“PUPPIES!” natutuwang sabi ni Shaira nang makapasok sa bahay niya. Sa likod-bahay sila nagdaan at unang nakita nito ang mga tuta niyang nasa kusina. Malalaki na ang mga iyon at naawat na sa pagdede sa inahin. Namomroblema na nga siya dahil nagkakalat na ng dumi. “May rabies iyan, baka kagatin ka,” paalala ni Beverly rito. “May pet din ako noon, kaya lang, nasagasaan.” Minsan pa ay bumakas ang lungkot dito. Nakadama siya ng awa. The young girl had experienced so much loss. “Ibibigay ko sa iyo iyong isa kung ipa-promise mo sa akin na aalagaan mong mabuti.” “Promise!” kaagad namang sabi nito. “Thank you, Tita.” Para siyang tinapik sa sinabi nitong iyon. Nabagbag siya sa ginawa nitong pagtawag sa kanya. “Kaya lang, hindi pa puwede ngayon. Baka n

