DIANE'S POV: Nang makalayo ang kotse ni Edward ay saka ko siya sinundan ng tingin. Muli akong naluha dahil naalala ko na naman ang nangyari. May bigat sa dibdib ko na parang hindi ko kayang dalhin. Umupo muna ako sa waiting shed dahil medyo maaga pa naman. Pagagaanin ko muna ang pakiramdam ko bago ako pumasok. Ngunit sa halip na gumaan ay tila lalong gustong tumulo ng tumulo ng luha ko. "Miss, maybe you need this!" saad ng lalaki na bigla na lamang nag salita sa tabi ko habang iniaabot ang panyo sa akin. Kinuha ko naman iyon at pinunas ko sa aking luha. "Thanks!" saad ko habang pilit na pinipigil ang aking pag iyak. "Are you ok miss!" tanong nito. "O-oo! I'm ok! Salamat dito ah! Hindi ko na mababalik kasi basa na ng luha ko! Pasensya na!" sagot ko. "No it's ok! I know na kailangan

