“BRINNIE, hindi na dapat maulit iyon!” wika ni Beverly rito nang tawagan niya ito. “Baka mademanda na tayo sa susunod. Mawawalan pa tayo ng negosyo.” “Correct ka riyan, Bev. I learned a lesson. Next time, hindi ako makikipagsara ng deal hangga’t hindi ko nakikita ang place. Kasi naman, napakasosi ng Pinky na iyon. Saka impressive ang place niya. Nagpatangay naman ako sa sinasabi niyang surprise-surprise!” “Pasalamat tayo, pinabakbak lang sa akin iyong wallpaper. Paano kung ibinalot sa buong katawan ko iyon?” “Di mukha kang kusina!” Nabalik sa kalokohan ang usapan nila. “Blessing in disguise naman, `di ba? At least, alam mo na ngayon ang pangalan ni handsome neighbor.” “Oo na,” sabi na lamang niya. “Makipagkaibigan ka na kasi,” buyo nito. “Six feet under t

