DIANE'S POV; Pagkarating ko sa bahay ay agad kong ti-next si Edward upang ipaalam na nasa bahay na ako. Baka kasi pumunta pa iyon sa school. To Edward: "Nasa bahay na ako. 'Wag mo na akong sunduin mamayang hapon. Pinauwi kasi kami ng maaga dahil may meeting daw ang mga staff ng school," "Ok! Be ready! Susunduin kita diyan ngayon, kakain tayo sa labas para makabawi ako sa iyo! See you!" sagot naman nito sa text. Kaya mabilis akong naligo at nag bihis. Nag suot lang ako ng dress na may spaghetti strap at above the knee ang haba. Hapit na hapit ito sa katawan ko at kitang-kita ang kurba ng aking katawan. Napangiti ako at medyo humanga sa ganda ng aking katawan. Nag suot din ako ng flat na sandals at kumuha ng maliit na bag na mapag lalagyan ko ng aking wallet at cellphone. Pag baba ko n

