Maaga akong pumasok kasi gusto kong makausap si Christian na ilang araw na di ko sumasagot sa mga text ko at tawag ko.
"Hey buddy kamusta ka?" tanong ko na di niya namalayan na dumating ako kasi busy siya sa kung anong ginagawa niya sa locker niya. Wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Tuloy pa din ang pagtatanong ko habang naghahanda ako papunta sa opisina ni Rex.
"Kamusta ang trip niyo sa Baguio?" sarkastikong tono niya na halatang may tampo siya. Noong una ay medyo nabibiro ko pa siya pero nagiiba na ng tono ng boses niya ay nag seryoso na din ako.
Magsisimula palang ako para magsalita ay may biglang tumawag sa akin na kailangan na daw ako ni Rex. At nagmamadali akong nagsabi kay Christian na sabay kaming kakain mamaya.
"Kanina pa kita hinihintay," bumungad sakin ni Rex na di maipinta ang mukha dahil nakakunot na naman ang mukha niya.
"Alas dyis sir talaga ang pasok ko," paliwanag ko ngunit parang walang epekto sa kanya at sinabihan pa akong bilisan at may aayusin kami sa BIR. Siguro ay may problema na na.an kasi nabanggit sakin ni mrs. Cherry na umiinit lang daw ang ulo ni Rex kapag tumawag daw ang papa nito mula amerika na meron nakakarating na di maayos na pamamalakad sa negosyo at nadidiwaraan daw ito.
Dahil sa takot na sa akin mabuntong ang galit niya ay sumunod ako agad. Mabilis kaming lumabas ng resto. at sa pagdaan ko sa dining ay di man lang ako tinignan ni Christian kahit ang lahat ng ibang staff ay napatingin sa amin dahil pagmamadali at sa beastmode naming boss.
Kaya naisip ko na talagang nagtampo sa akin si Christian. Kaya habang nasa BIR kami at inaayos daw yung mga problema sa tax ay nag iisip ako kung paano ang sasabihin ko kay Christian at kung ano ang dahilan kung bakit ganoon nalang ang pagtatampo niya sa akin.
Nagtagal ng halos tatlong oras naming inayos ang problema sa BIR ay nagpasya na kaming bumalik sa resto. Gusto pa sanang dumaan muna kami sa malapit na resto sa BIR OFFICE ngunit nagsabi ako na kung pwede ay sa resto nalang kasi sinabi ko na may usapan kami ni Christian. Sa pagbanggit ko ay biglang tumahimik si Rex hanggang nakarating na namin ang resto.
+
"Bakit kaba nagtatampo sakin buddy?" tanong ko nang magsimula na kaming kumain.
"Wala," malamig na sagot niya na halatang may dahilan kasi para siyang bata na nagtatampo nang di nabilan ng kendi.
"Bakit nga di mo ako kinakausap at pinapansin?" pangungulit ko. At di ko inaasahan ang mga sinagot niya.
"Sabi mo di ka pwedeng umalis ng matagal kasi iniisip mo ang nanay mo,tapos mababalitaan ko na nasa Baguio kayo ni Rex at nakailang araw pa kayo doon. Iimbitahin lang sana kita sa death anniversary nila papa at mama kasi syempre tropa na tayo at gusto ko makilala mo din ang tita ko," sagot niya sa akin na talagang tumagos sa akin at sapul ako.
"Di ko alam sorry buddy," paghingi ko ng pasensya sa kanya.
"Wala na yun,tapos na yun."
"Hindi buddy, sabihin mo kung paano ako makakabawe sayo?"
"Hindi na okey lang,tara na kumain nalang tayo baka kasi hinahanap na ni Rex."
"Ganito nalang buddy sa isang araw sabado puntahan natin ang puntod ng mga magulang mo para makabawi ako sayo," pag alok ko sa kanya na tanging tango lang naisagot niya sa akin.
Nagtapos ang kainan namin at naging okey din kami ni Christian.
+
Alas-otso na nang gabi at parami ng parami ang customers namin dahil sa napansin ko na aligaga na ang lahat ay tumulong na din akong mag serve. Nagsabi muna ako kay Rex at pumayag naman siya tutal pareho naman kaming wala nang ginagawa ng mga oras na yon.
Kinuha ko ang isang apron at ang listahan ng mga orders at tumungo ako sa mga customers na kanina pa tumatawag ng waiter.
Dahil nga hwebes ngayon at araw ng sahod ay madami ang kumakain sa resto. Masarap naman talaga ang mga pinoy dishes na sineserve namin dito. Isa na diyan ang sizzling sisig na talagang isa sa best seller at ang kare-kare na recipe pa daw ng mama ni Rex.
+
Isang malakas na bagsak ang ginawa ko sa kama ko na nakatitig ako sa mga kumikutitap na mga bituin na nakadikit sa kisame ko na talagang pinagaksayahan ko ng pera at lakas noong mga hayskul pa ako uso kasi noon niyan kaya lagi akong bumibili.
Papapikit na sana ako dahil sa pagod sa dami ng tao ay biglang sumagi sa isip ko ang regalo na binigay sa akin ni Rex na nasa bag ko. Agad kong kinuha ang bag ko at kinapa ko sa loob ang maliit na kahon.
Hindi pa din ako makapaniwala nabinigyan ako ng regalo ni Rex na kailan lang naman kami naging magkaibigan. Pero laking gulat ko nang buksan ko ang kahon ay tumambad sa akin ang isang mamahaling relo na isa sa pangarap ko na magkaroon nito. Pero bakit ako bibigyan ng ganito kamahal na relo ni Rex? Madami man ang katanungan ko ay talagang na excite ako na isuot sa kamay ko. Kasi sa wakas ang pangarap ko na relo ay nakasuot na sa kamay ko. Sa gitna ng kasiyahan ko ay napansin ko ang tila isang sulat sa kahon kaya ang kaninang masayang mukha ko ay biglang nabawasan at napalitan ng pagtataka sa lahat ng mga ito. Agad kong kinuha ang sulat at binuksan habang kinakalkal ko ang papel at biglang kumabog ang dibdib ko na di malaman kung natat3e ba ako o naiihi ang nararamdaman ko.
Sisimulan ko na sanang basahin nang tawagin ako ni nanay at may bisita daw ako. Kaya sa pagmamadali ko ay binalik ko muna ang sulat sa kahon at mabilis na lumabas. Iniisip ko na baka isa sa mga kaibigan ko ang bisitang dumating kasi baka pagusapan namin ang reunion namin sa elementary pero laging gulat ko nang matanaw ko mula sa kinatatayuan ko sa hagdan ang lalaking kausap ni Jayjay ay si Christian. Di ko alam kung bakit siya andito.
"Hey Christian, napa-padaan ka?" nauutal kong tanong sa kanya dahil di ko siya talaga inaasahan.
"Ahh wala naisipan ko lang na puntahan ka at kausapin," sagot niya na medyo nakapagpigil sa sasabihin at kaharap namin si Jayjay.
Siguro ay nakahatala si Jayjay kaya umalis nalang ito at pumunta sa kusina sinahan si nanay. Kaupo naman kami ni Christian sa sala nang di ko napansin na naka boxer short lang pala ako sa pagmamadali ko ay di ko napansin agad naman akong nagpaalam sandali kay Christian at nagbihis ako at nagpalit dahil suot ko pa pala un sa resto.
Pagbalik ko ay wala na siya sa sala at narinig ko ang tawanan sa kusina.Masaya silang nagkwe kwentuhan nila nanay at narinig ko pa na dito nalang daw kumain si Christian nang hapunan at nung mga oras na iyon late na kasi kumakain ng hapunan kasi gusto ni nanay na kahit tatlo nalang kami ay nagkakasabay pa din sa pagkain kaya hinihintay talaga nila ako makauwe.
Nang makalapit ako sa kanila ay napatigil ang tawanan na medyo nainis ako na baka ako ang pinagkwekwentuhan. Agad naman akong umupo sa tabi ni Christian.
"Bakit ka nagpalit sexy ka kaya dun," pabulong niya sa akin tapos tumawa ng mahina na tila nag aasar pa.
"Ah ganun ha, hayan mo mamaya ipapakita ko sayo," pagpatol ko naman sa pang aasar niya. At madami pa sanang siyang sasabihin bg pabulong ay bigla nang nilabas ni nanay ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain.
Madaming tanong si nanay kay buddy at sinagot naman siya nito kahit ang tungkol sa mga magulang niya ay ikinuwento pa niya, nasabi niya na tita nalang niya ang kasama niya at pinuro pa nito ang luto ni nanay kaya itong si nanay ay sinabihan siyang welcome daw si Christian sa bahay at parang sila na ang mas close ngayon. Sinabi pa ni nanay na dalasan niya ang pagbisita ni buddy sa bahay at nakakatuwa daw siya. Pero siguro nga naaliw si nanay kay Christian gawa na g mag personality din kasi si buddy na joker at matatawa ka kahit sa mga simpleng biro niya dahil sa galing niya magdeliber ng salita.
Nang matapos kaming kumain ay naiwan pa din kami sa lamesa.
"Mukhag okey na okey na kayo ni Rex ah," panimula niya.
"Ah okey na kami,mabait din pala siya talagang minsan lang talaga may sanib. yun eh."
"Bakit nga pala kayo nagpunta ng Baguio?" tanong niya na may pahimas pa sa tiyan na tila nabusog sa mga kinain niya.
"Ah wala,pinuntahan lang namin ung bahay nila doon tapos nang pabalik kami dito ay nasiraan kami kaya di kami nakauwe agad," paliwanag ko na minabuti ko nalang na di idetalye sa kanya lahat ng mga nangyari sa amin ni Rex doon kasi ayoko naman na pagusapan si Rex sa resto tungkol sa pamilya niya.
"Naiinis talaga ako sayo noon, sa kanya pumayag ka tapos sakin hindi," pagsusumbat niya sa akin.
"Siguro kung babae ka,magiisip talaga ako na baka may gusto si Rex sayo,"
itutuloy.......