Dahil sa nangyari sa bodega samin ni Rex kagabi ay sinabihan ako ni Mrs. Cherry na may off nalang daw muna ako ngayon at magpahinga. Buti nalang para magkaroon ako ng time kay nanay.
+
"wow ang bango ah," habang papalapit si nanay sa kusina.
"oo naman, favorite mo nanay;kare-kare," habang hinahalo ko ang uulamin namin.
Di nagtagal ay kumain na kami.Tuwang-tuwa naman si Jayjay dahil nakakain na naman siya ng marami.
"Kuya, next week nga pala kailangan ko na mag enroll," narinig kong sinabi ni Jayjay habang umiinum ako ng tubig.
Tanging tango lang ang naisagot ko.
Bigla naman tumunog ang selpon ko,may tumatawag unknown number.
"hello sino to?"
"Patrick si Rex to."
"yes po sir bakit po."
"busy kaba? samahan mo ako may pupuntahan tayo," sabi nya na di agad ako nakasagot nainis kasi ako,susulitin ko sana ang day-off ko ngayon. Pero mukhang di mangyayari.
"Patrick andyan kapa hello?"
"ah sir..okey po sir punta nalang ako ng resto.,"
"wag na text mo sakin address mo,susunduin kita," sabi nya na kinabigla ko dahil parang may iba sa kanya.Sa tono ng boses nya parang di sya nagsusungit ngayon.Binigay ko naman ang address dito sa bahay. At mga 30 minutes daw ay andito na siya. Dahil sa hindi naman sa resto pupunta nagsuot lang ako ng casual, T-shirt at maong na short nagsapatos din ako kasi di naman bagay ang tsinelas sa short ko.
Habang nag aayos ako ng buhok ko ay may biglang bumusina.
"Anak andyan na ata boss mo," sigaw na ni mama na alam na aalis ako at boss ko ang kasama.
Pababa na ako ng hagdan,nagulat ako at nasa loob na pala sya at kausap si mama.
"Naku sir, pasensya na kayo huh,matagal talaga gumayak si Patrick." narinig kong sinabi ni nanay.
"ay sir," at nakita ko syang napatingin sakin na ang nakakamangha ay ngayon ko lang nakita ang ngiti nya.
Nagpaalam na nga kami kay nanay at nagtungo sa sasakyan nya na isang pulang Toyota Prius. Dahil unang pagkakataon ko na sasakay sa ganito kamahal na kotse ay nahihiya ako,idagdag pa na boss ko pa ang kasama ko.
Pagsakay ko ay di ako nagpahalata na minamasdan ko ang sasakyan nya.
"Sir saan po ba tayo pupunta," tanong ko sa kanya.
"May pupuntahan lang tayo," sagot nya na ngayon ko lang nahalata na bihis na bihis sya.Nakasuot sya ng Navy blue na polo na fitted sa kanya na kitang kita ang ganda ng katawan nya at maong na pantalon na naka tack in pa.At isa sa napansin ko na ibang iba ang saya ng mukha nya ko malayong malayo noong mga nakakaraang araw.
Dahil tahimik lang kami at parang nagpapakiramdaman ay naisipan kong ibukas ang music player ng kotse na nasa harapan ko na kanina ko pa din tinitignan at para alam kong buksan.
Biglang tumugtog ang HINDI TAYO PWEDE by The Juans,isa sa bandang gusto ko. Dahil sa alam ko ang kanta ay sumasabay ako ng mahina lang.Habang sya ay nakangiti na tutok sa pagmamaneho. Patingin tingin ako sa dinadaanan namin at napansin ko na wala na kami sa Maynila dahil sa mapuno at paliko-likong daan.
"Asan tayo?" paghinto ko sa pagkanta at tumingin sa kanya.
Isang ngiti lang ang nakuha kong sagot.Bahala nga siya,basta wag lang nya ako iiwanan kung saan man kami pupunta at tinuloy ko nalang ang pagkanta. Dahil halos parang sinadya na puro The Juans playlist ang pinatutugtog ay di ko na malayan na nakaiglip na pala ako.
"Patrick,.. Patrick.." narinig ko na minulat ko ang mata ko. Nang makita ko ay nasa harap ko na yung malaking LIONHEAD ng Baguio City nanlaki ang mata ko at na excite akong lumabas ng kortse. Unang beses ko kasi makarating dito sa Baguio at talagang gustong-gusto ko din mapunta dito at ngayon eto na ako.
Masaya akong lumabas at sinabihan ko si Rex na picturan ako.Dahil para akong bata na talagang sabik na sabik na pagpakuha ng litrato ay tawa ng tawa lamang si Rex habang hawak nya ang selpon ko para kuhanan ako ng litrato.
"Gusto mo magpa-picture sa malaking aso?" tanong nya sabay turo sa napakalaking aso na nakaupo sa mahabang upuan.Lalo akong natuwa at agad na tumakbo,hinintay ko lang na matapos ang nagpapakuha din ng litrato dahil madami dami din kaming nakapila. Napansin ko din ang nakasulat sa karatula na "donation for dogfood" kaya tumingin ako kay Rex na kasalukuyan ding nakatayo sa likuran ko,sinabihan ko na sya muna ang magbayad kasi naiwan ko wallet ko sa kotse, agad naman siyang tumango.Hindi ko alam bakit magaan ang pakiramdam ko sa kanya dahil siguro dinala nya ako dito pero di naman nya alam na di pa ako nakapunta dito sa Baguio.
Kahit mataas pa ang araw ay di ko ramdam ang init nito dahil maginaw na ang hangin na ramdam ko nasa Baguio na talaga ako. Maya -maya ay ako na ang susunod na magpa-picture ay puwesto ako sa likod ng aso,syempre di pa tapos at tinanong ko ang may-ari kung pwede yakapin ang aso,pwede naman daw kaya ginawa ko. Bumilang si Rex,"1..2...3..okey na." Syempre siya din nagpa picture. Tatalikod na sana ako at tinitignan ang mga kuha sa akin sa selpon nya nagulat nalang ako na hinila nya ako papunta sa aso at kinuha ang selpon na hawak ko at binigay sa isang babae at pinakiusapan nya kung pwede daw na kuhanan kami ng litrato agad naman pumayag yung babae. Puwesto kami sa likod ng aso."1...2...3.." bilang ng babae at biglang umakbay si Rex sa akin at yung isang kamay ay naka peace sign pa. Nagulat ako dahil di ko akalain na gagawin nya yun. Masaya niyang kinuha sa babae ang selpon niya sabay lingon sa akin na di pa din ako makapaniwala na si Rex nga ba ang kasama ko,ibang iba kasi. Pero may parte naman sa isip ko na masaya dahil siguro nga di naman siya ganoon kaseryoso ar dahil lang talaga sa maling akala ko kaya ganoon ang pakitungo niya sa akin.
"Patrick tara na!" sigaw niya na nagpabalik sakin sa katinuan. Lumapit ako sa kanya ng patakbo. Nauna na akong pumasok ng kotse at nahuli pa siya dahil bibili daw siya ng strawberry icecream na nagkalat ang nagtitinda.
Inabot nya sakin ang isanf malaking apa ng strawberry icecream na first time kong matitikman. Pumasok na siya sa kotse,"masayang-masaya ka ah?" sabay sabi niya.
"ah opo sir,first time ko dito at makakain ng strawberry icecream na dito gawa," habang dinidilaan ko ang sorbetes na malapit nang maubos.
"Wag mo na akong tawaging sir,Rex nalang nasa labas naman tayo wala sa resto," pagbawal niya na habang kumakain din ng sorbetes.
"okey,Rex," sabay ngiti ko sa kanya.Nakakatuwa dahil hindi na siya galit sa nagawa ko sa kanyang kahihiyan.
"Tara na!" pinaandar na niya ang kotse.
Diniretso na niya ang daan paakyat ng City of pines. Habang daan ay madami kaming napagkwentuhan,madalas nga daw sila dito ng pamilya niya katunayan nga daw ay may bahay sila dito at doon nga daw kami pupunta. Dahil sa nag-iisa lang siyang anak ay sa kanya din pinangalan ang bahay at lupa nila dito. Nasabi din niya na kapag problemado siya ay dito siya nagpupunta iba daw kasi kapag andito siya.Nakaka-relax at nakakapag isip siya ng maayos.
Nagkwento din ako na first time ko sa Baguio. Walang panahon at pera kami para magpunta dito at dahil namatay pa si tatay kaya nagtrabaho na ako para sa aming tatlo nila nanay at Jayjay.
Isiningit ko na humingi ng sorry ulit sa kanya sa nagyari noong una kaming nagkita at okey na daw yun wag ko na daw isipin. Ngayon ay maging magkaibigan daw kami.Natuwa naman ako sa narinig ko sa kanya na okey na kami.
Di nagtagal dahil sa nalibang kami sa kwentuhan ay narating na namin ang bahay nila.
Namangha ako dahil ang laki ng bahay nila,ang labas ay puno ng iba't- ibang halaman, ang dingding nila ay disenyong kahoy.Ganitong bahay ang nakikita ko sa internet at magazine.Halatang mayaman ang nakatira.
Bumaba na si Rex at may kinausap na lalaki,siguro siya ang taga alaga ng bahay. Habang hinihintay si Rex ay tinignan ko ang selpon ko na at nakita ko may isang text message. Binuksan ko at nakita ko na galing kay Christian.
"buddy,asan ka? andito ako ngayon sa harap ng bahay niyo."
pagkabasa ko nito ay tinignan ko ang oras,4:25 nya pa text at halos isang oras na ang nakalipas dahil 5:30 na nang hapon.Nireplyan ko siya,"buddy,sorry late reply,sinundo ako ni sir Rex at andito kami sa Baguio. Tawagan kita mamaya." pero wala siyang reply. Hanggang tawagin na ako ni Rex para bumaba. Paglabas ko ng kotse ay ramdam ko na lalo ang lamig ng hangin dahil nga siguro 'ber' months. Palakad ako papalapit kau Rex ay minamasdan ko pa din ang buong paligid.
"Masaya kaba?" tanong ni Rex sabay akbay niya sakin at nakaharap kami sa bahay nila.
"Oo naman,salamat Rex ah sinama mo ako dito." masaya kong sagot sa kanya at kumalas ako sa pagkaakbay niya dahil di ako sanay.
Papasok na kami nang biglang nag ring ang selpon ko kaya sinabi ko kay Rex ay mauna na siyang pumasok susunod nalang ako,sasagutin ko lang ito.
"Hello Christian?"
"ahh.,wag niyo akong hawakan,tatawagan ko lang buddy ko," narinig ko sa kabilang linya na halatang lasing si Christian,bigla akong kinabahan dahil baka kung ano na nangyari sa kanya.Magsasalita palang ako ay naputol na at di ko na makontak.
Itutuloy.....