Tinungga muna niya ang bote ng beer at huminga ng malalim habang pinupunasan niya ang luha na pumatak sa pisngi niya na halatang sobrang sakit ang dinadala niya. Pilit na inaayos ang sarili dahil sa nakatingin ako sa kanya na di ko manlang alam kung ano ang sasabihin ang tanging ginawa ko lamang ay hintayin siya kung ano ang dahilan ng pagnangis niya. Na yung boss ko na parang walang puso ay narito sa harapan ko na umiiyak na parang isang batang kinuhanan ng kendi ng kalaro.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang magsimula na siyang magkwento na nakatanaw sa mga tila alitaptap na mga ilaw ng bahay sa kabilang dakonng kabundukan ng Baguio.
"Pasensya kana Patrick hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko, Sa tuwing nagpupunta talaga ako dito ay dito lang ako nakakapaglabas ng sakit na nararamdaman ko. Sana ako nalang ang namatay at hindi si kuya."
Nagulat ako sa panimula niya kaya nakinig ako na medyo nakakaramdam na din ako ng pagkalungkot kahit di ko pa alam ang buong kwento kasi siguro sa kalagayan ngayon ni Rex.
"Si kuya Renon ang pinakamabait na kuya para sa akin. Siya lagi ang nagtatanggol sakin sa eskwelahan kapag may nambu-bully sakin dahil lampa ako noon. Kapag mababa ang nakukuha kong skor sa mga test ay siya ang nagtuturo sakin at nagtatanggol sakin kila mama at papa kasi gusto nila na lagi akong nasa top sa klase na hindi ko naman kayang gawin. Lagi akong kinukumpara kay kuya dahil si kuya Renon ay laging first honor sa klase nila.Kahit na niinggit ako kay kuya noon ay di ko magawang magalit lalo na nang malaman namin na may luekemia si kuya. Dise-otso lang noon si kuya nang malaman namin na may sakit siya,lahat ng atensyon nila mama at papa ay napunta kay kuya inintindi ko naman dahil nga may sakit siya. Bago dumating ang ika-apat napunglg kaarawan ni papa ay inatake si kuya at dali-daling sinugod namin sa ospital ngunit di na siya umabot. Mula noon ay lalong nagbago ang pakikitungo nila papa at mama sakin na minsan pakiramdam ko ay di nila ako anak. Kaya mula noon ay nagsikap ako sa pag-aaral at pinatunayan na kaya din nila akong mahalin kagaya nang pagmamahal nila kay kuya na kahit wala na si kuya ay kaya ko pa din na mapunan ang gusto nila lalo na para sa negosyo. Magmula nang maka-graduate ako ng kolehiyo ay nagpunta na ng amerika sila mama at papa iniwanan na nila ang negosyo sa akin dahil hanggang ngayon ay di pa din sila maka move on sa pagkawala ni kuya Renon. Sana ako nalang ang namatay para hindi ko nararanasan ang mabaliwala. Ang gusto ko lang naman ay mahalin at ipagmalaki nila papa at mama.
Unti-unti na naman bumukal ang tubig sa kanyang mga mata. Ramdam ko ang sakit ng nararamdaman niya.
"Rex,wag mong sisihin ang sarili,alam ko na ginawa mo ang lahat. Mahal ka ng mga magulang mo siguro hinahanap mo lang yung katulad ng pagmamahal nila sa kuya mo,Rex magkaiba kayo at magkaiba din ang ibibigay na pagmamahal nila sayo pero di ibig sabihin noon na di katalaga nila mahal.Sayo nga pinamana ang negosyo ibig sabihin may tiwala sila sayo at mahal ka nila," hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko nang mga sandaling iyon pero kusang lumabas nalang sa bibig ko. Tanging gusto ko lang na wag siyang magtanim ng galit sa mga magulang niya kasi wala naman sigurong magulang ang di mahal ang kanilang mga anak.
Napatingin siya sa akin at nagpasalamat habang tumutungga ng alak. Tatayo na sana ako para magpunta sa c.r. ngunit hinawakan niya ang kamay ko at hinatak niya ako papunta sa kanya dahila para mawalan ako ng balanse at pasubsob ako sa may dibdib niya. Lumaki ang mga mata ko nang mapansin ko na halos ilang pulgada nalang ang layo ng mukha ko sa mukha niya sa pangalawang pagkakataon ay natitigan ko na naman ang mukha niya na samahan pa ng sin lakas ng kulog ang kabog ng dibdib ko. Dahil sa ganoon kaming sitwasyon ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam,idagdag pa ang barakong barakong amoy alak ng hininga niya. Lalaki ako pero marunong din akong kiligin sa sitwasyon ngayon ay naramdaman ko iyon sa pangalawang beses na rin na nangyari na di ko gaanong pinagtutuunan ng pansin. Kasi ayoko na maguluhan,ayoko na dumating ang araw na tatanungin ko ang sarili ko tungkol sa sekswalidad ko.
Hindi ko na pansin na nakatitig din pala siya sa akin. Habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko ay gusto kong kumawala ngunit parang walang pwersang lumabas sa katawan ko,tanging pinikit ko nalang ang mga mata ko at isang pagbagsak ng ulo niya may balikat ko na,nang makita ko ay nakatulog na siya sa sobrang kalasingan. Wala akong ibang ginawa kundi iaayos at buhatin siya papunta sa kwarto niya. Habang paakyat kami ng hagdan at hirap na hirap ay bigla siyang nagsalita."Sa kabilang kwarto,"hindi ko maunawaan noong una ngunit naisip ko na baka gusto niya doon sa kabilang kwarto siya dalin ngunit ang naging problema ko ay sarado at naka-lock pa iyon. Dahil nga naka-lock iyon ay isinandal ko muna siya sandali at tinungo ko si mang Ben na siyang taga hawak ng susi at nabuksan ko naman. Nabanggit din nya na kapag daw talaga nalalasing si Rex ay dito siya natutulog. Inihiga na namin si Rex sa kama at nag paalam na din siya. Habang nilalagyan ko ng kumot si Rex ay naramdam ako ng pagkaawa sa kanya dahil sa kwento niya. Umupo ako sandali sa may sulok ng kama at pinagmasdan ko ang kwarto napansin ko na punong puno ng mga robot,iba't ibang klaseng robot may malaki at may maliit. Kaya naisip ko na baka ito ang kwarto ng kuya niya. Napansin ko din na madaming nakasabit na mga picture ng dalawang batang lalaki na nakasuot ng uniporme ng elementarya na naka akbay pa ang isang malaking bata sa isa pang bata na hamak na payat ang katawan kaysa sa kanya. Pumasok tuloy sa isip ko na siguro ito ang kuya ni rex. Sa iba pang mga larawan ay mga ito na siguro ang mga panahon na teenager sila dahil naglalaro sila ng basket ball na kuha lang sa bakuran nila. Mahahalata mga larawang ito na masaya silang magkapatid. Madami pang mga photo album ngunit di ko na pinakialamanan.
Dahil sa nakainum ay minabuti ko nang tumungo sa kwarto ko. Pero bago pa man ako makalabas ng kwarto ay tila ngsasalita si Rex at tinatawag niya ang kuya niya kaya napalapit ako sa kanya,umupo sa tabi niya at hinaplos ang noo nya patuloy pa din ang pagbigkas sa pangalan ng kuya niya na may tumutulo pang mahagyang luha.
+
Nagulantang ako sa tunog ng selpon ko. Naglagay nga pala ako ng alarm ko kagabi para magising ako ng maaga para sa paguwe namin ng maynila.
Binilisan ko lang gumayak at inayos ko ang mga gamit ko na iniisip baka may makalimutan ako. Paglabas ko ng kwarto ay naka-lock na nang mahigpit ang kwarto ng kuya niya at tinungo ang kwarto niya para katukin siya ngunit bigla itong bumukas at nagkagulat kami ni Rex na nakabihis na din at handa na din umalis.
Pinuntahan na namin ang sasakyan sa pagawaan at ayos na iyon
Hindi na kami kumain ng almusal kasi nagmamadali at kailangan kong umuwe agad dahil sa kailangan mag enroll ni Jayjay at dahil friday ba ngayon ay last day na iyon.
Buti nalang ay di kami na traffic sa daan. Habang daan ay walang umiimik sa amin ni Rex kung ano ang nangyari kagabi pero alam ko na natatandaan pa niya lahat, hindi naman siya siguro babalik sa pagka istrikto dahil masaya naman siya at sinasabayan ang mahinang tugtog sa stereo niya.
Bigla naman sumagi sa isip ko si Christian,mula kasi noong umalis kami ay wala akong balita sa kanya walang text o tawag man lang. Tintext ko naman ngunit di nagrereply. Kaya tanong ko sa sarili ko,"ano kaya ang problema niya."
Nang makarating kami ng maynila ay dapat dadaan na si Rex sa restaurant ngunit sinabi ko na kailangan ko munang umuwe kaya hinatid niya ako. At pumayag naman siya.
+
Isang kanto nalang at bahay na namin ay bigla siyang nagsalita,"salamat Patrick sa pagsama sa akin at pasensya kana din at ngayon lang tayo nakauwe."
"okey lang yun salamat din at nag-enjoy naman ako dahil first time ko na makapunta ng Baguio," sagot ko na binigyan siya ng malaking ngiti.
"Salamat din dahil nakinig ka sa mga kadramahan ko." dagdag pa niya.
"Ano kaba wala yun, ganun talaga lahat tayo may pinagdadaanan,baka nga kapag ako ang nagdrama di mo kayanin," pabiro kong sabi na di namin namalayan na nakahinto na pala siya sa tapat ng bahay namin. Bababa na sana ako nang may iabot siya sa akin isang maliit na kahon na may ribbon, alam ko na regalo iyon ngunit di ko inaasahan na bibigyan niya ako.
"Ano to?" nagtatakang tanong sa kanya habang inaabot ko.
"Munting regalo ko dahil sinayang ko ata oras mo," pabirong sabi niya sabay tumawa ng kunti.
"Baliw,hindi naman pero salamat ah," sagot ko na minabuti kong di muna buksan at bumaba na ako ng kotse ay kumaway sa kanya para makaalis na din siya.
itutuloy.......
"PASENSYA NA PO AT DI AKO ARAW-ARAW NAKAKAPAG UPDATE NAGKAROON LANG PO NG KUNTING PERSONAL PROBLEM PERO OKEY NA PO..MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT PAGSUPORTA."
--JHAYXXIE