Chapter 5: Agreement

1202 Words
Wala akong atubiling tinungo ang kwarto ni nanay sa ospital. Nasa hagdan palang ako ay namamasa na ang kamay ko sa nerbyos. Dasal lang ang tanging binabanggit ng bibig ko. Natanaw ko na ang 2-5-6 numerong sinabi ni ate Cecile na kwarto ni nanay. Mabilis kong pinihit ang doorknob ng pintuan at bumungad sakin ang nanay ko na naka higa,naka dextrose at naka oxygen. Nasa gilid naman si Jayjay at si ate Cecile. "Kuya," tawag sakin ni jayjay habang umiiyak. Hindi na din napigilang tumulo ng luha ko na kanina pa sa jeep ngbabadyang kumawala. Nilapitan at kinausap ko si nanay,ngunit natutulog pa sya. Kinuwento sakin ni Jayjay at ni ate Cecile ang nangyari. May sakit pala si nanay sa puso na hindi namin alam. Minabuti ko na pauwiin na si ate Cecile dahil may mga anak din syang aasikasuhin. At si Jayjay naman ay bumili ng pagkain kasi maghahapunan na. Habang naka-upo't pinagmamasdan si nanay pati na din ang kwarto ng may malaking aircon, malinis na paligid at bintana na kita mo ang buong bayan. Biglang tumunog ang selpon ko,tinignan ko unknown number lang, so nag-alangan ako na sagutin. Yung unang tawag ay di ko sinagot pero dahil maingay ang tunog ng selpon ko ay halos mapuno ang kwarto at baka magising si nanay kaya napagpasyahan ko sagutin ko. "Buti naman buddy sinagot mo," sabi ng kabilang linya na nabosesan ko na agad na si Christian. "Ikaw pala buddy," sagot ko. Kinamusta lang nya ako at si nanay. Nakuha daw nya number ko kay Mrs. Cherry. Gusto nga nyang magpunta pero sinabi ko na wag na at magpahinga nalang sya dahil alam kung pagod sya sa resto. Binalita din nya na nakausap na daw nya si Rex. Bigla naman na sumingit sa isip ko ang nangyari kanina sa Executive room. Flashback "Patrick,right?" Tawag nya sakin nag palabas na ako ng kwarto. Lumingon ako sa kanya na halo-halo ang emosyon,naiinis ako sa kanya at kailangan ko ng puntahan si nanay sa ospital na patuloy pa din na naggigilid ang luha ko. Nakita ko ang mukha nyang na seryoso yung mukhang di mo nanaisin na tignan. Tumayo at tinungo ang kinatatayuan ko. Habang papalapit sya ay kumabog ng kumabog ang dibdib ko.Tumitig lang sya sa akin at unti-unting nilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Sabay sabing,"hindi pa tayo tapos." Na kinagulat ko naman na hindi ko alam kung bakit nya nasabi yun. Dahil andun si Mrs. Cherry ay tinawag nya si Rex dahil akala nya may gagawin sakin. Sinamantala ko naman yun para makalabas na ang tanging nasa isip ko ay si nanay. End of flashback "Nakausap ko na buddy si sir Rex. Naipaliwanag ko sa kanya na kailangan mo ng trabaho at yung nangyari sa nanay mo na nasa ospital, at pumayag sya na wag kana tanggalin. Gusto ka daw nya makausap bukas," masayang binalita ni Christian sakin. "Baka di muna ako makapasok bukas pakisabi nalang kay Mrs. Cherry, hindi pa kasi okey si nanay ngayon eh," paliwanag ko sa kanya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa nya ang isang lalaking doktor. Mabilis akong nagpaalam kay Christian sa kabilang linya. "Dok kamusta po," tumayo ako at handang makinig sa bawat sasabihin ng doktor. "Ikaw ba ang anak nya?" Panimula ng doktor na tanging tumango lang naging sagot ko. "Meron siyang sakit sa puso,may nakita akong sinyales ng paglaki puso nya base sa mga result ng lab test. Nasabi ko na kanina sa kasama nya kanina. Tinanong ko kung may maintenance na sya pero kapitbahay pala ang nagsugod sa kanya dito,kaya sinabi nya na hintayin ka nalang," sambit ng doktor. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,madaming mga tanong sa isip ko bakit di nagsasabi sakin si nanay. After 2 days "Oh nay, yung gamot mo huh,wag mong kalimutan," bilin ko na abalang inaayos ang mga gamot ni nanay. "Alis na ako,Jay si nanay huh," pahabol ko habang palabas ako ng pintuan, buti nalang bakasyon ngayon may makakasama si nanay. Bigla akong kinabahan habang siksika sa jeep. "Ano kaya ang sasabihin ni Rex?". Di nagtagal nakarating na ako ng resto. Pumasok na ako ng locker room at lahat ng kasamahan ko ay nakatingin sa akin. At ang tanging masaya na malaki ang ngiti na halos mag-abot sa kanyang tenga ay si Christian. Agad na sinalubong ako at inakap. Kinumusta at para syang bata na nakasunod sa akin na parang ang tagal namin di nagkita eh halos 3 araw lang ako nawala. Dahil sa ingay naming nag-uusap ay biglang dumating yung lalaking kanina ko pa hinihintay at kanina pa din ako kinakabahan. Tumingin sya sa akin,"mag-usap tayo?". Hindi ko na nakuhang bumati sa kanya. Pagpasok ko sa Executive room ay hindi mawala ang kaba ko. "Sir," panimula ko. "Patrick, alam mo bang sobrang kahihiyan ang ginawa mo sakin sa pagbibintang mo na magnanakaw ako." "Sorry po sir...." Hindi ko na tapos sasabihin ko. "Kapag nagsasalita ako ayoko nang may sumasabat,hintayin mo akong makatapos!" Pasigaw nyang bawal sakin. "Umupo ka," turo nya sa upuan sa harapnng lamesa nya. "Dahil sa ginawa mo sakin noong nakaraan,napag isipan ko na di nakita papaalisin," pagturan nya habang pinapaikot ang ballpen sa mga daliri nya. "Pero sa isang kondisyon, magiging personal assistant kita," sinabi nya na talagang kinagulat ko,lalo akong kinabahan. "Pero sir, waiter ang pinag-applyan ko hindi maging personal assistant mo," galit kong sinabi na napatayo pa ako sa kinauupuan ko. "Ikaw mamili ka,mawawalan ka ng trabaho o tatanggapin mo ang alok ko," sabi nya na parang nag-aasar alam nya kasi na sa hirap makahanap ng trabaho ngayon at kailangan na kailangan ko nito para kay nanay at sa kapatid ko. "Kung ayaw mo sige makakaalis kana," pagpapatuloy nya. Na hindi nanggigil pa din ako kasi wala akong magawa alam ko din na ganti nya iyon sa nagawa ko sa kanya. "Sige sir,pumapayag na ako," sagot ko na nangangatal ang boses ko. "Okey,sumunod ka," utos nya sabay tayo sa upuan at lumabas ng opisina. Mabilis naman akong sumunod. "Ok guys,may mahalaga akong sasabihin," pinatawag nya lahat ng staff mula sa kitchen at dinning. "Cherry, maghanap ka ng bagong waiter," Nagulat si Mrs.Cherry at si Christian sa narinig nila. "Sir, masipag po yang si Patrick at mabait, siguro po nakagawa sya ng di maganda sayo pero mabuting tao po yan," pagtatanggol sakin ni Mrs. Cherry. Nakita ko naman sa mukha ni Christian nya parang gusto nyang manuntok,nakatikim ng mahigpit ang mga kamao nya at matalim ang tingin nya kay Rex na kinatakot ko na baka ituloy nya. " Ano bang pinagsasabi mo Cherry, maghanap kana ng bagong waiter na papalit kay Patrick dahil mula ngayon ay pagiging personal assistant ko sya. Dahil sa akin na pinamamahala ni Daddy ang negosyong ito kailangan ko ng makakatulong at makakasama ko," paliwang nya. Na lalong kinagulat ng lahat, may mga nagbubulungan. At nakita ko si Christian na hindi natuwa sa narinig nya. Di kaya sya masaya na hindi na ako aalis ng resto. "Naku Patrick congrats sayo and goodluck," bati ni Mrs. Cherry na kinabahalan ako lalo. Lalapitan ko sana si Christian ngunit mabilis na umalis. "Anong problema ni buddy." Tinawag ko sya ngunit di sa lumingon, bigla naman ako sinenyasan nitong mokong kong boss na pumasok sa opisina. Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD