Chapter 8: Secret.

1507 Words
"Matagal pa ba yan kuya?" nangtanungin ni Rex ang lalaking gumagawa ng kotse niya,dahil bigla nalang umusok ang makina habang pauwe na kami. Andito kami ngayon sa isang talyer at dahil gabi na ay buti nalang napakiusapan nalang namin ang manggagawa na kailangan naming umuwe dahil si nag-aalala na din ako kay nanay at isa pa si Christian di ko alam kung ano ang nang-yari sa kanya. Alas-nuebe na ng gabi andito pa din kami sa Baguio. Tinawagan ko si Jayjay at sinabi ko kung ano nangyari sa amin para di mag-alala si nanay. Sinubukan ko naman na kontakin ulit si Christian ngunit bigo ako.Wala naman akong ibang pwedeng tawagan. Ilang sandali pa at bumalik si Rex sa kinauupuan ko sa gilid ng talyer,dito kasi may signal at maliwanag naman dahil sa mga ilaw sa poste. "Kailangan daw na may papalitan sa makina," nakangiting alanganin sya, na napakamot pa sa ulo at nakita ko din na may mga dumi ng grasa yung damit at braso nya. Bigla na naman ako nagulat dahil nakikita ko ang ibang side ni Rex na hindi masungit at mainitin ang ulo.Sinabi din niya na baka daw pwedeng bukas nalang kami umuwe at dahil wala naman akong magagawa kundi pumayag kasi wala naman ako sasakyan pauwe. Kinatuwa ko naman na nag long ride kami mula manila hanggang dito sa Baguio. Nakapag unwind naman ako dahil sa kanya. Tumawag ulit ako kay Jayjay at okey naman daw kay nanay,wag daw ako magalala.Enjoy lang daw ako siguro panatag naman sila dahil boss ko ang kasama ko. Babalik na sana ako kung nasaan si Rex ngunit napatigil ako nang makita ko siya naka hubad, di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pinupunasan nya ang mga braso nya ng basang bimpo. Nakita ko ang abs nya na wala ako halatang banat sa gym ang katawan nya,pantay ang kulay niya at isa sa nakanakaw ng atensyon ko ang dibdib nyang mamula-mula. Bilang isang lalaki ay nagtataka ako na bakit may kakaiba akong nararamdaman na di dapat maramdaman kapag nakakakita nang nakahubad na lalaki. "Uyyy!" bigla akong nagising sa katotohanan na kaharap ko na ngayon yung dahilan kung bakit ako nakatulala. Kung may ibang nakakakita malalaman nila siguro na mapulang mapula ako na parang hinog na makupa. Inilihis ko ang paningin ko at medyo lumayo sa kanya."Tara na," halatang natutuliro ako. Dahil kinabukasan pa ang uwe namin ay nag-book siya ng taxi at bumalik sa bahay nila.Di naman nagtagal at dumating na ang taxi kaya isinuot niya ulit ang damit niya. + Nang makarating kami sa bahay nila ay nagulat ang taga bantay na bumalik kami at kinausap niya ito na igayak ang kwarto na para sa akin at pagkain na din. Sinabihan naman niya ako na sumunod sa kanya. Malaki talaga ang bahay nila,may taas at ang sala ay may malalaking muwebles na mga elepante,malaki ang T.V. at andun ang picture nila ng pamilya niya. Talagang sa picture ay malalaman mo na mayaman sila dahil sa itsura ng mga magulang niya na mapustura at madaming alahas. Dahil sa pag-usisa ko sa family picture nila ay di ko napansin na natapat na pala ako isang kwarto na nakatawag ng pansin ko dahil sa nakasulat sa pinto nito. "Do not enter!" Dahil sa takot na naramdaman ko ay mabilis akong lumayo sa tapat ng kwartong iyon. At tinawag ko si Rex, lumabas siya sa katabi nitong kwarto at hawak ang isang pares na t-shirt at short at may isang underwear. Sinabi naman niya na bago yun at di niya nagamit.Kinuha ko sa kanya at tinuro niya ang isa pang kwarto sa gawing kanan niya na doon daw ako magkwarto. Dahil mausisa ako tinanong ko sa kanya yung tungkol sa kwarto,yung kaninang masayang mukha ay napalitan ng seryosong di maipinta. "Wag mo nang alamin at di naman mahalaga king ano ang nasa loob nun." sabay pasok sa kwarto niya at dahil sa napahiya sa pag-usisa ko ay mabilis na din akong tinungo ang kwarto kung saan ako matutulog. Ang ganda ng kwarto,maaliwalas,may study table na may mga libro at magazine.Binaba ko sa pang-solohan na kama ang damit na hawak ko pati na din ang bag na kanina pa nakasukbit sa balikat ko. Binuksan ko naman ang maliit na kabinet at nakita ko doon ang isang tuwalyang puti at tinungo ko ang banyo para maligo. Pagpasok ko ay agad kong tinimpla ang init ng heater dahil kanina ko pa din na gusto maligo. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas ako na nakatapis lang ng tuwalya.Nagbihis na ako at humiga sandali para maiunat ko ang likod ko. Hindi pa din mawala sa akin ang misteryosong kwarto na iyon. "I-lock mo yan kuya Berting ng mabuti ayoko na may makaalam na iba," Narinig ko na may nag-uusap sa labas ng kwarto at parang kay Rex ang boses na iyon. Tumayo ako at inilapit ko ang tenga ko sa may pinto para makinig ko ng mabuti ngunit ni anong boses ay wala na akong narinig. Dahil sa wala na akong naririnig ay bumalik na ako ng kama at tumitingin sa selpon ko. Tinatawagan ko pa din si Christian ngunit di ko talaga makontak. Maya-maya pa may kumatok at pagbukas ko si Rex. Inaaya na niya ako kumain. Dahil sa madadaanan ko na naman ang kwartong iyon ay di ko napigilan na di lumingon. Nang makarating kami sa lamesa ay nakahain ang isang buong inihaw na manok at menudo.Lumakas naman ang tunog ng tiyan ko na kanina pa nagwawala nang makita ko ang mga ulam. "Kain na,"aya ni Rex nang umupo sa katapatan ko sa animang upuan na lamesa. Tanging ngiti lang ang naisagot ko dahol gusto ko nang lantakan ang inihaw na manok. Habang kumakain ay inalam ko kung anong oras kaya kami makakauwe dahil nga may pasok pa ako bukas,sabi lang niya na kapag daw tumawag na ung mekaniko na pwede na uuwe daw kami kaagad. Isang malaking tango lang ang sinagot ko. Tinanong naman niya ako tungkol kay Christian dahil nabanggit ko na tumawag kanina at parang may nangyayari at di ko na rin makontak. Ilang minuto pa ang lumipas hinihimas ko ang tiyan ko sa kabusugan.Bigla siyang tumungo ng ref. at inilibas ang dalawang bote ng beer. "Shot tayo pampatulog," aya niya na sinang-ayunan ko din naman dahil nga na nasa ibang bahay at madami din akong iniisip. "Tara sa beranda," sabay lakad papunta sa teres ng bahay nila. Sobrang ganda,namangha ako sa mga animoy alitaptap na nakadikit sa isang bundok dahil sa mga ilaw ng mga bahay,sabayan pa ng pang-ihip ng malamig na hangin. Habang sinisimulan kong tunggain ang beer na sinlamig ng hangin at nakaupo sa maliit na upuang bakal na nakapaligid sa lamesa ay napansin ko na tumahimik at malayo ang tingin ni Rex. Minabuti ko na huwag munang siyang kausapin at tinuon ko ulit ang tingin sa mga ilaw ng bahay. Nasa ganoon kaming sitwasyon walang nagsasalita ng ilang minuto tanging tunog lang ng bote ng beer ang maririnig. Kung ano-ano ang nasa isip ko;sila nanay,si Christian,yung kwarto at itong katabi ko na di ako sanay na makita siyang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Siya kasi ang taong hindi mo iisapan ng kahinaan niya pero di naman pwede na wala siyang kahinaan dahil lahat ng tao may kahinaan. Gusto ko nang basagin ang katahimikan ngunit magsasalita palang ako ay tumayo siya,sinundan ko ng tingin at tinungo nya muli ang refrigerator at kumuha ulit ng dalawang bote na di ko napansin na ubos na pala ang iniinum namin. Kita ko sa mukha niya na halatang nakainum dahil sa pulang-pula niyang mukha. Dumaan din siya sa may gilid ng kusina at may isang box doon sabay kuha ng ilang sitsiryang malalaki. Papalapit na siya at gusto kong tanungin kung bakit kumuha pa siya ng alak kasi ang usapan lang ay tig-isa kami na pampatulog lang ngunit pinabayaan ko lang dahil ramdam ko na may problema siya. Inum,tingin sa kawalan tapos kain ng pulutan tanging ganun lang ang ginagawa namin. Pero sabi nga nila kahit di mo hinuhukay ay lumalim na ang gabi.Nakakaramdam na ako ng tama ng alak. Nagpaalam ako sandali para umuhi nang masipa ko ang ilang bote sa ilalim ng lamesa na madami-dami na din pala. Kahit nahihilo ay tinungo ko ang c.r. dali-dali akong umuhi at bumalik sa kanya. Paupo palang ako bigla siyang nagsalita,"sana ako nalang ang namatay." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o lasing lang ako kung ano-ano ang naririnig ko. Tinignan ko siya na may tanong at tumingin din siya na nanggigilid ang luha niya. Hind ko alam ang mararamdaman ko,yung kaninang nararamdamn kong hilo ay napalitan ng isang gising na diwa. Hinihintay ko ang iba pa niyang sasabihin ngunit paulit-ulit lang niyang binubulong ang mga katagang,"sana ako nalang ang namatay." Nilapitan ko siya para yakapin at tuluyan nang bumagsak ang nga luha niya na kanina pa nangbabandyang tumulo. Hindi ko alam ang sasabihin ko ang alam ko lang nang mga sandaling iyon ay madamayan ko siya kung ano man ang dahilan ng pag-iyak niya. Itutuloy.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD