Madilim ang mukha ni Kade habang nakatingin sa kanila. Nakasilid ang magkabilaan nitong kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Halos magtirintas rin ang dati nang malagong mga kilay ng binata. Mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap ay Ken at inayos ang sarili. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay para siyang daga na nahuli ng pusa na nagnanakaw ng tiratirang pagkain sa hapag-kainan. "I thought kaya ka umuwi to visit your mom. Hindi ko naman inaasahan na may iba ka pa palang agenda sa pag uwi mo?" ani Kade sa nanghuhusgang tinig. Lumipad ang tingin nito kay Ken na waring nagulat rin sa presensiya ng amo. Tumingin siya sa binata at nagsalita para sagutin ito at ipagtanggol ang sarili. "Kagagaling ko nga lang po sa bahay..." mahinang sagot niya. "Teka, sino ka ba sa akala mo, ha?

