Chapter 6: The weakness

1227 Words
Dahil sa maghapon kaming magkasama ni Rex na wala naman akong ginawa kundi nasa opisina lang,sumasakit na nga pwet ko kakaupo hindi ko alam bakit kailangan pa nya ng P.A. Hindi ko mapuntahan si Christian gusto ko kasi siyang tanungin kung bakit parang galit sya. "Hey buddy, nakauwe kana?" Text ko sa kanya dahil iniisip ko talaga sya. Ngunit hindi ko alam kung ano ang na kain ng boss ko na pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa kasamaan ng ugali, pati kasi pag-seselpon ko ay pinagbabawal nya. "Sa susunod di ko na papayagan na magdala ka ng selpon," habang tinignan na nya ako ng parang nangiinis pa. "Bakit di mo nalang i-check ang mga supply's natin keysa text ka ng text dyan." Utos nya na di ko naman trabaho yun at isa wala nang tao sa storage room at sa kitchen dahil maagang pinauwe nitong mokong kong boss. Dahil wala naman akong choice,tinungo ko ang bodega,hinablot ko naman ang isang papel na paglilistahan ko. Bakit ba naman kasi hindi pa kami umuwe wala naman ginagawa. Habang binubuksan ko ang mahigpit na pintuan may biglang kung anong gumapang sa batok ko. "Ahhhhh," tarantang nagwawala ako na akala mo batang inagawan ng kendi. Dahil sa paghampas ko ay tumambad sa kamay ko ang isang nakakadiri at isa sa kinatatakotan kong ipis. Dahil sa lakas ng sigaw ko di ko napansin na nasa likuran ko pala ang boss kong pinaglihi sa sama ng loob. "Hahahaha!" Malakas kong narinig. "Para kang bata,ipis lang kinatakotan mo na," pang aasar nya sakin. Na lalo kong kinainis. "Nagulat lang ako," tanging dinahilan ko pero ang totoo takot talaga ako sa ipis. Inirapan ko lang sya at di na pinansin,tinuon ko nalang ang tuon ko sa nakakainis na pinto. Bakit ba naman kasi mahirap buksan sobrang igpit. Sa di ko napansin bigla nalang may kung anong kamay ang nanggaling sa likuran ko ang tumulak para mabuksan. Nakadikit ang katawan ni Rex sa likuran ko at ramdam ko ang hininga nya na malapit sa tenga ko. Pero tanging kabog ng dibdib ko ang naririnig ko at nanlalamig na pinagpapawisan ang kamay ko. "Oh ayan," nang mabuksan ang pintuan, halos wala akong naitulong dahil natulala ng sandali dahil sa di ko maipaliwanag na dahilan. "Ayyy ipis! Ipis!" Tanging narinig ko na sumigaw nalang din ako at nataranta. Bumalik na ako sa katinuan at nakita ko si Rex na tawa ng tawa sa isang sulok. "Ano ba," habang inaayos ang sarili ko at pumasok na nang bodega. Nang makapasok ako,sumunod sya na di ko alam ang dahilan. Di naman kalakihan ang bodega andun na yung mga supply's ng resto,may kabinet na puno ng mga pangsangkap sa kusina,meron ding lagayan ng mga tissue, at may mga lunag gamit din:baso at plato. Tumungo ako sa tapat ng kabinet ng mga Toyo at suka. Binilang ko at inilista. Habang masinsin kung ginagawa ang inutos ng kumag kong boss ay bigla akong nakarinig ng kumalabog. Mabilis kong tinignan. "Hahaha," malakas kong tawa nang makita ko si Rex na napa-upo at nakadagan ng isang kahong tissue. Pero wala akong reaksyon na narinig sa kanya. Tahimik at di gumagalaw. Kinabahan ako at natakot. Tinaggal ko nang mabilis ang kahon na nakadagan sa kanya. At bumukad sakin ang si Rex na walang malay. Mas tumindi ang takot ko. "Tulong! Tulungan nyo kami," halos mawalan na ako ng boses kakasigaw. Inakap ko sya at pinilit na gisingin,"sir Rex! Rex.. gising." Lalabas sana ako ngunit pagpihit ko sa hawakan ng pinto ay di ko alam kung nanadyang ito dahil nasira ang door knob. Biglang naubo si Rex at dali-dali ko siyang pinuntahan. "Sir Rex," pagtawag ko sa na tilang kinakapos sya hininga. Pilit nyang nilalabanan ang pagkalunod nararamdaman dahil sa