dama ni Dani na binabakuran siya ng nobyo bagay na itinatawa niya na lang dahil hindi naman dapat. Langit at lupa ang pagitan nila ni Kade at hindi siya ang tipong papatulan ng mayamang amo. Wala rin sa isip niya ang ganoong bagay dahil hindi sila nito match. Simple lang siyang babae samantalang si Kade ay nabibilang sa mayamang pamilya. Sa aral pa lang ay wala na siya, paano siya nito papatulan? Kagaya nga ng palaging tukso sa kanya ng bestfriend na si Wina kapag nagkakausap sila sa telepono, ganda lang daw ang mayroon siya. Napangiti siya nang makita ang ilang kasamahan na abala sa paglalagay ng pagkain s

