Lulan si Ken ng kanyang motor habang naghahanap ng posibleng mapapasukang trabaho. Desidido siya na makahanap ng mapapasukan para maiuwi na si Dani at mailayo ito sa kinaiinisan niyang amo ng dalaga. Kung kailangan niyang suyurin ang buong Palawan ay gagawin niya makahanap lang trabaho na may disenteng sweldo. Nakahanda siyang iwan ang lahat ng bisyo maging ang pambabae makasiguro lang na hindi maagaw mula sa kanya ang nobya. Matagal niyang iningatan si Dani at hindi siya makakapayag na iba ang makikinabang sa bagay na dapat siya lang ang mag-aani. "Mukhang seryoso ka talaga na pauwiin si Dani ah, ngayon lang kita nakitang pursigido. Kailangan mo lang palang makita kung gaano kagwapo ang amo ni Dani para maisipan mong magsipag." Tudyo ni Myra. Nagkita sila nito sa isang sikat na fastfood