pagkapos ng hangin sa bodega.Kumuha ako ng papel binalot ko na parang party hat at nilagay sa ilong na sakop din ang bibig nya. Ilang minuto ang nagtagal at bumalik na sa normal na paghinga sya. Pero hindi pa din sya dumidilat. Kaya ang ginawa ko ay isindal ko inihiga ko sya sa mga binti ko na kanina ay umaalog sa takot. Dahil sa nangyari ay tila napagod sya dahil mahimbing syang nakatulog. Nang mga sandaling iyon nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ng malapitan ang mukha nya. Para syang batang musmos na wala pang alam sa mundo dahil sa maaliwalas nyang mukha. Dagdagan pa ng ilong na matangos,napahawak pa ako sa ilong ko. Masasabi kong gwapo sya kasi kita sa makinis na mukha na mahihiya ang tigyawat na tumubo,mapulang labi at may kakapalan ng kilay. Idagdag pa ang hair style na parang kay Alden Richards. Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng mukha nya. Nakaramdam ako ng kakaiba,bigla akong kinabahan na di ko maipaliwanag. Ganito ang naramdaman ko noong nagkita kami ng ex-girlfriend ko. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon nya kung dala nya selpon nya para makatawag ng tulong pero katulad din nang sakin na di ko dala. Ilang oras pa ang lumipas pero hindi pa din siya nagigising. Dahil sa pagod ay nakaramdam na din ako ng antok. + "Patrick!" Narinig ko habang minumulakat ang mga mata ko. Bumulaga sakin ang mukha ni Rex na nakangisi pa na nakakaloko. "Bukas na ba pinto?" Agad kong tanong at mabilis na bumangon. "Hindi pa," sagot naman nya at umupo sa tabi ko. "Salamat Patrick kagabi ah," "Wala po iyon sir," "Hindi malaking bagay yun sakin 15 palang ako may asthma na ako pero hindi malala natri-trigger lang yun kapag nakakasinghot ako ng alikabok," kwento nya na talagang ibang iba sya. Meron din pala siyang bait na tinatago. Akala ko talaga pinaglihi siya sa sama ng loob. "Wala yun sir, alam mo natakot talaga ako nung nakita kitang walang malay," "Ayiieh!" Pang -asar nya. "Baliw ka, hindi syempre boss kita,baka kasi mamaya kapag namatay ka pagbintangan pa ako kawawa naman nanay at kapatid ko," paliwanag ko sa kanya na nahihiyang tumingin sa kanya. Nakita ko naman na napangiti sya sa sinabi ko. Hindi nagtagal ay may nagbubukas na nag pintuan kaya tumayo na kami at nag aabang na bumukas. Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Christian. Mabilis nya akong niyakap. Tinignan ko si Rex at ngumiti lang sya sa akin at mabilis na lumabas. Habang papalayo si Rex ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Saya na hindi maipapaliwanag ng sinuman. Hindi nagtagal ay lumabas na din kami ni Christian sa bodega. Habang papunta kami ni Christian sa locker room ay nag tumunog ang selpon nya. "Hello tita," pagsagot ni Christian. "Pwede ko po bang isama yung kaibigan ko," dagdag pa nya na di ko naririnig kung ano pinag-uusapan. Pero ako ata yung tinutukoy na kaibigan nya. "Sige po tita,bye po," paalam nya at masayang lumapit sakin. "Libre kaba bukas ng gabi?" Tanong ni Christian na kinagulat ko at bigla akong kinabahan. "Bakit?" Habang patuloy kong inaayos ang gamit ko. "Birthday kasi ng pinsan ko,eh may kainan daw, tara sama ka," aya nya sa akin. Pero biglang may takot akong nararamdaman. "Naku buddy,baka di ako makasama kasi alam mo naman kagagaling lang ni nanay sa ospital," pagdahilan ko. Na sumang-ayon naman sya. "Oh pano buddy,uwe na ako kasi magdamag akong andun sa bodega," paalam ko sa kanya habang sya binuksan ang locker nya na may isang bagay akong napansin na nakuha ang atensyon ko. May piraso ng dyaryo na nakaipit sa pinto ng locker nya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD