SA susunod na araw pa ang kasal ni Ford at Camilla pero napag-desisyonan ng pamilya De Asis na maaga nang pumunta sa Probinsiya nina Camilla. Ang pagkakaalam pa nga niya ay binook lahat ng room sa isang hotel para sa lahat ng bisita. Mukhang engrande yata ang kasal ng dalawa. Well, paanong hindi magiging engrande ang kasal? Si Ford ang kauna-unahang anak nina Tita Dana at Sir Franco na ikakasal kaya dapat lang na maging engrande ang kasal ng mga ito. Pero kung tutuusin, kung nakakaalala lang si Francis ay siguro ay silang dalawa ang unang naikasal. Si Francis ang unang anak ng mga ito na naikasal siguro. Gusto pa naman din nito na maikasal sila, pero dahil nga hindi nito makilala ang pagkakakilanlan ay hindi nila magawalang maikasal na dalawa. Sa totoo lang, kung hindi lang siya nahihiya

